Part 39

118 3 0
                                    

"Jen" tawag ni Chester sa pangalan ko. Bakit ang sakit? Tinawag nya pa lang ang pangalan ko.

Lumabas sya sa halamanan at napansin ko na may dala syang isang bote ng beer. Kailan pa sya natutong uminom?

"Sorry ha? Uminom ako. Isa lang naman ito. Promise di na ako uulit." paghingi nya ng tawad sa akin ng mapansin nya na napatingin ako sa alak na dala nya.

"Hhmmm okay lang." ayun lang nasabi ko. Sa dami ng pwede kong sabihin sa kanya ay di ko magawa.

"Oo nga pala. Hindi nga pala tayo. Akala ko kasi may tayo eh. Huwag ka mag-alala di ako galit sa'yo. Kita ko naman kung gaano kayo ka sweet sa isa't isa ng kasama mo. Masaya ako kasi natagpuan mo na yung matapang na lalaki na handang ipagsigawan sa mundo na mahal ka. Sorry ganito lang kasi ako eh pero huwag mo sanang sabihin na hindi kita mahal kasi alam ko na ramdam mo yon at sana naipakita ko sa'yo kahit sa sandaling panahon lang. Don't worry hindi na kita guguluhin pa kahit kailan. Mag-iingat ka lang palagi at sana hindi sya maging duwag sa mga magulang mo na ipakita na kung gaano ka nya kamahal."

Habang binabanggit ni Chester ang lahat ng iyon. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Sobrang sakit na kahit kailan hindi ko inisip na duwag sya. Ako lang ang natakot na hindi sya ipakilala dahil may pangako nga ako kina Mommy at Daddy. Kung sana tama na ang panahon para sa aming dalawa. Sana pwede pa, kapag pwede na.

Lumingon ako kay Chester habang hilam ng mga luha pero wala na si Chester. Pinakawalan ko ng ganun na lang ang lalaking minamahal ko ng lubusan. Sobrang sakit.

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa loob ng venue. Pigil na pigil ang luha ko ng salubungin ako ni Kuya Kyle.

"Saan ka galing? Mapapatay ako nila Tita eh. Anong nangyari sa'yo?" sinusuri ako ni Kuya Kyle habang ako ay nakatingin sa kawalan.

"Wala na sya Kuya. Hinayaan ko syang umalis ng ganun na lang." tuluyan ng kumawala ang mga luha ko.

Agad akong inakbayan ni Kuya Kyle upang itago ang mga luha ko. Kuya Kyle is really a knight in shining armor.

Hindi muna ako dinala ni Kuya sa sasakyan dahil baka makita ni Manong Bert at maikwento kina Mommy at Daddy ang pag-iyak ko.

Umupo kami sa lugar kung saan kami nagtapos ni Chester. Mas bumuhos ang luha ko dahil sa malaya ko itong inilabas. Lahat ng bigat at sakit ay iniyak ko. Si Kuya Kyle nakatingin lang sa akin habang haplos ang aking likod.

Sumandal na ako ng tuluyan sa pinsan ko dahil sa habag ko sa aking sarili. Sana ganun kadali sya pakawalan. Kasalanan ko rin kasi. Naalala ko tuloy ang sabi ni Micole na huwag akong gagawa ng bagay na ikakasira namin coz Chester is working on it? Dapat ba nagpunta na lang akong mag-isa sa Ball na ito para sana naayos namin ni Chester kung ano man ang problema namin.

Sobrang lito-lito na ako sa mga nangyayari. Mahal nya ako? Pero bakit ganun sila ni Claudia? Namamangka ba sya sa dalawang ilog?

Nang medyo nawala ang paghikbi ko ay binigyan ako ng tubig ni Kuya Kyle at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Sshhh! Everything will be alright. Alam mo ba na kaming mga lalaki kapag nakita namin na may nagpapasaya sa aming mga minamahal ay nagpaparaya kami. Hindi dahil duwag kami or hindi namin mahal yung babae para ipaglaban kundi nirerespeto namin ang kapwa namin lalaki at lalo na yung babaeng nagdedecide kung sino ang kanyang pipiliin."

Kumawala ako sa yakap ni Kuya. He makes sense pero bakit di nya agad sinabi sa akin yun?

"Baliw ka talaga! Bakit ngayon mo lang sinabi yang mga yan sa akin?" nahampas ko sya sa sobrang inis ko sa kanya.

"Araaayy! Ano ba? Amazona talaga toh! Para kang si Dane. Nagtanong ka ba ha? Eh tuwang-tuwa ka pa nga nung naisip mo ang idea na pagselosin sya. Ayan tuloy napapala mo. Masyadong pakipot eh gusto naman pala. Huwag mo pati pagselosin. Kaming mga lalaki, iba-iba kami. May nasuko agad at meron namang na-challenge kapag nagseselos. Eh si Chester, alam mo namang mahiyain yun paghahanapan mo pa. Dapat kilala mo na sya since magkasama na kayo nung bata pa kayo. Haaaayyy Jen! Paganahin ang utak. Tsk!"

May point lahat ng sinabi ni Kuya Kyle. Tama sya. Dapat bawiin ko si Chester. Kung ayaw kong makita na masaya syang kasama ng iba. Pero paano? Anong gagawin ko?

Nagchat na lang ako sa mga kaibigan ko na umuna akong umuwi dahil sa curfew pero alam ko na ramdam na nila ang nangyari lalo na't nakita nila si Chester na nainom daw kanina kahit never pa nitong ginawa.

Dami nilang tanong sa gc. Masyadong masakit na ang ulo ko kakaiyak kaya i-turned off my phone. Si Kuya Kyle na lang nag-inform kina Mommy na pauwi na kami.

Panay ang sulyap ni Kuya sa akin tapos biglang tatawa. Nakakainis diba? Laking tulong eh.

"Nakakatawa yun?" inis na talaga ako. Ihuhulog ko ito sa labas eh.

"Oo. Hahahahaha"

"Buwiset ka! Huwag kong makita si Dane sasabihin ko may nililigawan kang iba." banta ko.

"Walang ganyanan. Di nga kami okay ngayon eh." biglang nagseryoso ang pinsan kong magaling.

"Tsk! Pagdating talaga sa kanya, iba ang tama mo." sabi ko na lang.

"Parang si Chester kanina. Kung nakakapatay lang ang tingin kanina pa ako bumulagta doon. Sama makatingin ng boyfriend mo eh."

"Ha? Nagkita kayo?"

"Malamang! Nung lumabas ka yata non. Sabi ko nga hanapin ka eh."

"Baliw ka!"

"Oh diba hinanap ka naman? Tanga ka na lang talaga kasi hindi mo pa kinausap."

"Abay! Nobela ba naman binitawang mga salita. Ang sakit din kaya sa akin non."

"Ayan! Kaya maraming naghihiwalay dahil sa pride na yan. Try mong ikaw naman sumuyo."

"Bakit ako? Eh babae ako ah?"

"Ayan! Ganyan kayong mga babae gusto nyo lagi kayong sinusuyo. Gusto din namin sinusuyo oyy!" may pinaghuhugatan na sabi ni Kuya Kyle.

"Bakit ka galit? Sana sabihin mo yan kay Dane. Palibhasa baby-baby mo eh."

"Aaayyy! Iba naman si Dane. Ayoko lang talagang mawala sya pero tinuturuan ko naman minsan na huwag masyadong maging dependent sa akin. Mahal ko lang kasi talaga kaya di ko matiis."

"Okay. Wala na akong masabi pero ano nga gagawin ko Kuya? Please help me."

Nag-usap kaming magpinsan ng mga dapat kong gawin. Grabe sa advises talaga ito. Obvious na nakakarelate sa akin eh. Bahala na bukas pero sana umayon ang tadhana sa akin para sa gagawin ko bukas na para din naman sa aming dalawa.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon