"Hi" simpleng bati ni Chester sa kanya habang nasayaw silang dalawa.
Natawa naman sya dahil mukhang hindi ito sanay mag-open ng topic.
"Buti nakarating ka."-Jen
"Oo nga eh. Hiniram kasi ng kapatid ko yung car kaya medyo natagalan ako pati hindi naman pwdeng mamiss ko itong birthday mo." Chester winked at Jen.
"Hhmmm may tanong lang sana ako sa'yo. Di ba dito ka sa Pinas pinanganak? Paano ka napunta ng US?" curious na tanong ni Jen. Need nya malaman if natatandaan pa sya ni Chester.
"Oo, dito ako sa Pinas pinanganak. Lumipat kaming US when I about to enter High School. Nagkawork kasi doon sina Mommy and Daddy."-Chester
"Eh bakit bumalik ka dito sa Pinas? I mean, mas maraming opportunity doon."-Jen
Natawa si Chester kay Jen dahil mukhang nahuhulaan na nya sasabihin ng dalaga sa kanya.
"Actually sina Mommy nagpabalik sa amin dito. Sila na lang daw doon nila Daddy since si Ate naman ang magmamanage ng business namin dito ay need nya ng makakasama. Ang naiwan doon ay ang sumunod sa aking babae at yung bunso namin pero siguro kung sakaling makatapos na kaming lahat at may opportunity dito ay I will stay pa rin kasi nandito ka." mahinang sabi ni Chester kay Jen.
"Ha? Anong sabi mo?" di nagets ni Jen dahil naging mahina na ang boses ni Chester sa last part.
"Wala. Ang sabi ko I still remember you. Ikaw yung bata sa tapat namin bahay diba? Yung kalaro minsan ni Ram? Natatandaan pa rin kita." Chester smiled as he saw na nag-widen ang mga mata ni Jenica sa pagkagulat.
"Natatandaan mo pa ako?" mukhang hiyang-hiya sya dahil medyo marami din syang kalokohan noon dala ng kanyang pagkabata.
"Yeah! Hahahaha ang kukulit nyo nga noon. Nakatok pa kayo sa gate namin para makalaro ako."-Chester.
"Akala ko hindi mo na kami natatandaan." curious na sabi ni Jenica.
"Pwde ko bang makalimutan yung cute na bata sa tapat ng bahay namin. Happy birthday Jen."-Chester
Nagulat si Jen ng halikan sya ni Chester sa pisngi na kinapula ng mukha nya.
Inabot ng binata sa kanya ang isang pahabang white box na may ribbon na pula.
"Buksan mo agad mamaya after ng party." ngumiti si Chester sa dalaga at umalis na sa harapan nito dahil tapos na ang 18 Roses.
Nabigla man ay sinubukan ni Jenica na maging normal sa harap ng kanyang mga bisita after ng 18 Roses.
Nagdinner muna ang lahat ng mga bisita habang nagbibihis si Jenica para sa susunod na program. Inilapag ni Jenica ang regalo ni Chester sa isang table kung saan madami ding nakalagay na mga regalo.
Nagsimula ang part 2 ng kanyang debut party kasama na dito ang cotillion. Naging maayos ang presentation nila at natapos ang party ni Jenica mag-aalas onse ng gabi.
Isa-isa ng nagpaalam ang mga bisita ng dalaga ganun din ang iba nilang mga kamag-anak, ang ilan naman ay sa bahay nila mag-stay dahil gabing-gabi na at takot na magbiyahe.
Ang mga kaibigan ni Jenica na sina Awra, Micole at Louise ay sa kanila na matutulog since nagpaalam naman ang mga ito sa kanilang mga magulang.
"Uwi na kami mga tol. Happy birthday ulit Jen." nagbeso si Ram sa dalaga at nagpaalam din sa parents ni Jenica.
"Dito na rin kaya kayo matulog."-Mommy Jessica
"Hindi na po Tita, kaya ko pa naman pong magdrive." sagot ni Ram.
"Ikaw hijo? Di ba delikado sa daraanan mo?"
"Hindi naman po. Convoy po pati kami ni Ram." sagot naman ni Chester at nagpaalam na kay Jenica.
"Happy birthday ulit. Buksan mo agad ang gift ko sa'yo ha?" bumeso din sya sa dalaga ganun din sa mga kaibigan nito.
Napatingin naman si Mommy Jessica sa nangyayari at masamang tingin ang sinukli nito sa binata.
"Una na po kami Tita at Tito. Salamat po and goodnight." paalam ng dalawang binata na magkasunod na lumabas ng kanilang gate.
"Haba ng hair tey? One point." tili ni Awra na agad namang napatigil ng maalala na kasama pa nila ang Mommy ni Jenica.
"Boyfriend mo ba yun ha Jenica?" sita ni Mommy Jessica.
"Hindi po Mommy." sobrang iling ang ginawa ni Jenica sa mommy nya dahil panigurado na papagalitan na naman sya nito.
"Buti naman pero mukhang familiar ang batang iyon ah?" napapaisip na sabi ni Mommy Jessica habang nakatingin sa gate.
"Si Chester po yun Mommy, yung dati po nating kapitbahay." magalang na sagot ng dalaga sa kanyang ina.
"Aahh, abay akalain mo hindi ko nakilala. Ang gwapong bata ah? Tagal ko na syang di nakita."-Mommy Jessica
"Nag-aral po kasi sa ibang bansa tapos bumalik po dito para mag-college." paliwanag ulit ng dalaga.
"Ang gwapo diba Tita? Kaya crush nga ni Jenica eh." nadulas na sabi ni Awra.
"Anong crush? Bawal ka pang magboyfriend ha? Sinasabi ko sa'yo." pagtataray ng mommy ni Jen.
"Crush lang naman Tita. Di pa yan magboboyfriend kaya chill ka lang." inakbayan ni Micole si Mommy Jessica para kumalma.
"Buti na yung maliwanag. Oh sya, gabi na at magsibihis at linis na kayo para makatulog na kayo. Jenica, ikaw na bahala sa mga bisita mo. Aakyat na ako. Nauna na pala dati mo. Goodnight girls." bumeso si Mommy Jessica sa kanilang apat at pumasok na ito sa kanilang tahanan.
"Thank you besh. You saved me." yumakap si Jenica kay Micole.
"You're welcome. Happy birthday besh." Micole kissed Jen's cheek.
Sabay-sabay na pumasok ang apat sa bahay nila Jenica habang inaalala ang mga nangyari sa kanyang party.
Sa kwarto na ni Jenica sila natulog since malaki naman ito at kasya silang apat sa kama nya. Kailangan nilang magkasya dahil ayaw pahuli ng isa kanila sa mga ganap na nangyari kanina.
Nag-ayos muna sila at nagbihis para ready na sila matulog pero mukhang walang balak matulog dahil ang lahat ay excited sa kwento ni Jenica.
"So ano na?" simula ni Awra na kinikilig.
"Bakit si Chester naging partner mo kanina? Di ba dapat pinsan mo?" takang tanong ni Micole.
"Paano kinabahan ang kuya mo. Hahahaha ayun di kinaya kagandahan ng pinsan nya kaya nagback out buti na lang at kakarating lang ni Chester. May mabuting naidudulot ang pagiging late. Hahahaha"-Awra
"Gaga! Hahaha baka naman nilagyan mo ng kung ano ang kinain ng pinsan nito para magback out ha?"-Louise
"Hoyyy! Di ko bet pinsan nyan para lagyan ng gayuma noh? Pagkabihis natin, lumabas ako para hintayin ang jowa nito kasi di na daw tanda bahay nila." mahabang paliwanag ni Awra.
"Oh eh di ikaw na may spoke person." sabay turo ni Micole kay Awra.
"Hahahaha hayaan mo na at alam naman talaga nya lahat pati nakakapagod magkwento dahil sa dami kong iniyak sa mga birthday wishes na puro jowa ang laman. Hahaha" humihikab na sagot ni Jenica.
"Nakakatawa nga si Tita. Hindi maipinta ang mukha. Sya lang nagsabi na wag ka muna magboyfriend." biro ni Awra pero totoo ito dahil sayang nga naman ang ganda ni Jenica kung hindi sya liligawan.
"I understand naman. May point si Mommy. Anyways! Let's continue tomorrow. Sobrang antok na ako. Let's call it a day. I love you girls. Thank yoi for everything and for making one of dreams come true." nagbeso si Jenica sa kanyang mga kaibigan.
Napagdesisyunan nila na bukas na iopen lahat ng gifts nya para may energy sila dahil marami iyong bubuksan nila.
Biglang naalala ni Jenica ang sinabi ni Chester baho ito umalis. Dali-dali muna syang bumaba ng kama at hinanap sa mga tambak na regalo ang box na bigay nito at tinago ito sa kanyang drawer.
Ano kayang laman nito? At bakit pinapabuksan agad sa kanya ng binata? Hanggang sa nakatulugan na nya ang pag-iisip.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes