Part 13

96 5 2
                                    

Pagkauwi ni Jenica, muli nyang hinalughog ang kanyang bag. Isa-isa nya ulit binuklat ang mga notebook nya at muling itinaktak ang laman ng kanyang mga bag ngunit wala talaga ang necklace.

"Saan naman mapupunta yun? Tanda ko talaga binalik ko dito eh." naiiyak na sabi ni Jenica sa kanyang sarili.

"Ma'am, kakain na po." katok ni Ate Nene nya.

"Sunod na po ako ate." sagot ni Jenica at pinunasan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

Matapos nyang kumain ay muli syang bumalik sa kanyang kwarto at hinanap ang necklace.

Halos hindi na natulog si Jenica mahanap lang ang necklace. Maging ang kanyang kwarto ay halos baliktarin na nya mahanap lang ang necklace.

Kinabukasan..

"Bakla, anong nangyari sa'yo?" sinipat ni Awra ang mukha ni Jenica.

"Halaaa friend! Anyare?" nakitingin din si Louise sa mukha ni Jenica.

"Hinanap ko yung necklace pero di ko talaga makita." naiiyak na naman si Jenica.

"Sshhhh mahahanap mo din yun." pagpapatahan ni Awra kay Jenica.

"Di ba binalik mo sa bag mo kahapon? Anong nangyari?" nagtataka din si Louise kasi nakita pa nila yung necklace na binalik sa kahon pagkatapos ay nilagay ni Jenica sa bag nya.

"Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung saan napunta." mangiyak-ngiyak na tugon ni Jenica sa mga kaibigan.

"Baka naman nalaglag sa daan or sa CR nung nagretouch ka. Sa classroom? Sa canteen." hopeless na rin si Awra.

"Paano na yan? Eh di kayo na ni Chester hangga't hindi mo yun nahahanap?" tumulong na rin si Louise na hanapin sa bag ni Jenica ang box at baka nailipat lang nito sa secret pocket. Ngunit bigo rin ang kaibigan ni Jenica.

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam gagawin ko. Kagabi binaliktad ko na bag ko pati buong kwarto ko hinanap ko na. Tinanong ko na rin sina Manang at iba pang nasa bahay baka may makita silang box or necklace pero wala din daw." hopeless na sagot ni Jenica sa mga kaibigan.

Nag-aya na si Micole dahil time na para sa susunod nilang subject.

"Tara na. Mahahanap mo din yun." nauna na si Micole na tumayo at derecho papunta sa kanilang classroom.

Nakapagtataka lang dahil sa buong pag-uusap nilang magbabarkada ay minsan lang umimik si Micole at ayun ay upang pumasok na sila sa classroom pero binalewala lang ito ni Jenica dahil sobrang pagod na sya kakaisip kung nasaan na ba ang regalong necklace na bigay ni Chester.

Maaga nadismiss ang klase nila Jenica. Paalis na silang magkakaibigan ng biglang sumulpot sina Chester at Ram.

Sumabay na sina Awra at Micole kina Ram at Louise. Mukhang wala pang alam si Ram sa nangyayari sa kanilang lahat.

"Uuyyy pare! Una na kami nila Louise ha? Uwi mo sa bahay nila si Jenica ha?" biro pa ni Ram.

Ngumiti ng bahagya sina Awra at Micole. Ayaw man nilang iwan ang kaibigan kay Chester ay wala silang magawa dahil sa nangyayari. Hangga't wala pa ang necklace at hangga't hindi ito nasosoli ay mag-boyfriend at mag-girlfriend sina Chester at Jenica.

"Una na kami tey. Ingat ka ha?" paalam ni Louise na walang magawa kundi sumama kay Ram.

Ayaw nyang sabihin kay Ram dahil paniguradong mas malaking gulo ito kapag nagkataon.

Unang-una ayaw nilang masira ang friendship ng dalawang lalaki. Ikalawa baka magkagulo sila dahil paniguradong magagalit si Ram kay Chester at baka mabugbog pa nito ang binata. At ang huli ay baka makarating pa ito sa parents ni Jenica lalo na sa Mommy nito.

Nagbeso ang mga girls kay Jenica. Nagpaalam na sila ngunit tahimik pa rin si Micole na nakatingin lang sa mga nangyayari.

"Sige Pare! Una na kayo. Ako na maghatid kay Jen." banggit ni Chester at nagpaalam sa mga kaibigan.

Nagsitanguan naman ang mga kaibigan nila. Wala nang nagawa si Jenica kundi sumang-ayon din. Gusto man nya ang nangyayari na paghahatid sa kanya ni Chester pero sobrang mali ito. Nakuha sya ng binata ng hindi man lang ito naghihirap sa panliligaw.

Hindi umiimik si Jenica habang inaayos ang kanyang mga gamit. Tinulungan siya ni Chester pero tinabig nya ito. Natigilan naman si Chester sa ginawa ni Jenica.

"Hatid na kita." habang inaabot ang mga gamit ng dalaga.

"Kaya kong umuwi ng mag-isa. May mga paa ako." asik nya sa binata at tinabig nya ito habang nagmamadali sya paglabas ng classroom.

Naiwan naman si Chester na tahimik lang at pinagmasdan ang papaalis na dalaga.

Habang nasa kotse ang magkakaibigan nila Awra ay magkakatext sila at pinag-uusapan sila Chester at Jenica.

Convo...

"Bakla, dapat di natin iniwan si Jenica kay Chester baka kung anong gawin nya."-Awra.

"Hindi yun bakla. Believe me. Feeling ko nga magiging under pa si Chester kapag nagkatuluyan ang dalawang yun eh. Mukhang mahal na mahal eh tingnan mo nga ang regalo."-Louise.

"Kunsabagay. Pero nakakaawa si Jen kasi gusto nya naman din si guy pero kasi naman bakit ganun si Chester manligaw. Kainis! Bet ko pa man din sya kay Jen."-Awra.

"Ang hirap nga ng sitwasyon. Sana makita na yung necklace. Sino kaya kumuha non, ano?"-Louise.

"Hindi ko din alam bakla. Kawawa naman si Jen, naiipit sa sitwasyon. Sabihin na kaya natin kay Ram?"-Awra.

"Tanga ka! Huwag bakla baka maghalo ang balat sa tinalupan. Last option yan kaya sana mahanap ang necklace."-Louise.

"Oo nga pala bakla. May pagka-warfreak pa naman jowa mo."-Awra.

"Di ko pa yan jowa."-Louise.

"Pero nanliligaw? Aminin." panunukso ni Awra kay Louise sa text.

"Ewan ko sa'yo!" biglang bulalas ni Louise kay Awra sa likuran.

"Ohh? Anong nangyari sa'yo?" nagtataka si Ram na napalingon kay Louise na katabi nya at kay Awra na nasa likuran ng sasakyan.

"Wala. Hehehe drive ka lang." tanggi ni Louise at sinamaan ng tingin si Awra.

"Bwiset ka!"-text ni Louise kay Awra.

"Hahahaha bakit kasi nasigaw? Pati totoo naman."-Awra.

"Oo na. Huwag ka lang maingay. Ayoko kasing maunahan si Jenica magkalovelife ihh alam mo na friendship tayong lahat tapos barkada din natin si Rama baka maging awkward."-Louise.

"Anong awkward? Eh botong-boto nga yun sa inyong dalawa."-Awra.

"Next time ko na sasabihin kapag okey na ang lahat."-Louise.

"Kunsabagay. Bakla, ang tahimik ni Micole noh? Pansin mo?"-Awra.

"Baka iniisip kung nasaan ang necklace. Bestfriend kaya sila ni Jenica, kaya masakit din yun for her."-Louise.

"Wait lang bakla. Text ko si Jen kung kamusta na sya."-Awra.

"Bakla, where are you na? Malapit na kami."-Awra.

"Biyahe pa pero malapit na rin."-Jenica.

"Kamusta ang hatid?"-Awra.

"Ewan ko. Di ko naman kasabay eh. Iniwan ko sa classroom."-Jenica.

"Aaayyy winner ka doon tey. Di ka talaga nagpasindak."-Awra.

"Alam mo, nakakakilig sana. Matutuwa din sana ako kung bukod sa totoo mga ginagawa nya eh yung dumaan sya sa ligawan stage eh hindi bakla! Parang ang easy to get ko at parang gusto nya sure na agad."-Jenica.

"Tama ka naman doon. Oh, kalma ka na ha? Wag kang iiyak dyan baka anong isipin ng mga katabi mo. Text ka kapag need mo kami ha? Love you bakla. Hayaan mo kung hindi sya para sa'yo, may mas deserving pa. Tandaan mo yan."-Awra.

"Thank you bakla. Love you too. Ingat kayo."-Jenica.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon