Mula sa nilalakaran namin ay tanaw ko na si Mommy sa may gate. Bigla akong kinabahan sa itsura nya. Napalingon ako kay Lean na seryoso lang at titig na titig kay Mommy habang papalapit kami.
"Mommy?" nauutal ko pang sabi at humalik sa kanyang pisngi.
Hindi ko inaasahan na maaga itong makakauwi kasi kadalasan ay sumasabay ito kay Daddy ng pag-uwi.
"Good evening po Tita." bati ni Lean na hindi ko man lang nakitaan ng kaba sa kanyang itsura. Kunsabagay nabanggit naman nya na maayos ang usapan nila dati nung magpaalam sya na liligawan nya ako.
"Tita! Kasama po namin yung dalawa."
Napalingon ako sa nagsalita. Buti na lang nakasunod pala sa amin sina Kuya Kyle at Ram.
Tumango lang si Mommy at tumingin kay Lean. Kinakabahan ako para sa mga susunod na mangyayari parang teleserye na magkakabunyagan ng lihim ang nararamdaman ko. Masyadong intense.
"Lean at Ram, kakausapin ko lang sandali si Jen. Umuna na kayo ng uwi."
Nagtataka man ako ay napalingon ako sa dalawa. Agad namang tumabi si Ram kay Lean.
Nagpaalam na ang dalawa pero ang si Lean ay nakalingon pa rin sa akin. Nang hindi ako kumikilos ay agad inagaw ni Mommy ang aking pansin.
"Jen, pumasok ka. Mag-uusap tayo sa loob. Ikaw Kyle, umuwi ka muna sa inyo."
Derechong pasok na ni Mommy sa may gate namin. Napalingon naman ako sa aking pinsan na nagkibit balikat lang at akmang aalis na pero may sinabi pa sa akin.
"Sabihin mo sa akin kapag may problema ha?"
At tuluyan ng umalis si Kuya Kyle. Nagulat ako ng makita si Mommy sa main door namin na parang inaabangan ang pagsunod ko sa kanya.
Iba ang nararamdaman ko ng gabi na yon parang sasabog ang puso ko sa kaba. Bawat hakbang papalapit sa main door namin ay tila pagtapak sa lupa na may nakatanim na bomba.
Pagpasok ko sa bahay ay huminga muna ako ng malalim. Laking gulat ko ng makita si Claudia sa sofa na nakaupo at mukhang may malalim na iniisip. May hawak ito sa kanyang kamay at may kapirasong papel.
Ano na naman kayang binabalak nito? Bakit kaya ito biglang nagpunta sa amin? Oo, classmate ko sya pero hindi naman kami sobrang close para dalawin nya ako.
Tumayo si Claudia nang makita nya akong papalapit at nagsimulang tumulo ang mga luha nya.
Ano bang meron? Naguguluhan ako sa babaeng ito? Hindi ko naman sya inaaway at hanggang maaari ay naiwas ako dahil ayaw ko sa gulo.
"Sige na Claudia. Sabihin mo na kay Jen at alam kong maiintindihan ka nya."
Nakita ko na huminga ng malalim si Claudia bago ito magsalita.
"Jen, please. Tigilan mo na si Lean."
Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi nito?
"Boyfriend ko si Lean."
Tila isang bomba ang aking natapakan sa narinig ko kay Claudia.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" hindi ko alam pero feeling ko tumaas na ang boses ko dahil sa inis.
"Kami na ni Lean simula pa nung practice ng Florante at Laura. Ito yung patunay na kami na talaga. Please naman, layuan mo na si Lean. Nakikiusap na ako sa'yo."
Inabot ko ang papel at box na lalagyanan ng bracelet. Laking gulat ko dahil ito din yung bracelet na binigay sa akin ni Lean. Ang alam ko nasa kanya na ito gaya ng sabi nya sa akin.
Binasa ko ang notes na nakalagay doon. Tila gumuho ang mundo ko dahil paano nagawa ni Lean ang ganun sa akin? Namangka sya sa dalawang ilog? At pareho pa ng way ng panliligaw. Siguro ganito talaga syang manligaw para hindi halata.
Nainis ako sa nangyayari. Kakaayos lang naming dalawa tapos hindi naman pala totoo mga sinabi nya sa akin kanina. May iba pa pala sya.
Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata pero pinigilan ko ito. Ayokong makita ako ni Claudia na nasasaktan dahil kung totoo man ito ay ayokong mag-celebrate sya dahil nasaktan nya ako.
Muli kong binalik ang bracelet sa lalagyan kasama ng papel. Ngumiti ako at lumapit kay Claudia para iabot ang box ng bracelet.
"Huwag kang mag-alala. Walang kami. Wala kang dapat ipag-alala."
Ngiting tagumpay ang nakita ko sa mga mata ni Claudia. Pinagbigyan ko sya dahil ayoko ng humaba pa usapan namin. Gusto ko ng tumakbo sa aking kwarto at umiyak nang umiyak. Paano nagawa ni Lean sa akin ito?
Paano ko pa masasabi kay Mommy na malinis ang intention ni Lean at alam kong mahal na mahal nya ako?
Mukhang nasira na sya kay Mommy dahil kay Claudia at higit sa lahat pinagsabay pa nya kaming dalawa?
"Thank you Jen. Thank you Tita." niyakap ako ni Claudia at nagmamadaling magpaalam dahil pagabi na.
Nagawa pa syang ihatid ni Mommy sa labas. Samantalang ako ay napako ang mga paa at tila hindi makagalaw.
Nang maramdaman kong nag-iisa na ako ay doon bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Paano mapupunta kay Claudia ang bracelet kung hindi ito ibibigay ni Lean?
"Anak?" Tawag ni Mommy sa akin.
Naramdaman ko na lang ang yakap nya sa akin na lalong nagpahagulgol sa akin.
"Bata ka pa anak. Makakahanap ka pa ng mas deserve na tao na hindi ka lolokohin na ikaw lang ang mamahalin."
"Pero Mommy, hindi yun magagawa ni Lean. Mahal na mahal nya po ako." pilit kong pinapaliwanag kay Mommy dahil ayoko pa ring masira si Lean sa kanya.
Niyakap ako ng mas mahigpit ni Mommy. Ramdam ko na gusto nyang akuin ang bigat at sakit na nararamdaman ko.
Nang matigil ako ay nagpaalam muna ako kay Mommy na umakyat. Hindi na din ako nag-dinner dahil tuluyan na akong nawalan ng gana.
Nang mapag-isa na ako sa akin kwarto ay agad kong tinawagan si Kuya Kyle. Hindi gaya ni Mommy na kalmado lang si Kuya Kyle ay galit na galit.
"Abay! Luko pala sya. May paghalik-halik pa sa'yo sa burol tapos eh dalawa pala kayo. Wag lang magpapakita sa akin yan. Babangasan ko talaga yan."
"Ano ba Kuya?! Hayaan mo na sya atleast alam na natin ang totoo." pagsinghot ko sa sagot ko sa kanya.
"Kaya nga. Hoy! Jenica! Tigilan mo na ang lalaking yan ha? Two-timer pala at pareho pa ng way ng panliligaw sa inyo dalawa. Masyadong gwapo at dalawa ang girlfriend. Makapagpaturo nga kung paano magpasagot ng bestfriend. Hahaha"
Natawa naman ako dahil sa biro ng pinsan ko. Sayang lang at hindi ito gusto ng kanyang bestfriend. Gwapo naman ito, matalino, mabait at lahat ng good qualities eh nandito bulag lang siguro si Dane para hindi ito makita.
"Oh sya! Matulog ka na. Huwag mo na iyong isipin. Huwag mong replyan ha? Sinasabi ko talaga sa'yo."
"Opo Daddy. Hahaha Goodnight Kuya. Thank you for everything. Pagpray ko na magustuhan ka na sana ni Dane. Ayiiiee" nag-end na ako ng call ng marinig kong tumawa lang sya sa kabilang linya.
Kanina pa natunog ang cellphone ko dahil sa messages na galing kay Lean. May mga missed calls din ako sa kanya. He even asked me kung anong nangyayari at nag-woworry na sya sa akin. I turn off my cellphone para hindi ako matempt na mag-reply sa kanya. Bahala sya sa buhay nya. Hindi naman pati yun makakapunta sa bahay dahil sa takot kina Mommy at Daddy.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomansaHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes