"DreamLand"
Basa ko sa name sa taas ng coffee shop na tinatambayan namin. Lumapit ako kay ate Liz na syang barista for that day. Actually kilala na nila kami dito pero mas lagi kami ni Micole ang natambay dito.
Dito rin nabuo ang friendship namin at bilang magbestfriend. Daming iyak, tawa at kung anu-ano pang kalokohan ang napag-usapan namin sa lugar na ito.
Hindi kami sabay nagpunta ni Micole dahil pareho kaming may sundo.
Umakyat ako sa second floor kung saan nandoon ang favorite spot naming dalawa.
Nakita ko si Micole na ang layo ng tingin at mukhang problemado talaga.
"Best?" sabay tapik sa kanyang balikat at halata mo sa kanya ang pagkagulat.
Umupo ako sa kanyang tabi. Naka-indian sit kami dahil carpet lang ang nakalatag at may throw pillow lang kung saan ka pwede maupo at isang mababang table.
"Nakaorder ka na?" tanong ko sa kanya na hindi pa rin kumikibo.
Tanging tango lang ang sinagot nya sa akin sabay yuko at tingin sa kanyang mga daliring nilalaro nya.
"Kamusta ka na?" muli akong nagsalita baka sakaling sumagot na sya dahil kinakamusta ko na sya.
"Hindi ako okey."
Nagulat ako sa sinagot nya. Oo, alam ko namang these past few weeks ay hindi sya masyadong naimik sa amin at lagi lang syang tahimik at kung minsan pa hindi nasama sa aming barkadahan.
Iniisip ko pa nga na baka galit sya sa amin pero mukha namang hindi kaya hinayaan na lang namin sya at for sure naman ay mag-oopen up din ito kapag kaya na nya. Mukhang ito na nga ang araw na ito pero ibang yung nararamdaman ko.
"Bakit? May problema ka ba?"
Muli syang yumuko at laking gulat ko ng makita ko ang mga luha nya na tumutulo mula sa kanyang mga mata.
Natakot ako para kay Micole dahil never ko syang nakita sa ganung pangyayari. Nalulungkot ito pero ikakain lang din pagkatapos pero ngayon kitang-kita ko ang paghihirap nya.
"Best" tawag ko sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"I'm sorry best. Hindi ko na kaya talaga. I'm so sorry kasalanan ko ang lahat kung bakit ka nasasaktan at nahihirapan. Akala ko kasi tama ito. Akala ko kasi sasaya ka kapag ginawa ko ito. I'm sorry best." humahagulgol na si Micole at aaminin ko na gets ko na sinasabi nya pero mas nananaig ang pagkakaibigan namin kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit.
"Ssshhh! Wala kang kasalanan, okey? It's my choice pa rin best."
Naiiyak na rin ako kasi ayokong nahihirapan ang mga tao sa paligid ko.
Tumunghay si Micole at yumakap din ng buong higpit sa akin.
"Best" tangi lamang nasabit ni Micole at muli na naman itong humagulgol.
Hinagod ko ang kanyang mga likod para mabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman.
"Okey na, tatapusin ko na rin naman talaga kasi hindi ko na rin kaya."
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Ngumiti ako sa bestfriend ko ng may pait sa mga mata.
"Mukhang trip rin naman yata sa kanya ang lahat best." panimula ko.
"Sorry best, akala ko kasi magiging masaya kayo kapag naging kayo."
"Alam mo best minsan, hindi naman kailangan ng label para maging masaya. Pwede naman natin silang mahalin kahit sa malayo lang."
"Pero may problema ako best." pagtatapat ko sa bestfriend ko.
"Anong problema? Akala ko ako magdadrama. Hahahaha" biro ni Micole at pareho kaming nagtawanan.
"Hindi ko na makita ang bracelet at wala na rin akong mahanap na katulad non."
"Best, sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo. May aaminin ako sa'yo pero huwag sana natin itong ikasira tinago ko yung bracelet. Actually na kay Chester na yun."
Para akong sinampal ng malaman ko iyon. Ang buong akala ko kaya sya nagsosorry ay dahil isa sya sa nagpupush sa akin kay Chester.
"Paano mo nagawa yon?" hindi ako makapaniwala na ang bestfriend ko pa ang mananakit sa akin ng ganito.
"Best, I just want the best for you. For both of you." muli na namang naiyak si Micole.
"Ako ang bestfriend mo pero sya kinampihan mo? Alam mo naman siguro ang hirap ko para mahanap at maibalik lang ang bracelet na yun pero wala ikaw pa pala ang magtatraydor sa akin? Bakit best? Bakit?"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa sobrang sama ng loob sa aking bestfriend.
"Maiintindihan ko kung magalit ka 'coz I really deserve that. I'm sorry best. I'm really sorry." pilit inaabot ni Micole ang aking mga kamay pero pilit ko rin itong nilalayo.
How come? Sarili ko pang bestfriend?
Pinaling-paling ko ang aking ulo at umiwas ng tuluyan kay Micole. Ang sakit. Sobrang sakit. Mas masakit pa sa sakit na dulot ni Chester sa akin.
Tuluyan na akong tumayo at iniwan si Micole na umiiyak at humihingi pa rin ng awa.
Kita ko sa mga mata nya ang bigat na nararamdaman nya at ganun na rin ang sakit dahil sa nangyari.
Paano nagawa ni Chester ito sa akin? Akala ko ba mahal nya ako? So, trip lang siguro ang lahat dahil bukod sa akin may isa pang babae na napapabalita dito.
Binigyan nya rin kaya ito ng singsing? Pareho lang ba kami na pinaikot nya sa kanyang mag palad?
Ang kapal ng mukha nyang sirain kami ng kaibigan ko pagkatapos nya akong paikutin sa kanyang mga tricks.
Lumabas ako ng DreamLand. Ang favorite place namin ni Micole. Dito kami naging magbestfriend at dito rin pala kami magtatapos dalawa.
Umuwi ako sa bahay na hindi man lang napapansin ni Mommy. Dumiretso agad ako sa aking kwarto at doon binuhos lahat ng emosyon ko sa lahat ng mga nangyari.
Napalingon ako sa aking cellphone ng marinig na may tumatawag sa akin. Bumalik lahat ng sakit ng makita ko ang name ni Chester sa cellphone screen.
Sa sobrang sama ng loob ko kanina habang pauwi ay hindi ko napansin ang mga missed calls nya ganun din ang text messages nya.
Siguro wala pa syang alam sa nangyari dahil mukhang masaya pa sya sa mga messages nya sa akin.
Agad akong nagtext sa kanya na busy lang ako at bukas kami mag-usap. Humingi ako ng time para sa aming dalawa. Need ko na kumawala sa mga pangyayari. Masyadong marami ng nadadamay at ang mas kinakatakot ko ay kapag nalaman ito ng parents ko most especially si Mommy.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes