Part 5

121 7 1
                                    

Isang malaking handaan ang nagaganap sa bakuran ng bahay nila Jenica. Today is her 18th birthday and today is the birthday celebration.

Mas pinili ni Jenica na sa kanilang bahay na lang ganapin ang debut since malaki naman ang kanilang bahay ganun din ang malawak nilang garden sa likod bahay na may malaking swimming pool.

Alas siyete ng gabi ang simula ng party. Halos nagdadatingan na ang lahat ng mga invited sa debut.

Nasa kanyang room si Jenica at inaayusan na. Nakahanda na ang lahat para sa kanyang party. Nandoon na rin ang mga kaibigan ni Jenica na sila Louise, Micole, Awra at si Ram.

"Wala pa ba sya?" tanong ni Micole kay Awra.

"Wala pa yata baka natraffic lang." bulong nito kay Micole.

"Binigay mo ba address?" singit ni Louise sa usapan ng dalawa.

"Nasa invitation naman girl. So don't worry." sabi ni Awra.

Wala namang alam si Jenica sa nangyayari. Nakikinig lang sya sa make up artist na nag-aayos sa kanya.

"Labas lang ako girls." paalam ni Awra sa mga tao sa loob ng kwarto ni Jenica at nagmamadaling lumabas.

Hindi pwedeng hindi umattend si Chester, masisira ang plano nila pero nagcommit naman ang binata kaya kampante naman sya.

Paglabas ni Awra sa may gate ay lumabas din ang Daddy ni Jenica.

"Hija, saan ka pupunta?" puna ng Daddy ni Jenica kay Awra.

Gulat naman na napalingon si Awra sa Daddy ni Jenica.

"Hello po Tito, nakakagulat naman po kayo. May hinihintay lang po ako Tito." sagot ni Awra.

"Boyfriend mo?" nakakalokong sabi ng Daddy ni Jenica.

"Hahahaha si Tito talaga. Nakakatuwa ka po talaga pero syempre hindi ko po uunahan si Jenica." biro ni Awra.

"Naku! Matagal pa si Jenica, kung sa akin lang payag ako. Si Tita mo lang ang ayaw at gusto pang magtapos ng pag-aaral ang kaibigan mo."

Sasagot na sana si Awra ng biglang may tumigil na pulang kotse sa harapan ng gate at may bumaba na isang lalaking ang gwapo ng dating dahil sa naka-americana ito.

"Hi Awra, sorry hinintay ko pa kasi itong car. Start na ba?"

Hindi agad nakasagot si Awra dahil sa sobrang titig nya kay Chester. Sobrang gwapo ng binata na kahit sinong kababaihan ay mabibighani nito.

"Awra?" pinitik ni Chester ang ang kanyang mga daliri sa harapan ng mga mata ni Awra.

"Mukhang nahulog na sa'yo. Hahaha" biro ng Daddy ni Jenica.

"Hello po, good evening Sir. Kayo po ba ang Daddy ni Jenica?" inilahad ni Chester ang kanyang palad sa Daddy ni Jenica.

"Yes hijo. Ikaw ba ang hinihintay nito si Awra?" tinapik-tapik nya pa ang balikat no Awra para bumalik sa huwisyo.

"Ay opo Tito, kaibigan po namin nila Jenica." sa wakas natauhan na si Awra.

"Chester Montefalco Sir. Glad to meet you po." magaling na sabi ni Chester.

"Me too. Just call me Tito Franc since sabi ni Awra ay kaibigan ka naman ng aking anak."

"Thank you po, Tito." alanganin pang sagot ni Chester.

"By the way, nabanggit mo na hinintay mo pa ang car nyo? Are you driving?"-Tito Franc.

"Yes po, actually hiniram po kasi yan ng kapatid ko since coding po ang car nya."-Chester.

"Wow! Good for you na marunong ka ng magdrive. Sabi ko nga kay Jenica mag-aral na rin. I guess you can teach her some other time."-Tito Franc.

"It'll be my pleasure po." ngumiti si Chester kay Daddy Franc.

"Tito, let's go inside na baka nag-start na ang program." aya ni Awra at sabay winked kay Chester.

Ramdam ni Awra na pasado si Chester sa Daddy Franc nya at mukhang malaki ang chance para magkatuluyan ang dalawa. Siguradong matutuwa si Jenica sa balitang iyon.

Samantalang kanina pa kabado si Chester bago pa lang magpunta sa birthday party ni Jenica.

Bukod sa akala nya ay ma-lalate sya ng dating dahil sa kapatid nya na hiniram pa ang kanyang kotse ay yung makausap nya ng harapan ang Daddy ni Jenica.

Tito Franc is a cool father. Mahigpit man ito pero in a good way naman syempre to protect her daughter. Pero kanina nung kausap na ni Chester ito ay nakagaanan na nya agad ito ng loob at mukhang ipinagkakatiwala na sa kanya nito ang kanyang anak.

"I think it's a good sign. Mapapalapit na ulit ako sa kanya unlike dati nung bata pa kami halos lagi kaming magkalaro at mukhang hindi ako nakilala ni Tito Franc." sabi ni Chester sa sarili habang sumusunod sa dalawa papasok ng bahay.

Pagpasok nila ay magsisimula na ang party. Halos lahat ay nasa puwesto na nila. Ang partner ni Jenica ay ang kanyang pinsan dahil ito ang gusto ng kanyang Mommy Jessica.

"Tita, kinakabahan ako eh." maktol ng pinsan ni Jenica ng magsisimula na party.

Nasa may kwarto sila at pababa ng hagdanan papunta sa may swimming po area.

"Kaya mo yan." pagpapalakas ng loob ni Mommy Jessica sa pamangkin.

"Iba na lang kasi Tita." pagpipilit nito.

"Sino namang pwede eh nasa labas na ang mga tao?" tanong ni Mommy Jessica.

"Chester?" bulong ni Jenica sa kanyang sarili at napangiti ito ng makita ang binata.

"Jenica." banggit din ni Chester ng makita ang dalaga sa may 2nd floor ng bahay nila at mukhang pababa na.

Umakyat si Awra upang batiin ang kaibigan dahil sobrang ganda nito. Si Daddy Franc naman ay pumuwesto sa likod ni Jenica para sa magiging program mamaya.

"Awra! Ikaw na kaya maging partner ni Jenica." sabi ni Mommy Jessica.

"Po? Oh bakit ayaw ni pogi maging partner pinsan nya?" takang tanong nito dahil all set na ang lahat.

"Ewan dyan. Inatake na naman ng hiya."-Mommy Jessica.

"Si Chester na lang Tita." sagot ni Awra sabay turo sa binata sa baba ng hagdanan na animo'y naghihintay sa pagbaba ng kanyang prinsesa.

"Sino naman yun?" tanong agad ni Mommy Jessica.

"Classmate namin Mommy." maagap na sagot ni Jenica.

"Oh sya sige na at ng makapagsimula na tayo baka naiinip na ang mga bisita natin."-Mommy Jessica.

Bumaba si Awra at kinausap sandali si Chester. Agad namang tumango ang binata at tuluyang umakyat sa hagdanan upang sunduin ang dalaga.

Napangiti naman si Awra ng makita na bagay na bagay sila ng dalaga. Ganon din ang mga tao sa paligid nila bukod kay Mommy Jessica na hindi maipinta ang mukha.

Bumaba na silang lahat at nagpalakpakan ang lahat dahil sa debutant na tila ba isang prinsesa sa sobrang ganda na katabi ang kanyang Prince Charming.

Ang daming kinikilig at nagpipicture sa dalawa dahil bagay na bagay ang mga ito. Si Awra naman ay nginitian si Jenica na tila ba tinutukso ang kanyang kaibigan. Naiiling na lang ang dalaga pero napapangiti din sya dahil sino bang hindi kikiligin at hindi magiging masaya kung ang kaisa-isa mong crush ay magiging partner mo sa pinakamasayang araw dahil birthday mo.

"Thank you Lord for this birthday gift." bulong ni Jenica na nakayuko habang nagdadasal silang lahat para magsimula na ang birthday party.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon