Maagang nagising ang lahat. Dinig ko sa loob ng room namin ang ingay ng mga nagkakasayahan sa labas.
Agad akong bumangon at nagmadaling mag-ayos para magbreakfast. Wala na sa kwarto ang dalawa kong kaibigan. Hindi man lang ako ginising para kumain.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na ang mga classmate ko na nakapila sa buffet area. Ang iba naman ay kumakain na.
Agad akong nakipila at naghanap ng puwesto baka sakaling may bakante pa. Buti na lang at nakita ako ng mga kaibigan ko.
Kumaway pa sila Micole, Awra, Louise pati na rin si Ram na mukhang alanganin din dahil sa nangyari kahapon na pagsabay ni Claudia sa kanila.
Agad akong nagpunta sa gawi nila. Kakasimula lang din pala nilang kumain. Tahimik kami sa simula at napukaw lang ang atensyon namin ng kabilang table ng makita ko si Chester na tinutukso kay Claudia.
"Halatang si Claudia lang ang kinikilig." komento ni Micole.
"Ewan ko ba kasi sa isa dyan ayaw ipaglaban ang dapat naman talaga sa kanya." sabay irap ni Awra sa kawalan.
Itinuon ko na lang ang pagkain ko at muli akong napalingon sa gawin nila ng nag-iritan ang mga babae.
Paano kasi inalalayan ni Chester si Claudia dahil muntik na itong matumba. Nainis ako sa tagpong iyon dahil halos dumikit na or sinadya ni Claudia idikit ang dibdib nya kay Chester. Naka-swimming attire na kasi si Claudia na halos lumuwa na ang dibdib sa sobrang push ng bra nito.
"Kahit anong push ang gawin, wala namang dede." pagpaparinig ni Louise.
Isa ito sa kaibigan ko na talaga namang palaban lalo na kapag alam nyang agrabyado ang isa sa amin.
"hahahaha you've got it right. Pati hello! Halatang napipilitan lang si boy." sabat na naman ni Awra.
"Tumigil nga kayo. Umagang-umaga ha?" saway ni Ram sa dalawa.
"Ewan ko sa'yo. Kampihan mo yang kaibigan mong sumobra ang gentleman di alam na nakakasakit na sya ng iba." nag-walk out si Louise at agad namang hinabol ni Ram.
Nakita ko na lang ang dalawa na papuntang dalampasigan at talaga namang ayaw syang pansinin ni Louise kahit anong hila ni Ram dito.
"Tara na nga umawra. Oh ikaw babae. Magsuot ka ng two piece para makita ng lalaking yan kung ano ang sinayang nya. Hilig mamangka sa dalawang ilog." pagtataray ni Awra.
Kahit di ako magkwento. Alam kong alam na nila ang buong nangyari. Hindi ko sila masisi kasi may proweba naman. Ang masama dito never ko napakinggan ang side ni Chester.
"Alam mo best. I think you should talk to Chester na. Mahirap ang ganyan kayo. Ang labo. Alam kong mahal nyo ang isa't isa pero dahil sa sinisira kayo ng iba handa kang i-give up sya just to give way. Hindi dapat ganun. Dapat ilaban mo kung ano yung sa'yo. Mahal mo diba? Ipaglaban mo." tumayo na si Micole at bumalik sa aming room.
Agad ko namang hinanap si Kuya Kyle dahil naiiyak na naman ako. Sya lang nakakaintindi sa akin. Sya lang.
Paglabas ni Micole ng kwarto tska ako pumasok. May point naman sya eh. May point lahat sila.
Ayoko muna ng may kausap. Gusto kong mapag-isa. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Nakapagpalit na ako ng swim wear ko. Alam kong takaw tingin ako kahit na naka-cover up ako dahil sa likas na porselan kong kulay.
Since alam kong beach ang pinuntahan namin ay kailangan ko pa rin protektahan ang sarili ko laban sa mga bastos.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at di inalintana ang init ng araw. Di pa naman ganun kataas ang araw kaya alam kong safe pa ito.
Napadaan ako sa isang kubo kung saan nakita ko si Chester at ilang mga lalaki na alam kong mahilig mag-cut ng class at kalimitan na sa mga event lang ng school nagpapakita.
Umiinom sila? Kailan pa natuto si Chester uminom ng hard drinks? Yumuko na lang ako ng magtama ang aming mga mata.
Naglakad ulit ako at nakita ko naman ang mga kaibigan ko at si Kuya Kyle.
"Saan ka galing? Baka mapatay ako ni Tita kapag may nangyari sa'yo." lumapit agad si Kuya Kyle upang alalayan akong umupo sa buhanginan.
"Naglakad-lakad lang Kuya." sagot ko kay Kuya Kyle.
Tumabi na rin ako sa kanya. Maya-maya pa ay nagkakasayahan na kaming lahat. Naisipan namin maligo na rin.
Ang sarap sa feeling ng walang iniisip. Basaan kami ng tubig habang naghahabulan. Na-out of balance ako sa tubig buti na lang at nasalo ako ni Kuya Kyle.
Kung iisipin para kaming mag-boyfriend at girlfriend. Actually isa yan sa katangian ni Kuya kaya siguro di mahulog ang bestfriend nya sa kanya kasi nga gentleman sya sa lahat.
Nakaakbay sa akin si Kuya Kyle nang biglang may sumigaw sa may bandang kanan namin.
"Help! Please help us! Nalulunod si Chester! Help!" sigaw ni Claudia sa lahat upang matulungan sya.
Agad nagtakbuhan lahat ng schoolmates ko pati na rin ang mga faculty members. Nanginginig akong pinagmamasdan si Chester habang buhat ng isa naming Professor na marunong sa mga first aides.
"Nakainom yan. Nakita ko yan kanina." sabi ng isa naming block mate.
"Bakit kasi nagwsimming eh alam namang nakainom?" singit pa ng isa.
"Mukhang may malaking problema yata. Nag-away yata sila ni Claudia."
Napalingon ako sa huling nagsabi noon.
Agad akong napalapit kay Chester upang tingnan kung ayos lang sya. Yakap sya ni Claudia na nakatingin sa akin na parang ako ang sinisisi sa pagkakalunod ni Chester.
Agad namang dumating ang ambulansya na magdadala kay Chester sa pinakamalapit na ospital.
Dahil sa nangyari, napag-usapan ng mga faculty members na huwag ng mag-extend at umuwi na kaming lahat. May maiiwan lang para mabantayan si Chester sa ospital kasama na dito si Claudia.
Wala na akong nagawa, kahit gusto kong magpaiwan pero naaalala ko ang mga tingin sa akin ni Claudia na parang kasalanan ko kung bakit nalunod si Chester.
Wala ako sa mood buong Linggo. Di ako lumabas ng bahay kahit nag-aaya sina Awra na lumabas since Summer vacation na namin.
Wala na rin akong balita pa kay Chester basta ang alam ko lang umuwi na rin sya kinabukasan ng pag-alis namin sa resort.
I guess mukhang okay na rin ito ang hindi kami magkita ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes