Kinabukasan ay maagang nagising ang magkakaibigan at pinatawag na sila para sa breakfast sa dinning area ng Mommy at Daddy ni Jenica.
"Kamusta ang tulog nyo?" tanong ng Daddy ni Jen.
"Sobrang okey Tito. Ampunin nyo na po kaya ako." biro ni Awra.
Nagtawanan ang Mommy at Daddy ni Jenica ganun din ang magkakaibigan.
After ng kwentuhan over breakfast ay pinababa lahat ni Jenica ang mga regalo sa kanya at dinala sa kanilang living room. Dito binuksan ng magkakaibigan ang mga regalo ni Jenica.
"Wait! Unahin natin ng regalo ni Papa Chester." Awra suggested.
"Later na yun. Mawawala excitement natin kapag naunang buksan yun." sagot ni Louise na binubuksan ang regalo ni Ram para kay Jenica.
"Oo nga naman. Dapat unahin yung regalo ng crush diba?" referring sa regalo ni Ram for Jenica.
"Hehehe sorry. Nacurious lang ako what regalo nya." nagpeace sign naman si Louise sa kanyang mga kaibigan.
Nagpatuloy sila sa pagbubukas ng mga regalo. Nagmukhang department store ang living room nila Jenica dahil sa dami ng damit at mga sapatos na binigay sa kanya kaya naman kumuha ng mga hanger ang kanilang kasambahay upang maisaayos ang mga damit.
"Mga bakla! Tanda nyo nung birthday ni Louise nung bata pa tayo? Hahahaha" tawa ng tawa si Awra ng maalala ang birthday ng kaibigan.
"Impakta ka Awra." when Louise realized what Awra referring to.
"Hahahahaha oo, tanda ko yun. Tayo rin nagbukas ng mga regalo diba? Hahahaha" hinampas ni Micole si Awra dahil sa naalala nya.
"Wait! Ito ba yung puro panty ang regalo kay Louise? Tapos si Ram lang ang lalaki? Hahahahaha natatawa ako sa reaction ni Ram that time. Priceless." hindi na napigilan ni Jenica ang pagtawa nya.
Nagbirthday kasi si Louise that time tapos excited silang lahat to check yung mga gifts kasi nga mga bata pa sila noon. Nagwish pa sila bago buksan ang mga gift. Lahat ng gifts ni Louise ay puro nakapaper bag so they expect na puro damit ang mga ito. May ilan naman na mga damit at shoes pero kadalasan ay puro panties ang niregalo sa kanya at halos bigay ito ng mga pinsan at kaibigan nya na ang gusto ay maasar sya.
Sobrang hiya ni Louise that time kasi nandoon si Ram na nakikigulo sa kanila. Bawat open nila ng gifts ay napapailing at napapalunok ito dahil tinataas pa ni Awra ang mga panty.
"Tama na nga yan. Si Jenica ang may birthday oh?" medyo asar na sabi ni Louise at bigla itong nagseryoso.
"Tama na yan at baka magkapikunan pa tayo. Natawa lang kasi kami ng maalala namin. Sorry na besh." Jenica hugged Louise to comfort. She's always like that tagapamagitan sa mga kaibigan at sobrang sweet na dalaga.
"Besh, nakakapagod magbukas ng gifts mo. Ang dami." reklamo ni Micole.
"Oo nga. Yung kay Papa Chester na kasi. Daliii!" tili ni Awra.
"Sshshhh! Baka marinig ka ni Tita." saway ni Micole.
"Aayyy! Oo nga pala. Sorry." sabay takip ni Awra ng bibig.
"Wait lang. Kunin ko lang sa taas." tumayo si Jenica at nagmamadaling umakyat patungo sa kanyang kwarto.
Pagbalik ni Jenica ay ng sama ng tingin ni Awra sa kanya.
"Taraayy naman ng nagbigay at talagang nakatago pa." irap ni Awra.
"Samantalang yung sa atin di tinago." irap din ni Louise.
"Hooyy! Mga bruha. Anong hindi? Mamaya ko pa bubuksan yung sa inyo. Itong si Louise lang kasi inagaw sa akin gift ni Ram kaya nakasama dito sa binuksan natin."-Jenica
"Paano ayaw pang umamin na gusto nya si Ram."-Micole
"Sandaleeee! Heto na nga eh. Oh? Nangwawarshock ka talaga eh noh? Hahahaha" tawang-tawa si Louise habang ginagaya yung napanood nya sa youtube.
"Hahahaha bagay na bagay."-Awra.
"Ganda ka?"-Louise.
"Oo." taas kilay na sagot ni Awra.
"Hahahaha boom!" sigaw ni Micole at nagtawanan silang apat.
Hindi na nila pinapunta si Ram dahil bukod sa girls bonding ito ay baka may mga gift sa kanya na sobrang personal na hindi pwde ishare sa lalaki kaya mga girls na lang ang pinag-sleep over ni Jenica.
"Anyway! Ito naaaa!" pigil kilig ni Jenica habang nilalabas ang regalo sa kanya ni Chester.
"Taraaayy ng balot ah? Pangmayaman."-Awra
"Mayaman naman talaga yun. Ikaw lang ang mahirap. Hahaha" ganti ni Louise kay Awra.
"Aayyy foul! Porket di crush nang crush nya. Tsk!" ganti ni Awra.
"Tigilan nyo na yan. Sige, di ko bubuksan ito." banta ni Jenica dahil baka magkapikunan ang dalawa although di naman nangyayari yun sa kanilang barkadahan.
"Sige na. Dali na kasi." irap ni Awra.
"Ito na."
Jenica slowly remove the red ribbon na nakabalot sa white long box. Kahit sya ay kinakabahan kung anong laman ng box.
Unti-unti nalalaglag sa sahig ang ribbon at dahan-dahan inangat ni Jenica ang cover nito.
Namangha ang mga kaibigan ni Jenica including her ng makita ang regalo ni Chester sa kanya.
"Oh myyy!" shocked na reaction ni Louise.
"Beshhh! Ang gandaaa." namangha din si Micole sa nakita.
"Ang taraayyy teh? Yayamanin! Jowa ka?" reaction naman ni Awra dahil sa regalo ni Chester.
Isang Tiffany & Co. na white gold necklace ang tumambad sa kanilang lahat. May pendant ito na heart na may mga diamonds sa gilid.
Halos mapaluwa ang mga mata nila sa kanilang nakita.
"Pacheck mo nga sa pawnshop kung legit yan." suggestion ni Awra ng tumahimik sila.
"Gaga! Natural legit yan. Mayaman sila Chester noh?" sagot naman ni Louise na di kumukurap at nakatingin pa rin sa necklace.
"Bakit ka naman bibigyan ni Chester ng ganyang kamahal na regalo?" nagtataka si Micole dahil sa pagkakaalam nya ay sobrang expensive na regalo yun kung hindi special ang pagbibigyan ni Chester.
"Hindi ko din alam. Baka nagkamali sya ng dampot? Sabi nya di ba na dinala ng sister nya ang car nya bago sya nagpunta dito?" nagulat din si Jenica ng makita ang regalo ni Chester sa kanya.
"Anong balak mong gawin dyan?"-Louise
"Wait! Pwde naman siguro natin isukat bago mo isauli yan if ever diba?" akmang kukunin ni Awra ang necklace ng ibalik ito sa box ni Jenica.
"Hindi pwde until malaman natin kung para kanino ito."-Jenica
"Kainis toh! Kj ka. Try lang naman eh tapos picture lang ganern." nagpose pa si Awra kaya nagtawanan silang magkakaibigan.
"Alam mo tama si Besh kasi baka sa kapatid nya yan tapos napost natin ang pic sa social media eh di lalong nakakahiya kay Chester at sa ate nya."-Micole
"May point ka dun sis, kaya itago mo muna yan then sabihan mo kami kung kailan mo kakausapin si Chester para kasama kami."-Louise
"Aaayy! Eh di napahiya si Papa Chester kung sakali? Hayaan mong si Bakla ang magbalik mag-isa. Kaya nya yan." Awra winked at Jenica.
Maggagabi na nang magpadesisyunan nila Awra, Micole at Louise na umuwi ng kani-kanilang bahay. Napasarap kasi ang tambay nila kina Jenica bukod sa pagbubukas ng mga regalo, ay kumain lang sila ng kumain at nagmovie marathon buong maghapon.
Pagod na pagod si Jenica na umakyat sa kwarto after nya ipahatid sa kanilang driver ang kanyang mga kaibigan.
Pagkapasok nya sa kwarto ay agad nya kinuha ang regalo ni Chester at inikot sa mga palad nya ang necklace.
"Sobrang ganda at masyadong mahal nito para sa ordinary birthday gift para sa akin."
Agad binalik ni Jenica ang kwintas sa box at nilagay nya ulit ang ribbon na nakabalot dito. Sa Lunes ay ibabalik nya ang kwintas sa binata baka hinahanap na ito ng totoong may-ari.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes