Part 19

101 3 7
                                    

A few moments later, bumalik ang sales lady na may dalang two boxes. Same boxes na pinaglagyan ng bracelet na regalo sa akin, kaya naman ang lapad ng ngiti ko habang pabalik ang sales lady sa akin.

"Hhhmm Ma'am, regarding sa pinacheck mo po na design as of now po kasi wala kami na ganon na design pero meron po kami dito na medyo hawig na design."

Yung ngiti ko kanina na abot tainga ay biglang napalitan ng pag-pout ko ng lips. Alam mo yung feeling na bigla kang pinagsakluban ng langit at lupa.

Lahat ng pag-asa ko siguro nawalang parang bula dahil sa sobrang frustration.

Siguro masyadong transparent ang naging dating ko sa sales lady kaya naman bigla itong magsuggest na kung gusto ko daw ay mag-order ako kaya lang baka abutin ng until one month ang request ko since sobrang detailed pala ang bracelet na yun.

Actually hawig nga sya nung dala ng sales lady pero if you try to look at it as closer as possible medyo malayo nga. Siguro ito yung nakita ko the last time nung nagcheck ako ng price pagkatapos ko mareceive ang gift ni Chester.

Daddy and Mommy approached me to check kung may napili na ba daw ako.

"Dad, next time na lang siguro. Wala po yung gusto ko eh." Grabe na siguro yung pagiging spoiled brat ko that time.

"Bakit? Wala ka bang nagustuhan sa mga designs nila?"

Alam ni Daddy na simple lang ako kaya nagtataka sya bakit wala akong magustuhan sa mga pinakita ng sales lady sa akin.

"You want to look at the other store?" Mommy suggested ng makita na medyo nakapout na ako.

"Okey lang po Mommy. Iba po kasi talaga yung gusto ko na style and dito lang po kasi yun mabibili." I lied again para di na sila muli pang magtanong.

"Oh sya, let's have a lunch na lang. Kapag may magustuhan ka ulit, don't hesitate to tell us ha? Huwag kang mahihiya anak. Alam mo namang mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. And we'll give everything you want."

Daddy kissed me in the forehead. Alam nila talaga kung kailan ko need ng comfort. Sobrang luck ko talaga to have them both.

Bagsak ang balikat na umalis kami sa store. Pero sinabihan ko rin ang sales lady na if ever magkaroon sila ng stock, sabihan agad ako para makuha ko agad.

Hanggang sa makauwi kami tahimik lang ako at derecho sa aking kwarto.

Wala na. Nawalan ako bigla ng pag-asa dahil yung kaisa-isang sasagip sana sa akin hindi ko pa nakuha.

Bigla kong naalala si Chester, sabi naman nya pagbigyan ko sya kahit isang Linggo lang na maging boyfriend sya ayos lang naman sa kanya. Ako lang naman itong may ayaw.

Syempre! First boyfriend ko tapos sa ganun way lang ako nadaan diba? Di man lang ako niligawan ng maayos or dinalaw sa bahay? Tapos may kasama pang babae kanina sa simbahan hanggang sa mall. Kung iisipin mo parang nananadya eh.

Agad kong kinuha ang aking cellphone at nagtype ng message kay Lean.

"Payag na akong maging girlfriend mo pero one week lang ha?!" agad ko sinend sa kanya at hindi na inintindi ang reply nito.

Nag-ayos ako ng sarili ko at muling bumaba para humingi ng sorry kina Mommy at Daddy sa naging attitude ko kanina. Pinatawad naman nila ako kasi alam naman nilang hindi ako spoiled bratt at minsan lang humiling sa kanila.

Bumalik ako sa aking kwarto na hindi man lang tinitingnan ang aking cellphone hanggang sa makatulog na ako.

Nagising ako mula sa katok sa pintuan ng aking kwarto. Pagbangon ko ay agad kung hinanap ang aking cellphone at hindi ko paalam ito na-set ng alarm.

"Shocks! Late na ako." agad akong nagtungo sa bathroom na nasa loob ng room ko.

Nagmamadali na ako dahil baka ma-late ako sa school. Paano 6:00 na ng umaga? 30 minutes pa ang biyahe at kung matatraffic pa ako ay late na talaga ako.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Manang Josie at inabot agad ang isang basong gatas na agad kung ininom.

"Hija, umalis na ang Mommy at Daddy mo. Sabay na sila kanina. Ayaw ka na paggising dahil sobrang agang umalis."

"Salamat po. Oo nga po tinanghali po ako ng gising. Si Mang Jojo po ba nakabalik na po?" yung driver namin na naghahatid kay Mommy tapos babalikan ako para maihatid sa school.

"Sobra yatang traffic kaya hindi pa nakakabalik. Nagtext kasi kanina." sagot ni Manang Josie na isa sa mga kasambahay namin.

Si Manang Josie na halos ang nagpalaki sa akin dahil busy ang mga parents ko sa family business namin pero hindi naman ako pinabayaan nila Mommy at Daddy.

Si Mang Jojo ay anak ni Manang Josie para nang pamilya ang turing namin sa kanila kaya halos pamilya na rin nila ang naglilingkod sa amin.

"Subukan ko pong mag-abang ng taxi sa labas." suggestion ni Manang Josie.

"Naku Manang, ako na po at dito na lang po kayo. Text ko na lang po si Kuya Jojo para masundo po ako mamaya. Salamat po. Ingat po kayo dito." nagpaalam ako kay Manang at agad lumabas ng gate namin.

Paglabas ko ay may tumigil na isang Chevrolet Trailblazer sa harapan ko. Mukhang familiar pero hindi ko maalala kung saan ko nakita.

Agad bumaba ang isang gwapong nilalang. Si Chester. At muli na namang nagwala ang puso ko. Feeling ko huminto ang ikot ng mundo ng papalapit na sya sa akin.

"Good morning. Mukhang tinanghali ka ah? Nabasa mo ba text ko kagabi?"

Napakurap ako ng mapagtanto na kanina pa ako nakatitig sa kanya. Nakakahiya talaga ako. Kahit anong deny ko, iba pa rin epekto nya sa akin.

"Aahh eehhh. Maaga akong natulog kagabi. Di ko na namalayan na nagtext ka pala." nauutal ko pang sagot.

"Ah kaya pala di mo sineen pati pm ko sa messenger. Shall we? Baka ma-late tayo."

Pinagbuksan nya ako ng pinto pagkatapos ay umikot sya sa driver's seat.

"Seat belt mo."

"Ha? Anong sabi mo?"

Nawawala ako sa sarili kapag kausap ko talaga sya. Mas mabuti pang sinusungitan ko sya para tuwid ang dila ko.

"Sabi ko yung seat belt mo Love para makaalis na tayo." natulala lalo ako ng lumapit sya sa akin para hilahin ang seat belt at ikabit sa akin.

Hindi ako makahinga. Feeling ko 1 hour akong di nahinga. Sobrang lapit namin at sobrang bango at gwapo nya talaga.

"Lord, anong ginawa ko nung past life ko para mangyari lahat ng ito."

Napapikit ako dahil isang galaw ko lang ay magkikiss na kaming dalawa. Agad kong minulat ang mga mata ko ng maramdaman na wala na sa harapan ko si Chester.

Napalingon ako sa kanya at napansin ang nakakaloko nyang ngiti.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon