"Ang layo ng tingin ah?"
Di ko namalayan na nasa tabi ko pala si Kuya Kyle. As usual dito lang naman sya natambay kapag di sila okay ng bestfriend nya kaya ako napapagselosan eh.
Hindi ako umimik bagkus ngumiti lang ako sa pinsan ko.
"Grabe ka kasing magpaselos. Nakamamatay eh."
"Ha? Anong nakakaselos doon? Eh sila nga ito ni Claudia ang halos maglampungan sa harapan ko."
Nakakagigil ha? Bakit parang kasalanan ko pa? Eh ako nga ang sinaktan nung lalaking yun. Bulong ko sa isip ko.
"Tsk! Ayan! Kayong mga babae pa-victim eh. Kami din nasasaktan oyy! Di lang kayo noh! Feeling close kayo tapos kapag hulog na, iiwan nyo."
"Oyy Kuya! Lalim ng hugot? Ako ba ang may pinagdadaanan or ikaw?"
"Kahit na sino pa may kasalanan sa inyo dapat pinag-uusapan nyo yan. Ang labo nyo dalawa. Alam mo ikaw, huwag mong isipin kung sino ang mas nasaktan kasi pareho lang di kayong nasaktan. Ang mga lalaki di yan showy lalo na yung emotion side namin. Matataas ang pride namin dapat mukha kaming strong kahit deep inside ang sakit-sakit na."
Napatingin ako kay Kuya Kyle na sobrang layo ng tingin mukhang may pinagdadaanan nga sya.
"Kung mahal mo, puntahan mo. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Huwag mong hayaang mawala pa sya sa'yo baka magsisisi ka sa huli na hinayaan mo lang sya."
May point si Kuya Kyle at para na naman akong sinampal sa mga wordings nya. Buti na lang may pinagdadaanan sya kaya medyo nakarelate ako sa mga sinasabi nya.
"Oh saan ka pupunta?" Sigaw nya sa akin ng patakbo na ako ng gate namin.
"Mabilis lang ako Kuya. Pupuntahan ko lang sya baka tuluyan na syang mawala sa akin kapag hinayaan ko sya. Thank you Kuya. Tulungan kita kay Dane after nito. Thank you so much. Love you!" nag-flying kiss pa ako at nagtatakbo na ako palabas ng gate namin para puntahan si Chester sa kanila.
Lakad-takbo ginawa ko para akong mauubusan ng hininga. Pagdating ko sa tapat ng gate nila biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Nakita ko si Sola sa may bandang gate nila na nagdidilig ng mga halaman.
"Hi Sola! Nandyan si Kuya mo?"
"Hi ate!!!" tili ni Sola sabay kaway pa sa akin.
Parang sobrang tuwa nya ng makita nya ako sa harapan nya.
"Pasok ka ate. Nasa likod sila Kuya."
Binuksan ni Sola ang gate ng bahay nila.
"Sola, sino yan?"
Pagkarinig ko pa lang ng boses nya lumakas na ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko ng magback out pero paano na ako kapag nawala sya? Hindi ko pala talaga kaya.
"Kuya, Ate Jen is here." Tuluyan na nya nabuksan ang gate nila. Nakayuko ako sa harapan ni Sola pero ramdam ko ang mga mata ni Chester na nakatingin sa akin.
Kung hindi lang kami magkaaway. Naiimagine ko ang sarili ko na naka-wedding gown tapos binuksan ang pintuan ng simbahan para makapasok ako while Chester is waiting at the altar. Sounds romantic kaya nga, lulunukin ko na ang pride ko at baka mawala pa sya sa akin ng tuluyan.
Walang nagalaw sa aming dalawa hanggang sa lumabas na rin si ate Ella.
"Hi Jen, pasok ka." todo ang ngiti ni Ate Ella sa akin. Hindi nya nilingon si Chester derecho lang sya sa akin at hinila ako papasok sa loob ng bahay nila.
Ang ganda ng bahay nila. Feeling ko mas maganda ang bahay nila kesa sa amin kahit sa labas pa lang halata mong may kaya talaga ang nakatira.
"Manang, pasuyo naman po ng meryenda padala po sa may likod."
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes