Part 16

108 4 0
                                    

"Anak, nasa baba mga kaibigan mo." tawag ni Mommy Jessica kay Jen.

"Sunod na po ako Mommy." hindi malaman ni Jenica kung magrereply ba sya or hindi but she choose the last.

Nagmamadali na syang bumaba upang salubungin ang mga kaibigan nya. Nandoon na rin ang kanyang Mommy at Daddy na nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan.

"Hindi nyo dinaanan si Micole?" tanong ni Jenica pagkakita sa mga kaibigan nya na ngayon ay nakapalibot sa dining table nila.

Hindi na naman sya naooffend sa mga ito dahil sanay na sya dito at sobrang open ang mga ito sa pamilya nya para na nga silang magkakapatid.

"Oo nga nasaan si Mics?" dagdag na tanong ni Mommy Jessica sa magkakaibigan.

"Ayaw sumama, tinawagan ko kanina."-Louise

"Aaahh, baka busy. Napakadami naman nitong Japanese food na ito. Sinong may dala?" tanong ni Daddy Franc na medyo maayos na ang pakiramdam.

"Kaaayyy Awra Dad! Tama po kay Awra galing yan. Diba Awra?" nandilat ang singkit na mata ni Jenica para magets ito ni Awra.

"Opo, Tito. Minsan lang naman po eh kaya kain na po kayo. Kain na tayo guys. Masarap yan." salo ni Awra kay Jenica. Mukhan kutob nya na hindi si Micole ang nagpadeliver ng food.

"Ooohh, kain lang kayo ng kain. Manang, sabayan nyo na kami dito ng mga bata. Maraming inorder si Awra para sa atin."-Daddy Franc.

Nagkatinginan ang dalawa nila Awra at Jenica na tila ba nag-uusap.

Sa sobrang daming pagkain ay halos lumobo ang kanilang mga tiyan sa sobrang kabusugan.

Maya-maya pa ay umakyat na ang mga magulang ni Jenica para makapagpahinga dahil sa daming nakain.

Samantalang sina Louise at Ram naman ay lumabas sandali dahil may pinapasuyo ang Mama ni Louise.

"Hooyy! Sinabit mo na naman ako ha?" sita ni Awra kay Micole na ngayon ay nakatingin sa cellphone.

"Sino ba kasi yan?" usisa ni Awra dahil mukhang out of this world na naman si Jenica.

Ipinakita ni Jenica ang message ni Chester sa kanya at nagsenyas itong huwag maingay dahil nandoon si Ram.

"Oohh Mmmyy Ggg!"-Awra

"No choice ako eh. Akala ko peace offering ni Micole tapos pagkatapos ng chikahan natin biglang nagtext si Chester na sa kanya nga galing ang food. It's too late na para isauli pati blessing yun eh. Ang dapat isinasauli ay yung kwintas."-Jenica.

"Bukod dyan. Ano pang problema mo?" nagtataka pa rin kasi ito kung bakit nakasimangot si Jenica.

"Hindi ko kasi alam kung magrereply ba ako or hindi."-Jenica.

"Replyan mo girl. Nakakahiya naman kasi sa kanya kahit papaano naman magpasalamat ka pa rin."-Awra.

Jenica sighed out of frustration. Naguguluhan na sya sa nararamdaman nya. Mukhang natutunaw na ang Great Wall of Jenica.

Hindi pwede. Kailangan na nya talaga ang necklace dahil nasasakal na sya sa sitwasyon.

Dumating na ang dalawa at nagpaalam na sila sa mga magulang ni Jenica na ngayon ay nasa may veranda.

"Tito and Tita, uwi na po kami. Salamat po sa masarap na pagkain." paalam ni Louise sa mga magulang ni Jenica.

"Naku! Kay Awra kayo magpasalamat. Sobrang galante ng kaibigan nyo at nakuha pang manlibre."-Mommy Jessica.

"Hehehe small things Tita." bungisngis ni Awra.

"Oh sya at baka hinahanap na kayo sa mga bahay nyo. Regards na lang sa mga parents nyo."-Daddy Franc.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon