Part 26

95 3 1
                                    

Nagpahinga muna kami pagkatapos kumain lakad muna ng konti at bili ng kung anu-ano.

Pinasok namin ang mga stores at sobrang natuwa ako sa mga naka-display na stuffed toys.

Lumabas ako sandali dahil tumatawag si Mommy. Pagkatapos ng mabilisang bilin at pangangamusta sa akin ay bumalik ako sa loob ng store. Nakabili na ako nv mga pasalubong kaya naman nagpaalam muna ako sandali na lalabas muna.

Paglabas ko ng store ay may napansin ko ang Ghostbuster Adventure. Matatakutin talaga ako pero curious ako kung anong meron sa loob kaya pumila ako.

"Guys, dito lang ako sa Ghostbuster Adventure. Shopping lang kayo dyan. Sunod kayo if gusto nyo."

Message ko sa gc namin. For sure, may isa or lahat sila na online at mababasa ang message ko.

Wala masyadong pila kaya mabilis akong nakapasok sa loob. Sa umpisa pa lang ay kikilabutan ka na dahil sa background music na maririnig mo.

Gusto ko na sana magback-out pero naisip ko na naumpisahan ko na bakit di ko pa tapusin.

Sa lalim ng pag-iisip ko ay di ko namalayan na may sumasabay na pala sa akin.

Tuloy lang ako sa paglalakad dahil ang isip ko naman ay baka kasunod ko lang na gusto din i-try ang adventure na ito.

"Waaaahhhhh!" malakas na sigaw ko ng biglang may bumulaga sa harapan ko. Sa sobrang taranta ko ay tatakbo na sana ako pabalik ng may bumangga sa likod ko.

Ito yung kanina pa nasunod sa akin. Sa sobrang takot ko pa rin ay napayakap ako sa stranger na ito. Bahala na pero sobrang gulat ko talaga.

"Sshhhh" pagkakalma ng stranger na yakap ko ngayon. Ang awkward ng feeling pero parang familiar sya sa akin. Sorry sa girlfriend nya kung meron pero nagulat lang talaga ako.

Napaangat ako ng tingin dahil familiar na ang boses nya. Nagkatinginan kami at laking hiya ko nang maaninag ko sya. Si Chester.

"Sorry, nakaharang ka kasi." reason ko na wala sa hulog dahil sa sobrang gulat.

"Dapat pala kitang laging samahan. Nakakatakot ka magulat kung sinu-sino na lang niyayakap mo."

"Pakialam mo ba sa nagulat lang ako eh." Agad akong umalis at naglakad ulit.

Pigil na pigil ang takot at gulat ko dahil alam kong nakasunod sya sa akin.

Nataranta at nagtayuan ang mga balahibo ko ng may tumama sa binti ko na malamig na parang kamay.

Muli akong sumigaw pero di natinig sa kinatatayuan ko. Ayokong tumakbo or gumalaw baka isipin nya na duwag ako or baka mayakap ko na naman sya dahil sa takot.

Agad lumapit si Chester ng mapansin nya na hindi na ako makagalaw sa sobrang takot. Mangiyak-ngiyak na ako nang sobrang lapit na nya.

Nang magtapat kami ay agad nya akong niyakap ng sobrang higpit sabay pagtulo ng luha ko di dahil sa takot kundi sa sobrang inis na hindi ko sya matiis. Gusto ko pa rin sya. Gusto ko pa sya.

Agad akong inalalayan ni Chester at buti na lang ay may dala syang cellphone at agad i-on ang flashlight nito. Isa lang pala itong props na kamay na nakaconnect sa tali, may nagpapagalaw siguro sa loob.

"Huwag ka nang matakot, props lang yun." at agad nyang inilawan ang mukha ko.

Medyo nasilaw ako at agad nya i-off ang flashlight ng cp nya at muli akong niyakap.

"Nakakarami ka na." nauutal ko pang sabi sa kanya na napapansin ko na panay ang yakap nya sa akin.

"Namiss lang kita." agad syang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Mga ilang minutong katahimikan. Ilang tao na rin ang nagdaan pero di kami mapapansin dahil nga sa madilim ang parte na yun at nasa may bandang gilid kami.

Pinunasan nya ang luha ko na marahil ay namuo kanina sa sobrang takot. Akala ko bibitaw na sya sa pagkakahawak sa pisngi ko ng biglang nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Can I kiss you?" pagpapaalam nya sa akin pero di ako makasagot or dahil ayokong sumagot sa sobrang kaba.

Nang hindi ako sumasagot ay bigla nyang nilapat ang mga labi nya sa labi ko.

He kissed me slow and with passion. Ang sarap nyang humalik aaminin ko or dahil ito ang first kiss ko.

"Sorry, I guess it's a yes kasi di ka sumagot." paghingi nya ng sorry ng mapansin nya na tulala ako.

Hindi ako nakakibo at nakatingin lang sa kanya.

"Tara na sa labas at baka hinahanap ka na nila." hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at magkasama kaming naglalakad sa gitna.

Samantalang ang kanan kong kamay ay napahawak sa aking mga labi. Bakit parang bigla itong nangapal? Napalingon ako kay Chester na ngayon ay sobrang protective sa akin.

Kapag alam nya na may nakakagulat ay agad nya akong nilalagay sa kanyang harapan at niyayakap ako mula sa likod.

Wala akong maramdaman na malisya kundi gusto lang nya talaga akong protektahan dahil baka matakot ulit ako.

Malapit ang labas ng bigla nya akong bitawan. Nakita ko din mga kaibigan ko na naghihintay sa may exit.

Lumapit agad ako sa kanila at di napansin ang pagsunod ni Chester sa akin. Nagulat ako ng makita si Ram sa tabi ni Louise at nag-peace sign pa.

Mga kamote talaga. Sinet-up pa ako ng mga ito pero okey lang kinilig naman ako.

"Taraa na guys sa space shuttle" sabi ni Ram na nakaakbay kay Louise.

Hindi ako makapagsalita dahil alam ko na nasa likod ko si Chester.

"Kaya pa ba ni Jen eh kagagaling nya lang sa Ghostbuster Adventure?" tanong ni Louise.

"Sure ka na kaya mo?" concern na tanong ni Chester na agad akong napalingon.

"Oo naman." sabay ngiti sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kapag di mo kaya, wag mong pilitin ha? Sasamahan na lang kita dito sa baba." muling nagsalita si Chester at ngumiti ako sa kanya.

"Thank you, kaya ko naman pati nandyan ka naman." huli na para bawiin ang nasabi ko.

Agad napangiti si Chester sa akin at pumila na kami.

"Kamusta ang horror adventure?" bulong ni Awra.

"Masaya." ayun lang tangi kong naisagot at ngumiti sa kanya.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon