"Kailan ang practice natin?" hindi namalayan ni Jenica ang paglapit sa kanya ni Chester sa may garden kung saan sila natambay ng kanyang mga kaibigan.
"Ha? Anong practice?" gulat na tanong ni Jenica.
"Awra told me na I'm going to be part of your cotillion on your debut. Diba next month na yun?" Chester asked while staring at Jenica.
"Aahhh ayun ba? Sa Saturday doon lang sa may clubhouse ng subdivision namin." nagyuko sya ng tingin dahil natutunaw sya sa mga titig ni Chester sa kanya.
"Sige, I'll be there." pagkasagot nya ay tumalikod na sya at nagpunta ng gymnasium ng school.
Napahawak si Jenica sa kanyang dibdib sa sobrang kaba.
"Shoot! Pupunta sya? Pupunta sya sa debut ko. Waahhhh! Maaaaaa!!! I'm so kilig." hindi mapigilan ni Jenica ang hindi mapatalon at tumili dahil sa kilig.
"Besh, anong nangyari sa'yo?" takang tanong ni Micole ng makita nya ang kanyang bestfriend na nagtatalon at mukhang kinikilig ito.
"Besh, pupunta sya sa debut ko. Aattend sya ng practice sa Sabado." kwento ni Jenica sa kaibigan.
"Woohhh?! Di nga? Paano mo nalaman?"-Micole
"Nandito sya kanina. He asked me kung kailan ang practice for cotillion so sinabi ko. Besh, ito na ba? Sya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?"-Jenica.
"Mukha kang tanga. Hahahaha pero I'm so happy for you besh. Finally! Magkakalovelife ka na." nagtatalon na din ito kasama ni Jenica.
"Wow ha? Akala mo may lovelife ka." saway ni Jenica kay Micole.
"Joke lang! Ikaw naman di na mabiro. Hahahaha" niyakap ni Micole si Jenica bago sila tuluyang bumalik sa kanilang classroom.
Vacant period ng lumapit si Jenica sa mga kaibigan. Sobrang masaya ang mga ito dahil sa nalamang pag-attend ni Chester sa kanyang debut.
Dumating ang Sabado, present ang mga boys na included sa 18 Roses ni Jenica na ang ilan ay pinsan ng dalaga at mga kaibigan at classmates nya.
Si Awra na lang ang nagpresinta na magturo since marunong naman ito sa mga ganun na bagay.
Humanay na ang mga boys kasama ang mga girls na part din ng debut program ng dalaga. Dumating ang mga classmates ni Jenica na sina Claudia, Janina, Maureen at mga friends nya na sila Micole at Louise.
Si Awra ang namili ng magiging magpartner for cotillion. Halos lahat ay may partner na maliban kina Louise, Claudia at kay Jenica.
"Wala pa ba sila Ram?" bulong ni Louise kay Awra.
"Padating na magkasabay sila ni Chester. Huwag ka mag-alala at tuloy ang plano natin." Awra winked at Louise.
Napangiti si Louise at bumalik na ito sa kanyang pwesto. Si Jenica naman ay nasa unahan ng pila at naghihintay ng ipapartner sa kanya ni Awra.
Maya-maya pa dumating na si Ram, kasama nito si Chester at si Turs na isa rin nilang classmate.
"Ohh ayan na pala sila. Ayos na tayo guys." palakpak ni Awra.
Nagsimula na ang pairing at pinagtabi ni Awra sina Ram at Louise nang magtaas ng kamay si Claudia.
"Excuse me! Awra pwde bang kami ni Chester ang magpartner?" Claudia suggested it at nag-agree naman ang mga kaibigan ng dalaga.
Nagkatinginan sina Awra at Louise. Mukhang masisira ang plano nilang paglapitin sina Jenica at Chester.
Jenica nodded bilang pagsang-ayon. Ayaw naman masira ang practice nila ng dahil lang doon. Makakasayaw din naman nya si Chester sa 18 Roses at pag-ikot nila sa cotillion.
Sumang-ayon na rin si Awra at pinapunta na si Chester kay Claudia. At si Turs ang naging partner ni Jenica.
Gwapo din naman si Turs. Matangkad ito, mabait at laging nakangiti samantalang si Chester, matalino, gwapo nga, mabait din kaya lang tahimik, pili lang nginingitian nito kaya magpapagkamalan mong suplado.
"Let's start the practice." Awra guided the whole practice.
Sa kalagitnaan ng practice nila ay nagstop si Jenica at lumapit kay Awra.
"Let's take a break muna." napansin kasi nito na medyo paulit-ulit sila siguro ay pagod at gutom na ang mga kasali.
Awra nodded bilang pagpayag at nag-announce na ito sa mga kasali while Jenica dialled their home number para mapadala na ang mga food sa clubhouse for their meryenda.
Habang nagpapahinga at naghihintay sa food. Nag-uusap-usap ang mga magkakaibigan. Akmang lalapit si Chester kay Jenica nang pigilan ito ni Claudia.
Pilit kinakausap ni Claudia si Chester ng mapansin ito ni Jenica halos buong atensyon nya ay nasa dalawa na.
Nakita nya na tango at iling lang ang mga ginagawa ni Chester habang si Claudia ay daldal ng daldal.
"Suplado." wala sa sariling nasabi ni Jenica.
"Pero gwapo." singit ni Micole.
"Mabait at matalino pa." sabat naman ni Louise.
"At crush na crush mo. Correction pala mahal mo na." Awra teased Jenica.
Namula lang si Jenica at napalingon sa gawi nila Chester. Laking gulat nya ng nakatingin din ang binata sa kanya na hanggang ngayon ay kausap pa rin ni Claudia. Tila napaso sya sa mga tingin ni Chester kaya sya na ang nag-iwas ng tingin sa binata.
Ilang minuto lang ay dumating na ang kanilang pagkain at nagsimula na silang kumain lahat.
Lumapit si Chester kay Jenica at umupo sa tabi nito.
"May food ka na?" agad tanong ni Jenica nung makita si Chester na palapit sa kanya.
Nagulat din ito ng umupo ito sa tabi nya. Hindi sya agad nakakilos dahil sa pag-abot nito ng food sa binata ay nahawakan nito ang kanyang mga kamay dahil dito ay napatingala sya sa binata. Nagtama muli ang kanilang mga mata, again she just continue what she's doing at yumuko na lang.
Sinadya ba ito ni Chester? Bakit ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib?
Hindi umalis si Chester sa kanyang tabi hanggang sa matapos silang kumain. Lumapit si Awra at tumingin sa kanila na animo'y nanunukso. Sa sobrang pagkataranta ni Jenica dahil baka malaman ni Chester ang feelings nya sa kanya ay sasawayin nya sana si Awra. Ibubuka sana nya ang kanyang bibig ng biglang nabulunan sya.
Nagmamadali naman si Chester tumayo at kukuha sana ng tubig ng biglang dumating si Turs na may bitbit na bottled water at agad inabot sa dalaga.
Hinagod ni Turs ang likod ni Jenica. Hindi na lumapit si Chester sa dalaga instead inabot na lang kay Louise ang bottled water at tuluyan ng bumalik sa pwesto nya para sa practice.
Mukhang nagets ni Louise si Chester kaya naman napangiti sya sa kinilos ng binata.
Buong practice na nakasimangot si Chester. Bukod sa hindi sya nangiti ay hindi na rin sya nakikipag-usap sa iba. Napansin naman ito ni Ram kaya lumapit sya sa kaibigan.
"May problem ba bro?"-Ram
"Okey lang naman bro." kibit balikat ni Chester at tumingin kay Jenica na nagpapractice kasama si Turs.
"Aaahhh mukhang okey ka nga." ngiti ni Ram kay Chester.
Natapos ang practice ng cotillion na wala namang naging problema. Hanggang sa matapos ang practice ay naging mas tahimik si Chester.
Nagpasalamat naman si Jenica sa lahat ng umattend at kung dati ay hindi sya masyadong excited sa kanyang debut pero ngayon ay unti-unti na syang naeexcite.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes