Part 32

93 2 0
                                    

"Hija, anak. Ready na ba mga gamit mo?" katok ni Daddy sa pinto ng kwarto ko.

"Yes Daddy, sunod na po ako sa baba." kausap ko kasi ngayon si Chester sa phone at nagpapaalam.

Since gabi ang flight namin ay need namin makarating sa airport after lunch para di abutan ng traffic.

Ang mga kaibigan ko ay may kanya-kanya na ring lakad. Ang family nila Awra ay sa Boracay mag-spend ng Christmas while Louise and Ram ay magkasama sa family nila Louise sa Hong Kong.

Niloloko nga namin si Louise dahil baka mag-propose na si Ram kasi sa may Castle sa Hong Kong Disneyland. Umiling lang si Louise kasi kahit ganun naman yun eh study first pa rin ang loka.

Sa New Year naman ay sa family ni Ram at sa Pico de Loro sa Batangas sila mag-stay. Sana all! Pinapayagang magkasama ang mga jowa.

Ang bestfriend ko naman na si Micole ay magbabakasyon sa Singapore. Nandoon kasi yung isa nyang kapatid kaya doon sila mag-stay.

Si Chester na dapat ay nasa US by this time ay maiiwan sa Pilipinas at susubukang sumunod sa family nya dahil nga sa play.

Habang nasa daan ay panay ang chat ni Chester at bilin na wag daw akong titingin sa mga lalaki doon.

Biniro ko pa sya na mag-blindfold na lang ako para matakpan ang paningin ko. Samantalang ako hindi ko sya masabihan ng ganun dahil nga nahihiya ako sa kanya.

Kahit nagsabi na manliligaw sya, ayoko pa ring masakal sya sa paghihigpit ko kahit na selosa ako. Duhh! Sinong hindi magiging selosa kung ang magiging boyfriend mo ay almost perfect.

Nakatulugan ko na ang biyahe dahil medyo traffic na rin dahil sa kabilaang mall sale samahan pa ng mga may balak siguro magbakasyon this Christmas.

Napag-usapan na rin naming lahat magkakaibigan na after na lang ng Christmas vacation mag-Christmas party dahil napaaga ang flights ng bawat isa sa amin.

Pagdating namin sa Naia Terminal 3 ay tumambay muna kami sa Lounge habang hinihintay ang flight namin.

Sina Mommy at Daddy naman ay medyo busy pa to check on our business na maiiwan dito.

Ako? Ito kachat pa rin si Chester hanggang sa itext ako ni Louise na nasa airport din pala. Ang alam ko una ang flight namin baka inagahan na lang nila.

Sandali akong nagpaalam sa parents to look for Louise. Nakita ko sya sa may Starbucks at napalingon sa akin.

"Aga nyo ah?" bati ko sa kanya.

"Inagahan lang namin ni Ram para di ma-traffic. Nauna na nga kami kina Mommy." paliwanag ni Louise na busy pa rin sa pagtetext.

"Taraaayy! Meet the Parents. Sana all." ngiti ko sa kanya.

"Luka! Kung sinasabi mo na kasi kay Tita, feeling ko hindi naman sya magagalit kasi mabait ka pa rin naman na anak. Hahaha" tawang-tawa nyang sabi.

"Baliw ka! Akala mo kapag nag-bf ako sasama na ako ganon?"

"Gaga, hindi! Baka kasi isipin bad influence si Chester pero mukhang inspiration mo pa nga. Imagine, perfect mo mga exam eh ang hihirap. Anong sekreto?" biro ulit ni Louise.

"Mag-aral." tipid kong sagot.

"Anong gusto mong food?" tanong bigla ni Louise.

"Java Chips Frappe tapos smores." tipid kong ngiti.

"Ayy! 500 lang dala ko dito. Mapapasubo pa ako ng gastos eh." maktol nya at tumayo na.

"Ito bayad oh?" abot ko. Mga kaibigan ko minsan pahirapan kung sino magbabayad eh.

"De joke lang. Hahaha babayaran naman nya ito mamaya." tuluyan ng umalis si Louise at nagpunta sa counter.

Napatingin naman ako sa may labas ng may bigla akong makita sa di kalayuan na nakatayong lalaki at nakatago ang mga kamay sa kanyang bulsa.

Parang Prinsipe na napadpad sa Pilipinas. Agad akong napatayo at tumakbo sa kanya habang nakita syang ay nakatayo lang at kumakaway na sa akin.

Ito yata ang pinakamahaba kong takbo. Napapatingin din ang ilan siguro ay akala na hinahabol ko ang flight ko. Hindi ah! Aga kaya namin. Hinahabol ko lang yung taong mahal ko na matagal din bago ko ulit makita.

Agad ko syang niyakap at ganun din sya sa akin. Who cares na ako kahit makita pa ako nila Mommy at Daddy. Aaminin ko sobrang mamimiss ko sya tapos medyo natatakot din ako since dito sa sya sa Pilipinas tapos nasa Paris ako. Hirap ng time interval plus busy din sya gawa ng play.

OMG! I'm gonna miss my man. Sigaw ng utak ko habang yakap sya. Gumanti din sya ng mas mahigpit na yakap at nakita ko na lang sarili ko na nakalutang dahil buhat na nya ako.

Agad nya din ako binaba at inayos ang buhok ko na nagulo at hinalikan nya ako sa noo.

Hindi na kasi kami nakapagpaalam lahat sa isa't isa dahil sa sobrang busy. Kaya siguro nandito sya para magpaalam.

Tanaw namin ngayon ang sunset habang iniinom ang aming drinks na inorder ni Louise. Pakana nya pala talaga ang lahat tapos sakto pa flight din nila Louise mamaya.

"Huwag mo akong mamimiss ha?" biglang nya sabi.

Natawa naman ako pero syempre kinikilig din.

"Baka ako mamiss mo." balik ko sa kanya.

"Oo naman kaya nga nandito ako eh."

Nasamid ako sa pagbitaw nya ng mga salita. Tumatagos sa puso ko.

"Yung bilin ko. Huwag titingin sa mga lalaki sa Paris, dami pa man ding mga gwapo doon." seryoso nyang sabi kaya napalingon ako sa kanya pero nakatingin na sya sa araw na papalubog.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Ikaw din." bigla kong nasabi na syang nakapagpalingon sa akin.

"Wala namang iba eh. Ikaw lang naman." hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan nya.

Ngumiti ako at sabay naming tiningnan ang papalubog na araw.

Nagulat pa ako ng tumunog ang cellphone ko, si Mommy.

"Mommy?"

"Yes po?"

"Okay po."

"Text nyo na lang po ako. Kasama ko po si Louise."

Totoo naman na kasama ko si Louise at nasa di kalayuan lang sila ni Ram na nag-uusap din.

Nakatingin lang si Chester at he caressed my cheek.

"Tara na! Hinahanap ka na ni Tita."

Tumayo na kaming dalawa ganung din sina Louise at Ram na nauna na maglakad.

Chester grabbed my right hand at may nilagay sa wrist ko. Isang pandora bracelet.

"Advance Merry Christmas my Love." and he kissed me on my forehead.

Lutang pa rin ako hanggang pagsakay ko ng eroplano. Hindi ko ramdam kung paano ako nakarating sa business class seat namin nila Mommy basta ang alam ko para akong nasa ulap.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon