Part 21

108 2 0
                                    

Lumipas ang dalawang Linggo at medyo nasasanay na ako sa presence ni Chester ganun pa man binabalaan ko pa rin ang sarili ko dahil baka mahulog ako ng tuluyan hanggang sa ako na mismo ang hindi magpatigil sa aming usapan.

Tanga din ako kung iisipin dahil ako mismo ang pumayag kahit labag sa kalooban ko siguro dahil sa wala talagang choice or dahil na rin sa gusto ko rin ma-experience ang maging girlfriend ng isang Chester.

Isang gabi na hinatid ako pauwi ni Chester ay nagpaalam sya sa akin.

"Love, baka hindi kita mahatid at masundo bukas kasi birthday ni Sola."

Paalam nya sa akin habang pinagbubuksan nya ako ng pinto ng kanyang sasakyan.

Si Sola kapatid na bunso ni Chester. Sa pagkakatanda ko ay lima silang magkakapatid pero ang nakikita ko lang before ay si Ella at si Ryan.

Kapag kasi napunta kami sa bahay nila dati ay laging wala ang parents nya pero nameet naman sya ng mga ito before, di lang nya sure if tanda sya ng mga ito.

Hindi nya ako exactly binababa sa tapat ng gate namin dahil baka makita kami ni Mommy kaya isang block bago magbahay namin ay nababa at nilalakad ko na lang ito.

"Hhmmm okey lang naman sa akin pakisabi kay Sola na happy birthday."

Hindi ako sure if dapat ko bang sabihin yun or mabigay ng gift kasi nga parang hindi naman kami official.

Well totoo naman na okey lang sa akin pero parang mamimiss ko agad sya. Ang gulo ko diba?

Napatingin naman ako sa kanya and I'm about to say goodbye ng bigla nya akong yakapin.

Nastatwa ako that time. Part of me ay gusto na ring yumakap but there's another part na ang ayaw sumunod.

"Mamimiss kita. Ingat ka bukas ha? And please sana iupdate mo ako kung anong nangyayari sayo."

"Magkikita naman tayo sa school ano ka ba?"

"Kahit na basta mamimiss kita."

Dahil sa katangkaran nya ay nakapatong ang baba nya sa mga ulo ko.

Ayan na naman! I suddenly feel my heart beating so loud. Sa loob ng ilang mga araw na kasama ko sya, isa ito sa favorite gesture nya kahit now pa lang nya ginawa sa akin.

I'm so kilig talaga and when I'm about to hug him too ay bigla nya na akong nilayo mula sa kanya.

"Lakad ka na at baka makita pa tayo ng Mommy mo."

"Sige, una na ako. Ingat ka pag-uwi." humakbang na ako sa paglalakad. Hindi pa rin sya naalis at sumandal lang sa kanyang kotse. Ganun lagi sya, he waited for me to get in tapos itetext ko sya tapos makikita ko yung car nya na lalampas sa gate namin at bubusina na parang hindi nya ako kilala kunwari.

"Pero dapat ba akong magalit sa ginawa nya kanina? I mean ayoko nga ng way ng panliligaw nya pero nayakap na sya sa akin?"

Hindi pa naman kami nahuhuli ni Mommy pero minsan nakakakonsensya kasi nagsisinungaling ako sa kanila pero 2 weeks na lang naman at matatapos na ang lahat ng ito kaya sana talaga hindi kami mahuli kasi sa totoo lang ayoko na rin tapusin dahil hulog na hulog na ako.

He is still the same guy I knew before. Yung crush ko na ang gwapo, caring, matalino at sobrang bait. Feeling ko nga minsan ang ganda-ganda ko dahil king ituring nya ako ay parang prinsesa.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip at lahat ng mga consequences sa mga nangyayari. Sulitin ko na, masaya naman ako eh.

"Bakla!!!" sigaw ni Awra ng makita ako sa classmate. As usual muntik na syang ma-late pero buti mas late ang Prof namin sa kanya.

"Bakit?"

"Akala ko wala ka pa kaya napasigaw ako kasi nakita ko si Chester kanina sa labas ng gate may binabang magandang babae doon sa may cake shop."

"Baka si Sola, birthday nya kasi ngayon eh."

Patay malisya kong sagot. Ayokong mag-overthink pero iba na nararamdaman ko that time.

"Duhh! Parang kasing edad lang natin. Naka-akbay pa nga si Chester sa kanya and worst nagkiss pa sila."

"What?! Saan mo nakita? Saan nagkiss?"

Imbes na ako ang magtanong sumingit na rin si Louise na mukhang inis na rin dahil sa balitang hatid ni Awra.

"Doon nga sa may labas. Sa kabilang kanto bago mag-school. Paulit-ulit eh. Sa cheeks lang naman bakla. Malay mo kapatid or pinsan diba?"

"Baka naman fake news."

Napalingon kami sa nagsalita. Laking gulat ko nang biglang magsalita si Micole.

"Baka nga. Hoyy! Kalma lang ha?" Awra reminded me.

Hindi naalis sa isip ko ang mga sinabi ni Awra lalo na nang mareceive ko ang text message bi Chester na hindi daw ito sasabay sa akin ng lunch dahil halfday lang sila at need na nya agad umuwi dahil dadaanan nya pa ang cake na inorder nya.

"Wala bang umulong sayo?" I asked him thru text. Nagdududa na ako kahit wala akong karapatan pa.

"Meron naman kaya lang busy sila sa bahay eh. I have to go na. Ingat ka. Update me. Sabay ka sa mga girls ha?"

Hindi ko na nagawang magreply pa. Nainis na talaga ako sa kanya. Feeling ko totoo na may babae sya. Hindi kaya yung babae na nakita namin sa church ay same girl na kasama nya kanina?

Never ko namang naitanong sa kanya yun baka nga pinaglalaruan lang ako ng gagong yun ah?

Sa pag-iisip ko ay nagkasalubong kami ni Micole. Parang hindi na sya yung dati kong bestfriend. Parang hindi na namin kilala ang isa't isa. Para na kaming strangers ngayon.

"Pwede ka bang makausap?"

Nagulat ako ng magsalita si Micole.

"After class sana if pwede?"

"Oo naman. Saan ba tayo?" I asked her na medyo ikinakaba ko.

"Sa favorite place natin."

"Sige."

After ng sagot ko ay agad umiwas si Micole at nagtuloy na sa aming classroom for the last subject.

Favorite place namin? Isa yung coffee shop na hindi naman kabonggahan pero may books doon na pwede mong basahin while sipping their beverages and eating their menu.

Doon kami dati natambay kapag magchichikahan lalo na kapag bawal marinig ng mga parents namin.

Ano kayang sasabihin nya sa akin? Baka may problema si Micole kaya these past few days ay naiwas sya sa amin at minsan pa nga hindi napasok.

Nagfocus muna ako sa last subject. Mamaya ko na isipin lahat ng mga problema.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon