Monday morning...
Maagang nagising si Jenica dahil balak nyang makipagkita kay Chester bago ang klase nila.
Alam nyang maaga ang binata sa kanilang room kaya dapat nya itong sabayan.
Nagulat ang kanyang Mommy and Daddy ng makita na nakabihis na sya at ready for school.
"Oh? Ang aga mong nagising ah? Good morning my princess." bati ng Mommy ni Jenica sa kanya.
Humalik ang dalaga at bumati din sa ina na sa tingin nya ay paalis na rin dahil naka-corporate suit ito.
Ang family nila ay may-ari ng ilang hotels sa City at ilang resorts sa Masbate na ang nagmamanage ay ang kanyang Daddy na sobrang hands on pagdating sa business, kung kaya kadalasan ay silang mag-ina lang ang naiiwan sa bahay.
Ang kanya namang Daddy ay nakabihis din at nang mapatingin sya sa living room ay nakita nya ang ilang baggage nito, marahil ay babalik muli ito sa Masbate para mag-asikaso ng kanilang business pero every week naman ay nauwi ito kapag walang importanteng gagawin.
"May problema ka ba anak?" bati ni Daddy Franc sa anak.
"Wala po Daddy and Mommy. May hahabulin lang ako sa school kaya po need na maging maaga." sagot ni Jenica na humalik din sa pisngi ng kanyang ama at nagpunta na sa kanyang pwesto para kumain.
"Mukhang inspired ang anak ko ah? Dahil ba sa partner mo nung birthday mo?" nanunuksong tanong ng kanyang Daddy.
"Si Daddy talaga." napangiti si Jenica at biglang seryoso ng mapalingon sa kanyang Mommy.
"Jenica, tigil-tigilan mo yang kakaboyfriend ha? Mag-aral ka muna." mataray na sita ng Mommy nya sa kanya.
"Ikaw naman. Dalaga na si Jenica. Pwde na yang ligawan." hinawakan ni Daddy Franc ang kamay ng kanyang asawa upang kumalma.
"Ohh Mommy, sabi ni Daddy pwde na daw magboyfriend." ngiti ni Jenica.
"Anong pwde nang magboyfriend? Ang sabi ko pwdeng ligawan pero bawal sagutin." seryosong sabi ni Daddy Franc na ikinatuwa naman ng mommy ni Jenica.
"Ang daya naman." maktol ni Jenica at sumimangot.
"Anak, may tamang panahon para dyan. Ayaw ka lang namin masaktan pati masyado ka pang bata. Marami ka pang makikilala." lumapit si Mommy Jessica at niyakap ang anak at hinalikan ang buhok nito.
Tumayo din si Daddy Franc na niyakap ang mag-ina nya.
"Tama na ang drama at baka ma-late ako sa flight ko. Sabay-sabay na tayong mag-anak. Idaan muna natin si Jenica sa school tapos ikaw tapos papahatid ako kay Mang Andeng sa airport then pabalikin ko sya sa office para may driver ka pag-uwi."-Daddy Franc.
Ganon nga ang naging set up nilang mag-anak actually hindi iyon normal kasi kung minsan tulog pa si Jenica ay nakaalis na ng parents nya.
Naiintindihan naman ito ng dalaga dahil para sa kanyang kinabukasan naman ito kaya nga Accountancy ang kanyang kinuhang course.
Bago bumaba ng sasakyan si Jenica ay kiniss nya ang mag-asawa at sinabihang mag-ingat ang mga ito. Ganun din ang ginawa ng mag-asawa at nagbilin na iupdate sila ng dalaga.
Tinakbo ni Jenica ang hallway. Nagmamadali sya para sana maabutan si Chester na nag-iisa sa kanilang classroom.
Pagliko nya papasok ng kanilang classroom ay may nakabangga syang lalaki dahilan upang muntik na syang mapahiga sa sahig. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng lalaki.
"Okey ka lang ba Miss?" tanong ng lalaki na nagulat ng makita kung sino ang kanyang nakabangga.
"Sorry Jen." tinayo ni Chester si Jenica at tinulungan ito sa pagpulot ng mga nalalaglag na gamit.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes