Part 31

91 2 0
                                    

Naging normal ang mga sumunod na araw. Hatid at sundo pa rin ako ni Chester habang hindi pa nagsisimula ang kanilang practice.

"Jen, baka di kita mahatid mamaya. May meeting kasi kami para sa play mamaya." isang araw biglang sinabi sa akin ni Chester ng sunduin nya ako.

"Okay lang. Goodluck nga pala sa play." i smiled sincerely.

Chester grabbed my left hand and hold it while holding the gear.

I suddenly looked at him. Bakit ang perfect nya? His moreno look, yung voice nya na parang lagi akong dinuduyan pero bakit parang sa akin ko lang naririnig na ganun sya at sa iba ay hindi. Baka naiisip ko lang yun. Yung mga sweet gestures nya like this. I've fallen for him even more.

"Tetext ko mamaya si Awra na isabay ka pag-uwi para di ka nag-iisa." tinapunan nya ako saglit ng sulyap at bumalik ulit ang tingin sa kalsada but this time his right thumb ay pasimpleng hinahaplos ang kamay ko.

"Matagal ba yung meeting?" I asked.

"Di ko kasi sure eh. Can you wait for me?" biglang pagpalit nya ng decision.

Nag-isip ako sandali. Oo nga naman pwede ko syang hintayin sa library or cafeteria while studying.

"Sige, I'll message you."

He smiled again. Nababaliw na yata ako, ngiti pa lang talaga makalaglag panty na.

Gaya ng dati bumaba muna ako sa di kalayuan sa gate. Sobrang takot kasi akong may makapagsumbong kay Mommy na may naghahatid at sundo sa akin.

Nasanay na kami sa ganun set up ni Chester. Ayaw man nya dahil mukhang napaka-ungentleman tingnan pero dahil sa explanations ko napilit ko rin kesa naman di na kami magkita ng tuluyan.

Naglakad ako papasok ng gate ng parang di ko kasabay kanina si Chester. Naunang pumasok sa gate ng school ang sasakyan nya at nakita kong nag-park sya sa may tapat ng cafeteria.

Nagtataka man ay di ko na lang pinansin. Pumasok sya doon habang may katext. Sinong katext nya? Tiningnan ko ang cellphone ko, wala naman akong narereceive na message. I shooked my head. Ayokong ma-praning at ayokong mag-isip na mag-selos lalo na't once lang nya nabanggit ang ligaw at hindi malinaw ang lahat. Ang hirap ng walang label.

Nagpunta ako sa Accountancy Building kung saan nandoon ang classroom namin.

Nakita ko sina Awra at Louise na magkasama.

"Bakla!" tili ni Awra.

"Anong meron?" nagtataka ako kung bakit ganun ang pagkakasigaw ni Awra.

"Pinagkakaguluhan na si Chester." cross-armed na banggit nya.

"OA sa pinagkakaguluhan ha? Tey, pinagtitinginan na sya sa cafeteria kanina tapos may ilan na nagpapapicture sa kanya." mahabang kwento ni Louise.

"Bakuran mo kaya? Masyadong maeexpose kagwapuhan ng jowa mo, ikaw din." suggestion ni Awra.

"Bakit? pati ayokong masakal sya sa pagiging selosa ko." but deep inside I'm starting to feel unsecured lalo na't wala pa kaming label dalawa.

Habang nag-uusap kaming magkakaibigan ay dumating si Micole may dalang supot ng pagkain?

"Ohh, pinabibigay ng Prince Charming mo." inabot sa akin ng bestfriend ko ang waffle at lemonade drink.

"Si Chester. Sino pa ba?" sagot ulit ni Micole nang mapansin siguro na nakatingin lang ako at mukhang clueless.

"Ayyy! Uwian na. May nanalo na talaga. Kaya pala Unbothered Queen ang lola mo." biro ni Awra na may pag-irap pa.

"Tama na at ayan na si Sir Miguel." sagot ko na lang para matigil na ang mga usapan.

Naging busy ang mga sumunod na araw. Madalang na rin akong sunduin at ihatid ni Chester dahil siguro sa Acads and sa play nila.

Ayos lang sa akin yun. Seeing him na lumalabas sa comfort zone nya ay nakaka-proud na what more pa kapag napanood ko pa sya.

Nauna akong maglakad papuntang cafeteria ng makasalubong si Claudia.

"Hi!"

Agad naman akong napalingon sa likod baka kasi hindi ako ang binabati ay mapahiya pa ako.

"Ikaw nga. Hi Jen. Kamusta?" masiglang bati nya sa akin.

Clueless man ay sumagot at ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Saan kayo mag-Christmas vacation?" she suddenly asked habang nakapila kami sa counter.

"Hindi ko pa sure sa parents ko." medyo napapakunot na ang noo ko kasi bakit bigla nya yun natanong eh hindi naman kami ganun ka-close.

"Hhmmm. I suggest sa Paris kayo."

Naguguluhan na ako kung para saan mga suggestion nya ngayon.

"I'll think about it. Sila Mommy and Daddy naman mag-dedecide eh." mukhang nice suggestion naman yun kasi nga we've never been in Paris.

"I'll go ahead na. See you around. Ooppss! By the way, nood ka ng play namin ha?" nag-wave pa sya bago binitbit yung order nya at lumakad na paalis.

Ang labo. Di ko sya gets. Deadmahin na lang.

Agad ko ikuwento sa mga kaibigan ko ang encounter namin ni Claudia.

"Wait! Anong meron bakla?"

"Di ko din alam." kibit balikat ko.

"Baka para ma-solo si Chester? Di ba tey, buong Christmas vacation sila mag-practice for the play?"

May point si Louise sa sinabi nya na yun. At napaisip na naman ako ng malalim this time.

Nagulat ako ng hawakan ni Micole ang isa kong kamay at pisilin ito.

"Trust Chester. He won't do anything to hurt you."

Napatingin ako kay Micole na parang she assured me na hindi gagawa ng kalokohan si Chester while she's with that girl.

Napalunok na lang ako at ngumiti ng pilit kay Micole.

Bago umuwi, Chester talked to me.

"Bakit?" nagtataka kasi ako, alam ko may practice pa sya ngayon at hindi nya ako mahahatid pauwi.

"I need to talk to you." seryoso nyang sabi.

"About what?" wala naman kaming dapat pag-usapan kasi okay naman kami kaya nagtataka ako.

"About the play. Sorry medyo magiging busy lang ako pero I'll try my best para mahatid or masundo ka sa inyo. I'll update you din sa mga nangyayari and above all please trust me. Wala kang ibang paniniwalaan kundi ako lang." mahabang litanya ni Chester habang titig na titig sa akin.

Tumango lang ako bilang pag-sang-ayon sa kanya kahit wala naman akong maintindihan kung bakit nya sinabi yun.

Chester pulled me closer hanggang sa nayakap na nya ako. Yumakap na din ako sa kanya and he kissed my forehead and caressed my hair.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon