"Happy Birthday Jen" bati ni Chester habang inaalalayan sya pag-upo nya sa stage.
"Thank you." sagot naman ni Jenica habang titig na titig ito sa kanya.
"You look so beautiful. I mean you are always be beautiful in my eyes." Chester showed his shyly boyish smile na pinapangarap ng mga babae sa kanilang University.
Chester is a heartthrob. Head-turner kahit pa mukhang suplado ito dahil sa pagiging tahimik ay hinahabol pa rin ito ng mga babae. Ngumingiti lang si Chester kapag napapag-usapan ang mga ganung bagay lalo na kapag sinabihan sya na "nasa'yo na ang lahat."
Hindi napigilan ni Jenica ang mamula dahil sa kilig na nararamdaman. Kung pwde nga lang wag ng ituloy ang debut at mag-usap na lang sila ay wala naman syang magawa.
Nagpasalamat si Jenica kay Chester at bumaba na rin agad ito dahil mag-start na ang program.
Gaya ng ibang program ay kumpleto din ang sa kanya, may 18 Roses, 18 wines, 18 treasure, 18 candles, 18 cupcakes at ang kanyang cotillion dance performace mamaya.
Jenica is look so stunning in her pink ballooned gown. It's an off-shoulder gown na medyo pa-v shape sa kanyang bandang dibdib na gawa ni isang sikat na designer na si Francis Libiran, ganun din ang iba pa nyang susuotin mamaya para sa other line-ups ng program.
Mas na-enhance naman ang kanyang kagandahan sa simpleng make-up ni Lala Flores at nagmukha lalo syang Korean actress. Sabi pa nga ng mga bumati sa kanya kanina habang naglalakad ay kamukha daw nya si Rosé ng Blackpink.
Pero higit sa ano mang papuri ay ang pagpansin ng kagandahan nya ni Chester kanina dahil dito ay napatingin sya sa lugar kung saan ito nakaupo at laking gulat nya ng nakatingin din pala ito sa kanya.
Iniba nya ang kanyang tingin habang magsisimula ng magsalita ang Emcee at kasama nito si Awra.
Nagpalabas mula ng short video ng kabataan ni Jenica simula ng ipinanganak sya hanggang sa nagdadalaga na sya.
"Truly this Young Lady is such an angel to her family." dahil sa nabanggit sa video na ilang beses nagkaroon ng miscarriage sa pagbubuntis ni Mommy Jessica bago naipanganak si Jenica kaya ganun na lang ang pagmamahal at pag-iingat nila sa dalaga.
Awra introduced the Parents of Jenica and nagperform din si Jenica. She played piano while singing.
"She's not only beautiful but a talented one. Swerte ng magiging boyfriend mo besh." biro ni Awra.
Nagreact ang mga guests na pwde na raw magboyfriend ang dalaga dahil eighteen years old na daw ito.
Pero again, nakakontra na naman si Mommy Jessica na sinabing bata pa ang kanilang anak at dapat munang magtapos ng pag-aaral.
Unang list sa program ay ang 18 candles para makantahan na rin ang dalaga ng birthday song.
All people whose on the lists are all Jenica's friends, classmates and relatives kaya naman puro close lang ang invited.
Habang isa-isang nagwiwish sila para sa dalaga ay pinalibutan nila si Jen. Halos puro pwde na daw magboyfriend ang laging wish ng mga ito para sa kanya since nandoon ang Mommy nya ay tumatawa na lang sya baka after ng birthday nya ay mapalayas syang bigla dahil ayaw nitong magboyfriend sya.
After ng mga wishes ay isa-isang hinipan ng dalaga ang mga kandila ganun din ang kanyang birthday cake but before that she close her eyes and make a wish habang kinakantahan sya ng "Happy Birthday" ng kanyang mga bisita.
Nagpalakpakan ang mga tao after nyang magwish. She opened her eyes and nakita na naman nya si Chester na nakatingin sa kanya bigla ulit kumabog ang kanyang puso. Ang lakas talaga ng dating ng binata sa kanya kahit mula noong Elementary pa sya ay ganoon pa rin ang effect nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes