Ilang minuto pa ay sakay na kami ng sasakyan nya. May kalayuan din ng konti ang bahay nila sa amin kaya nga nagulat ako ng malakad mo iyon. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.
Habang nagdadrive sya ay hindi na nya binitawan ang kamay ko. Nasa lap lang nya ito habang magkahawak kamay kami. Paminsan-minsan ay nangiti sya tapos hahalikan nya kamay ko ng paulit-ulit. Aaminin ko sobrang yung kilig ko sana matapos na ang lahat ng ito.
Pagtapat namin sa gate namin ay bigla akong kinabahan. Nakita ko kasing naka-park ang sasakyan ni Daddy at nandoon pa rin ang sasakyan ni Kuya Kyle. Mukhang dito na naman magdidinner ang isang ito parang walang bahay eh.
"Huwag ka na lang kayang tumuloy?"
"Ha? Paano ko malilinis ang name ko? Ayoko nga pati gusto kong malaman nila kung gaano kita kamahal. Kapag sinabi nila na hindi sila papayag, maghihintay pa rin ako 'coz you are worth the wait, my love." he planted a quick kiss on my lips at naiwan akong nakatulala.
Bumaba na kami ng sasakyan at agad hinanap ang parents ko. Nakita namin sila sa may veranda kung saan sila nagpapahinga habang nagmemeryenda.
Nagulat pa si Mommy ng makita kami. Agad ko binawi ang kamay ko kay Chester kasi nakahawak pa rin sya dito pero hindi nya ako binitiwan. Anong balak ng mokong na ito? You and me against the world?
"Good evening po, Tito, Tita and Kyle."
Napatingin ako kay Kuya Kyle na todo ang ngiti sa akin at nag-aja and fighting sign pa. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko yun.
"Good evening Hijo. Kamusta ka na? Halika, magmeryenda muna tayo."
Bakit parang ang chill ni Daddy?
"Thank you po."
Inalalayan pa ako ni Chester para makaupo sa tabi ni Mommy.
"What brings you here? Hihingiin mo na ba kamay ng aking unica hija?"
"Po?
"Dad?"
"Ano ka ba naman?! Ang bata pa ng anak natin."
Si Mommy lang ang may exaggerated na expression sa amin. Si Kuya Kyle nga natawa eh. Pagtingin ko kay Daddy ay nakatawa din sya.
"Just kidding. So kamusta? Nabalitaan ko yung muntik ka ng malunod. Anong sabi ni Pare sa'yo?"
"Hmmm okay na naman oo ako Tito. Medyo nasermunan lang po. Hehehe"
Parang close naman nilang dalawa. O.P. kaming lahat.
"Hijo, ang alak dapat ginagamit mo pangpalakas ng loob para masabi mo ang nararamdaman mo sa isang tao. Don't do that again, okay? Alam mo bang hindi makakain itong anak namin after umuwi galing Zambales tapos nalaman ko pala na dahil pala sa iyo. Huwag mong pinag-aalala ang unica hija ko ha?"
"Opo Tito. Tito, Tita, gusto ko po sanang magsorry sa inyo. I know how precious your daughter is and yet napaiyak ko sya. I know I don't deserve her pero sana po bigyan nyo po ako ng chance to prove how much I love her. How much I am willing to sacrifice everything just to make her happy and just to be with her. Alam ko po na napag-usapan na po natin before na gusto nyo pong makagraduate muna sila. I am very much willing to wait po at sasamahan ko po sya sa journey na yun. Hindi po ako magiging sagabal sa lahat ng plans nyo for her. I just want to see her fulfilling your dreams for her, huwag nyo lang po sanang ilayo sya sa akin. Sorry po, if hindi maganda ang naging simula ng courtship ko sa kanya. Kahit po si Daddy galit na galit sa akin that time at napakatorpe ko po kasi until nagkacourage po ako to speak to you."
"Tito and Tita, hayaan nyo po akong ipakita kung gaano ko po kamahal si Jen. Kahit maghintay, gagawin ko po."
Nakita ko ang pamumula ng mga mata nila Daddy at Mommy. Maya-maya pa nakita ko na yumuko si Chester at humihikbi na sa harap ng parents.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes