Hindi ko rin naiwasan na hindi makita ang mga kaibigan ko dahil ramdam ko na hinihintay talaga nila ako sa may gate pa lang. Ayoko naman sa ibang gate dumaan dahil mapapalayo ako sa building namin.
"Bakla!!!" sigaw tili ni Awra.
Di ko napigilan ang pag-iyak ko. Nagulat silang lahat sa inasal ko pagkita pa lang nila sa akin.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Louise.
"Wait! Nasaan ba si Chester?" tanong ni Micole.
Tama nga. Wala nga silang alam.
Umiling ako at mukhang gets na nila ang ibig kong sabihin.
Hindi na muna sila nagtanong buong maghapon. Ganyan mga kaibigan ko, papakalmahin ka muna nila bago ka nila tanungin.
Natapos ang buong maghapon na hindi ko nakikita ang anino ni Chester dahil balita ko ay panay daw ang rehearsal nila dahil almost 1 month na lang ang preparation nila ng play.
Early in the morning nang ma-receive ko ang text nya, he apologized for being so busy.
I ignored his text. I always make an excuse lalo na kapag alam kong makakasabay ko sya. Hindi na rin naman sya nagpupumilit pa dahil busy din sya.
I just focus on my studies and hindi ko na namalayan na February na pala at ito ang isa sa mga hinihintay ng lahat. Bukod sa buwan ito ng mga puso, ito din ang aming Foundation Day at ang buwan para manood ng play.
"Kuya Kyle!!!" patakbong sigaw ko ng makita ko ang pinsan ko sa may living room area namin.
"Hello my baby girl." he opened his arms widely habang hinihintay akong puntahan sya.
Pagkayakap ko sa kanya ay iniangat nya ako sa lupa at inikot-ikot para kaming mag-boyfriend girlfriend na ang tagal bago magkita.
Si Kyle Ezekiel Montecarlos or Kyle, isa sa mga pinsan ko sa mother-side. Ang mommy nya at mommy ko ay magkapatid, mas matanda si Mommy kay Tita at same age kami but different school.
"Sobrang busy mo ba para di mo ako dalawin?" malungkot kong sabi at naupo sa sofa.
Agad naman syang tumabi sa akin at umakbay pa sa akin. Sobrang close kami sa aming magpipinsan. Sobrang bait kasi nito yung tipong pwede mong utuin. Hahahaha joke lang pero sasabihin ko na swerte magiging girlfriend nito.
"Hindi naman kaya nga ito na oh? Dinadalaw na kita. Hahaha" inabot pa ang dala nyang pasalubong na hindi ko napansin sa mesa. JCO donuts? My favorite.
"Wow! Alam mo talaga nagpapasaya sa akin eh noh?" agad akong kumuha ng alcapone donut, actually yung isang box puro ayun lang ang laman and the other one ay assorted na.
"Syempre! Makakalimutan ko ba naman yun. Wait lang! May boyfriend ka na ba?"
"Hhhmmm, wala pa." sagot ko agad habang nakain which is totoo naman.
"Hindi mo pa ba boyfriend yung partner mo sa debut mo? Ang hina naman non." at kumuha na din sya ng donut.
"Ouch! What for?" daing nito sa akin kasi hinampas ko sya sa kamay.
"Bigay mo na yan sa akin tapos kukuha ka pa?"
"Ang damot mo kaya ka di magkaboyfriend eh."
Agad akong nabilaukan sa sinabi nya at agad naman nya akong kinuha ng water sa kitchen namin.
"Nakakainis ka talaga. Napakayabang! Akala mo may girlfriend." I crossed my arms.
"Malapit na."
"Anong malapit na? May nililigawan ka na? Ang daya bakit di ko kilala?" medyo napalakas na ang boses ko dahil sa sobrang excitement.
"Syempre schoolmate ko eh. Kaya kung ako sayo eh magboyfriend ka na para hindi yung ako ng ako kinakaladkad mo kapag may event ka."
"Wow! Once nga lang di mo pa ako napagbigyan eh."
I'm referring to my debut. Sya dapat yung partner ko na sobrang kabado kaya nag-back out.
"Ang dami kayang tao non pati ramdam ko na ayaw mo akong partner that time kasi panay ang tanaw mo sa labas na parang may hinihintay. So sya ba yung partner mo ng debut? Ayieee dalaga na sya may manliligaw na. Hahahaha" pang-iinis nya sa akin.
Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang main door namin. Agad kong nakita si Mommy na galing siguro sa garden. Saturday nga pala kaya siguro di pumasok si Mommy.
"Sinong dalaga na? Dinig na dinig ang kulitan nyo sa labas ah?"
"Wala po Tita. Nagulat lang po ako na ang laki na ni Jen. Dalagang-dalaga na." palusot ni Kuya na sana bumenta kay Mommy.
"Sinabi mo pa pero baby pa rin namin yan ng Tito mo kaya ayokong mag-boyfriend muna sya."
Patay na nandoon na naman kami sa topic na yun. Ayaw pa talaga ni Mommy.
"Pero Tita baka pwede na. I think matured naman na mag-isip si Jen." Ayan ang gusto ko sa pinsan ko daming pinaglalaban.
"Ayoko pa rin. Anyway, nakapagdecide ka na ba sa offer ko sa'yo?"
"Papayag po ba si Jen, Tita?"
Ha? Ano yun? Bakit parang di ko alam pinag-uusapan nila?
"Wala syang choice kasi walang magbabantay sa kanya or else di sya aattend ng Ball."
Nasagot din ang tanong. Aba! Talaga naman si Mommy oh? Ang protective ihh. Kainis!
"Mommy, pwede naman pong walang date sa Ball." singit ko lang.
"I know baby but di ka namin mababantayan ni Daddy so I need your Kuya to protect you. Don't take it against you. I just want to make sure na makakauwi kang safe at may bantay ka while enjoying the party."
Napatango na lang ako dahil may point naman si Mommy sa part na yun pero bakit feeling ko ang higpit pa rin nya. Feeling ko parang ginagawa nya ito ara walang makalapit na boys sa akin.
Mukhang nababasa ni Kuya Kyle ng naiisip ko at agad kumindat sa akin at sumagot kay Mommy ng "oo".
Pag-alis ni Mommy ay agad akong nilapitan ulit ni Kuya.
"Pwede naman kitang ihatid lang tapos aalis din ako tapos balikan kita ulit kapag uwian na." bukong nya sa akin kahit magkalapit lang kami dah baka biglang sumulpot na naman si Mommy at marinig kami.
"Talaga?" may eyes widen sa sobrang tuwa.
"Oh wag masyadong excited. You owe me one ha?" sabi nito at sumubo na ng donut.
"Yes Kuya kahit ubusin mo na yang isang box basta akin itong alcapone." akmang kukuha pa sya ng isang alcapone.
"Ang damot talaga nito. Isusumbong kita kay Tita." pagbabanta nito at agad ko syang sinubuan ng isa pang donut sa bibig.
Kinuha nya iyon at tumawa na lang ng tumawa dahil alam nyang naiinis ako.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes