Naging mabagal ang mga oras ng araw na iyon. Naging classmate sina Chester at Jenica ngunit hindi sila nagpapansinan.
Mukhang nakakahalata na rin ang binata na nabasa na nito ang sulat sa loob ng box kaya naman lumapit sya dito.
"Jen, nabasa mo na ba?" bulong ni Chester kay Jenica habang naggroupings sila para sa isang report.
"Oo, nabasa ko na." hindi makatingin si Jenica sa mga mata ni Chester.
Ganun din si Chester na parang biglang nahiya kay Jenica kaya naman tumahimik na lang at akmang tatalikod na nang tawagin ulit sya ni Jenica.
"Pwde bang mag-usap ulit tayo mamaya sa dating tagpuan?" tanong ng dalaga na nagpalingon sa binata.
"Sige, sa dating tagpuan after class." tugon ni Chester bago tuluyang umalis.
Natapos ang subject kung saan sila magclassmate ni Chester pero di pa rin sya makapagfocus sa ibang subject.
Minsan ay tulala sya kagaya ngayon na nasa canteen silang magkakaibigan pero parang nasa ibang mundo ang kanyang pag-iisip.
"Hooyyy! Ano ka ba? Para kang ewan dyan." sita ni Awra ng makitang nakatulala na naman sya.
"Huwag mong sabihing nagdadalawang isip ka na?" nakapameywang na sita ni Louise.
Katatapos lang ng isang subject nila at need na muna nila maglunch at makapahinga para sa susunod na subject.
"Eh kasi. Haaayy! Parang gusto ko na ayaw ko pero alam kong mali eh." naiinis na sabi ni Jenica.
"Tama yan bakla. Yang ganda mong yan ay hindi pang-easy to get lang." sambit ni Awra habang nagmamarcha paalis sa pwesto nila.
"Saan pupunta yun?" tanong ni Louise na sumunod naman din kay Awra.
"Baka bibili ng food." agad namang kinuha ni Jenica ang kanyang wallet sa bag.
"Best, anong sa'yo? Sabay ko na." volunteer ni Jenica kay Micole upang may maiwan sa kanilang pwesto at magbantay ng kanilang mga bag.
"Kung ano na lang sa'yo best." tipid sagot ni Micole.
Agad namang sumunod si Jenica kina Awra at Louise. Ngunit sa pagpila nila ay nakasabay nila sina Ram at Chester.
"Nandito pala ang mga magaganda kong mga kaibigan." puri ni Ram sa tatlong dalaga.
"Tse!" inis na sabi ni Awra sabay irap sa dalawa particularly kay Chester.
"Hooyyy bakla! Problema mo?" balik inis na sagot ni Ram.
"Tanong mo sa kaibigan mo." sagot ni Awra at nagmamadaling nag-order para makaalis na.
"Huwag nyong intindihin yun at meron lang yun ngayon. Hahaha" biro ni Louise.
Kunwari natawa si Jenica para gumaan ang atmosphere sa kanilang apat.
Agad namang sumunod sa pila si Louise at nag-order. Binayaran naman iyon ni Ram. Nagtaka man ay hindi na pinansin pa ni Jenica ang pangyayari. Next time na lang nya i-confront ang kaibigan.
Samantalang ng turn na nya sa pag-order at pagbabayad ay agad lumapit si Chester upang bayaran lahat ng kanyang binili kasama na dito ang food ni Micole.
"Ako na magbabayad." sabay abot ni Chester sa cashier ng 500 peso bill.
"Ako na. I can pay." medyo mataray na sabi ni Jenica at tinabig ng bahagya ang inaabot na 500 pesos ni Chester sa cashier.
"Ate, bayad ko po." nag-abot agad ng bayad si Jenica upang makaalis na agad at makalayo kay Chester.
Pag-abot ng sukli ay nagmamadali na ang dalaga sa pag-alis, hindi na nya nagawang magpaalam kay Ram.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes