Buong maghapon na gustong buksan ni Jenica ang box na pinaglalagyan ng necklace. Gusto na nya hanapin ang note na yun at basahin kung anong nakalagay doon.
"Hooyyy! Lalim ng iniisip ni Bakla ah?" bati ni Awra kay Jenica nang bumalik ito sa kanilang table dala ang kanilang mga order.
Hindi natinag si Jenica kaya nagtaka ang kanyang mga kaibigan kung anong nangyayari sa dalaga dahil konting gulat mo lang dito ay mapapatili na ito.
"Problema mo teh?" tanong ni Awra nang hindi na ito makatiis.
"Nakausap ko na si Chester." nilingon ni Jenica ang kanyang mga kaibigan.
"Anong sabi?" full of curiousity and excitement ang makikita mo sa mga mata nila Louise, Micole at Awra.
"Para daw sa akin yung regalo." tipid na sagot ni Jenica at muli na naman tumingin sa malayo.
"Oh eh bakit parang malungkot ka pa dyan?"-Micole
"Progress na yun tey. Baka gusto ka rin nya."-Awra
"May iniisip lang ako. Tara na baka ma-late tayo sa next subject."
Nauna nang maglakad si Jenica na sinundan naman nila Micole at Awra. Naiwan naman si Louise na naiiling sa kaibigan.
Hindi nya maunawaan si Jenica to think na baka sign na ito na gusto din sya ni Chester at nahihiya lang ang binata.
Samantalang ang mga boys naman ay naglalaro sa gym. Sina Chester, Ram at Turs kasama ang ibang classmates nila.
"Tol, balita ko mamahalin niregalo mo kay Jenica." bulong ni Ram kay Chester.
"Hindi naman bro." maagap na sagot ni Chester. Ayaw nya kasing maging issue ang amount ng regalo nya kay Jenica dahil balewala naman yun sa kanya dahil special para sa kanya ang dalaga.
Natatandaan nya pa nung lumipat sya sa Subdivision nila Jenica. Unang araw pa lang nya ng masilayan ang kagandahan nito. Laking tuwa pa nga nya ng maging magkatapat ang mga bahay nila. Lagi nyang nakikita si Jenica at bonus pa na naging classmate nya ito.
Pero sadyang torpe yata sya. Mahiyain din kasi sya at ang tanging naging kaibigan nya lang ay si Ram. Nagpapansinan naman sila ni Jenica kapag nasa school at nagkikita sa subdivision pero ganun sila hanggang sa nagpunta sila ng US.
Sa US kasi nagwork ang Mommy at Daddy nya. Doon sila umasenso ng husto kaya naman napagdesisyunan nila na magtayo ng business sa Pilipinas since may plano pa rin naman silang umuwi ng Pilipinas. Kaya naman ang ate nya na ang magmamanage nito.
Naalala pa ni Chester na gustong gusto nilang bumalik ng Pilipinas magkakapatid dahil mas gusto nilang dito tumanda at magkapamilya.
Ang kanyang ate lang ang nakagraduate sa US ng college, sya naman ay hanggang Senior High doon ang sumunod naman sa kanya ay nasa Australi nag-aaral pero balak din magstay sa Pilipinas after. Ang sumunod dito na lalaki at ang bunso nilang si Sully ay papapasukin na lang sa isang international school sa Pilipinas.
Maagang nadismiss ang class nila. Nagmamadaling umuwi si Jenica para mabuksan muli ang box at mabasa ang note na nandoon daw.
"Uwi ka na agad? Gala muna tayo."-Micole.
"Pwde magpass muna ako? May aasikasuhin lang ako."-Jenica.
Hindi kasi ipinaalam ni Jenica ang tungkol sa notes hanggang hindi nya muna ito nababasa.
Pagdating nya agad ng bahay ay nagmamadali syang tumakbo ng kwarto at agad kinuha ang box.
Inangat nya ang foam kung saan nakalagay ang necklace at nakita nga nya ang kanyang hinahanap.
Agad nya itong binuksan at sari-saring emosyon ang kanyang naramdaman dahil sa nabasa.
"If you keep this ibig sabihin tayo na. If you don't want, ibalik mo lang."
Anong ibig sabihin ni Chester sa note na yun? Mahal din sya ng binata? Gusto din sya nito? Pero bakit ganun ang paraan nito nang pagpapasagot sa kanya? Parang ang easy to get naman.
Hindi ba sya marunong manligaw? Anong akala nya sa akin madadaan nya sa ganitong klase ng pakulo nya?
Nakakakilig, oo kasi gusto din sya ng binata pero nakakawalang gana dahil sa style nya ng pagpapasagot ng babae. Ganito ba natutunan nya sa US?
Binalik nya ang note sa box ganun din ang necklace. Buo na ang plano nya na ibalik ito sa binata.
After nya malaman ang lahat ay nagpahinga muna sya at nag-isip ng pwdeng sabihin sa binata na may sasabi nya kung paano sya ligawan at hindi sa paraan na gusto ni Chester.
Maya-maya pa bumaba na sya oara magdinner. Wala pa rin ang mommy nya at marahil ay natraffic ito. Memessage na lang nya ang kanyang Mommy na hindi na nya ito mahihintay dahil parang napagod sya sa kanyang nalaman.
Pagbalik nya sa kanyang kwarto ay napagdesisyunan nyang ikwento sa kanyang mga kaibigan bukas ang nalaman at ibabalik na kay Chester ang regalo.
Masaya naman sya na malaman na may gusto din ito sa kanya pero ayaw nya ng way nito sa panliligaw.
Kinontak nya ang kanyang mga kaibigan na may sasabihin syang importante kaya dapat maaga silang pumasok bukas para dito.
Hindi na nya minessage si Chester para makipagkita sana. Since classmate naman sila bukas sa isang subject ay ibabalik na lang nya dito ang regalo para hindi na rin sila makapag-usap, since nakalagay naman doon na if ayaw nya ibalik nya lang ang regalo.
Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Micole. Si Micole ang pinakabestfriend nya sa magbabarkada.
"Best? Anong nangyari?" bungad agad ni Micole.
"Best. Bukas na lang pero hindi ko talaga nagustuhan yung nalaman ko eh. Bakit ganun?" medyo naiiyak na sabi nya sa kaibigan.
"Okey. Kung ano man yan wag ka basta-basta magdesisyunan. Pag-usapan muna natin. Sya tulog ka na at ng makapagpahinga ka na."-Micole.
"Thank you best. Nalungkot lang ako pero okey sana eh. Ahhh, basta bukas na lang."-Jenica.
"Okey. Oh wag ng mag-isip ha? Yang pagiging overthinker mo." sita ni Micole sa kaibigan.
Si Jenica kasi ay may pagka-overthinker sa mga bagay kaya naman sinabihan sya ng kanyang mga kaibigan na kapag may problema ay wag basta magdesisyon at kung nalalabuan ay pwdeng mag-open up sa kanila.
"Opo, thank you best. I love you. Goodnight and see you tomorrow." paalam ni Jenica kay Micole.
"I love you too. Wag ng mag-isip pa. Goodnight." Micole ended the call.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes