Part 48

119 2 2
                                    

Ngayon hawak ko yung promise ring na bigay nya bago sya umalis. Parang nagpropose pa nga sya sa airport dahil lumuhod pa sya sa akin.

Naputol ang pag-iisip ko ng makita kong tumatawag sya. Pinunasan ko ang mga luha ko bago ko sya sagutin.

"Hi Love!" pinaexcite ko ang boses ko to hide may sadness.

"Oh? Bakit mukhang malungkot ka? May nangyari ba? How's your first day sa work?" tuloy-tuloy nyang tanong habang nag-aayos sya ng pagkain nya.

"Okay naman. Nakakatuwa kasi they treated me na parang normal lang sa work."

"Bakit kasi di mo sinabi na ikaw yung anak ng may-ari?"

"I just want to know kasi kung anong feeling nila bilang employee and gusto ko magsimula sa staff level para alam ko yung fulfillment ng may naaachieve."

"Hmmm okay. Kumain ka na? Miss na kita Love. 23 months na lang Love." nakita ko ang pag ngiti nya pero hindi umabot sa mga mata nya.

"I love you Love and I miss you too."

"Gusto mong pumunta dito? Kausapin ko si Tito. May pera na naman ako to buy you a ticket. Ayun nga lang baka di na kita pauwiin. Hahaha joke lang ang seryoso mo kasi ngayon."

"Kasi Love sobrang miss na kita. Ang hirap pala Love. Dapat di na lang ako pumayag eh. Nakakainis naman kasi ako. Sana sumama na lang ako dyan."

"Sshhh Love naman. Akala ko ba napag-usapan na natin ito. Diba napagkasunduan naman natin ito na para sa future natin ito. I want to give you the best life in the near future, okay? Konting tiis lang ha?" nakita ko na naiiyak na rin sya dahil pagpiyok nya.

"Okay, sorry. I just can't live without seeing you every morning. Yung pagdrive mo ako papunta sa work place ko. Yung sasabayan mo ako sa lunchbreaks ko tapos susunduin mo ako tapos mag-cuddle tayo."

Nakita ko ang pagngiti nya.

"Don't worry Love. Malapit na yun, okay? Mabilis lang ang panahon. Kaya natin ito. Basta huwag kang papahatid kahit kanino ha? Pababantayan kita kay Ram at kina Awra."

Natawa naman ako kasi yung dalawang yun para nga mga pulis na kapag di available ang isa ay dapat may kapalit parang mga pulis kung makabantay.

"Baka wala na silang matrabaho dahil sa pagbabantay nila sa akin. Mga pauso mo na pagbibigay ng rose araw-araw ha? Nakakakilig. Hahaha"

"Nagustuhan mo ba? That's the least thing I can do for now, my Love. Don't worry kapag stable na ako everyday kita dadalhin sa lahat ng flower farm sa buong mundo."

"Magtipid ka nga dyan. Mamaya mo wala na tayong pangpakasal kakabili mo ng mga flowers na yan."

"Ayiieee! Gusto na nya akong pakasalan. Nagpopropose ka na Love?" todo ang ngiti nya ng makita ko sa screen ng aking cp.

"Kaya lang Love, nag-iipon pa ako pambili ng sing-sing." ganting biro ko sa kanya.

At ang dami pa naming napag-usapan. Sa isang buwan namin paghihiwalay ay mas napatunayan ko kung gaano nya ako kamahal kahit na minsan ang dami nyang ginagawa ay never syang nagfailed na kantahan ako bago matulog at kamustahin ang buong araw ko.

Nakatulog na ako ng di ko namamalayan. Lagi kaming ganun dalawa kaya nang Anniversary namin ay bumawi ako.

Nagpaalam ako kay Daddy na uuwi ako ng maaga to prepare something for Chester. Alam ko wala syang pasok today kasi nagsabi sya sa akin kagabi.

Nagmessage ako sa kanya pero di nya akong sineseen pero active sya an hour ago. Anong drama nito?

"Nag-video call ako sa kanya ng makita kong online sya."

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon