"Mga kapatid, minsan hindi natin maintindihan ang pag-ibig. Kusa na lamang ito nadating sa ating buhay na parang isang magnanakaw."
Panimula ni Father sa kanyang huli na siyang kinatigil ko sa pag-iisip ng kung anu-ano.
"Ang ilang mga tao ay tila ba sabik na magkaroon na ng karelasyon. Ang iba naman ay ayaw pa at kung minsan sila pa itong nakakahanap. Ang punto ng ating homily ngayon ay huwag nating hanapin ang pag-ibig sa ibang tao."
"Kung nais nating tayo ay mahalin at maging karapat-dapat sa taong gusto natin ay mahalin muna natin ang ating Panginoon at mahalin din natin ang ating mga sarili nang sa ganon ay kapag dumating na sya para sa atin ay handa na tayong magmahal ng buong-buo."
"Oo, nasasaktan tayo ng mga taong mahal natin pero naitanong din ba natin sa ating mga sarili kung karapat-dapat ba talaga tayong mahalin?"
"Kaya huwag tayong magmadali na hanapin ang pagmamahal ng ibang tao dahil kung minsan dito tayo mas nasasaktan dahil hindi pa sila ang totoong kaloob sa atin ng Panginoon."
"Hayaan natin ang Panginoon ang maglapit sa kanya sa atin at makikita mo na ang lahat ay tila ba nasa tamang mga oras."
"Sabi nga ng ibang "Let's wait for the God's perfect time at hinding-hindi tayo magkakamali. Huwag tayong mainggit sa iba. Hayaan natin ang Panginoon ang kumilos para mahanap natin ang "The One".
Nagsitayo ang lahat bilang pagtatapos ng homily ni Father. Ito ako nakatulala at nakatingin kay Jesus na nakapako sa cross.
Natamaan yata ako sa homily ni Father. Hindi kaya sa kakamadali ko kaya ako nasasaktan ngayon?
Napatingin ako sa puwesto ni Chester na nakatingin din pala sa akin ng mga oras na yun.
Ngumiti sya sa akin pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata at agad binalik ang kanyang paningin sa altar.
If only. Ayun lang ang tangi kong nabanggit at tahimik na muli akong nagdasal.
Nagulat ako ng halikan ako nila Mommy at Daddy sa magkabilang pisngi.
"Peace be with you anak." sabay sabi ng mga Parents ko sa akin na nakangiti.
"Peace be with you too Mommy and Daddy." I hugged them both. Sobrang pakiramdam ko buo ako ng moment na yun.
Tama si Father. Hindi ko dapat madaliin ang lahat. Napalingon ako sa aking mga kaibigan at binati ko sila. Ganun din ang ginawa ko.
Pagkatapos noon ay muli kong nilingon si Chester na ngayon ay nakangiti at niyayakap ang babaeng kanyang katabi at hinalikan sa pisngi.
Muli ko na naman naramdaman ang sakit sa aking puso. May sakit na yata talaga ako pero bakit parang kapag nakikita ko lang syang may kasamang iba ganito nararamdaman ko. Hindi kaya nagseselos lang ako?
Agad natapos ang mass at nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan. Samantalang sina Daddy at Mommy ay nauna na sa parking lot.
"Anak, hintayin ka na lang namin sa sasakyan." tinapik pa ni Daddy ang aking balikat at agad ngumiti sa aking mga kaibigan.
"Bakit ka malungkot?" bungad ni Louis na kasama ngayon ni Ram.
"Namimiss ko na si Micole. Hindi rin sya nagpakita dito sa church. Kamusta kaya sya?" nagtataka na rin ako kung bakit di na ito nagpapakita sa kanila.
"Kinamusta ko sya kahapon. Hindi daw okey, mukhang may sakit eh." singit naman ni Awra na kakarating lang.
"Dalawin natin?" Ram suggested out of nowhere.
"Sige." ang tangi ko na lang nasagot dahil kita ko ngayon ang paglapit nila Chester sa kinalalagyan namin.
"Bro." bati ni Chester kay Ram nang hindi man lamang ako tinitingnan.
"Kuya, let's go." lapit ni Sola at hinila pa ang t-shirt ni Chester.
"Sige, una na kami guys. See you na lang sa school." ngumiti si Chester at agad binuhat si Sola papalapit sa babaeng hinalikan nito kanina.
Ang bilis naman parang noong isang araw lang nagpadala pa sya ng food sa bahay. Sino kaya ang babaeng iyon? Hindi man lang ako pinansin ni Chester nang dahil sa kanya.
Muli ko na namang naramdaman ang kung ano sa aking dibdib. Kailangan ko na bang magpacheck? Magkakasakit na yata ako sa nangyayari.
After naming mag-usap-usap magkakaibigan ay agad kung pinuntahan sila Mommy at Daddy sa sasakyan.
Pagkasakay ko ay agad nagstart si Daddy ng car at umalis na kami ng church patungo sa mall kung saan ko naitanong dati ang tungkol sa bracelet.
"Bakit hindi mo inaya mga friends mo na magbonding ngayong Sunday sa bahay?"
Tiningnan ako ni Daddy sa salamin.
"Family bonding natin ang Sunday Daddy. Same po sa kanila at pati nagkita na kami the other day baka maging kamukha ko na si Awra. Hahaha" biro ko kay Daddy.
Agad namang natawa ang parents ko. Alam naman kasi nila na biruan namin ang ganon. All of my friends ay sobrang close ko na parang tunay ko nng kapatid. We bond at kadalasan ay food trip at sleep over kami sa mga bahay-bahay namin.
Hindi ko napansin na nasa harap na kami ng mall. Agad akong kinabahan. May kung ano sa aking puso na ayaw pumasok sa loob ng mall na iyon.
Pagkapark ni Daddy ay lumabas ito at pinagbuksan kami ni Mommy ng pintuan ng kotse. Ganyan si Daddy, very consistent kay Mommy. Sana all.
Pagpasok namin sa mall ay agad akong tinanong ni Daddy.
"Gusto mong puntahan muna natin ang jewelry store na sinasabi mo bago tayo kumain?"
"Okey lang po ba? Mabilis lang naman po ako eh." nagdadalawang isip ako kasi baka abutin kami ng lunchtime kakahanap.
"Take your time anak. Kakaopen pa lang naman ng mall." ngumiti si Mommy sa akin.
Agad akong napangiti at nagpunta sa jewelry store na nakasunod sa akin ang parents ko.
"Chest" agad akong napakunot noo ng maabutan ko na naman si Chester na kasama ang babaeng iyon.
Bakit sila na lang dalawa? Nasaan na ang ibang kasama nila? Baka naman umuwi na at sila na lang ang nagdate ngayon.
Napalingon si Chester sa tumawag at agad ngumiti dahil sa pinakita nitong white gold na bracelet.
"Ayan na ba talaga gusto mo? Baka mamaya pag-uwi sisihin mo ko ha?"
"Hindi. Promise!" yumakap pa ang babae sa braso ni Chester na kinataas ng kilay ko.
"Mga taksil!" sigaw ng isip ko.
Tama nga si Father na hindi dapat magmadali sa bawat desisyon sa buhay.
Bigla akong naging decided na mahanap at bilhin agad ang bracelet.
Agad umalis ang dalawa na hindi man lang kami napapansin dahil nagpunta ako sa kabilang side ng store.
Paglingon ko ay nakatingin si Mommy sa akin. Nakita nya kaya ang nangyari?
Agad akong lumapit sa sales lady para tanungin yung bracelet na iyon para maisauli ko na kay Chester.
"Good morning Ma'am, how can I help you?" ang ganda ng ngiti ni ate sa akin.
"Good morning din ms. Miss, ask ko lang if you still have this kind of bracelet" agad ko pinakita ang picture sa cellphone ko.
Agad nag-isip ang sales lady at nagpaalam sandali to check the stock.
Yes! Ibig sabihin meron sila. Ibig sabihin mababalik ko na ang bracelet. Thank you Lord.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes