Part 30

78 2 0
                                    

Friday...

Ang araw kung saan i-aanounce ang mga cast para sa play. Ang mga babae sa University namin ay hindi mapakali. Ang iba ay nagdadasal at ang iba naman ay nakaabang sa bulletin board at sa mga malapit na speakers for the announcement.

Kami? Ito nakatambay sa may ilalim ng puno. Naghihintay lang ng go signal para sa Flag ceremony and announcement daw.

Ang big deal ng play na yun dahil may mga ibang schools kasi na pwedeng pumasok sa school namin para sa Foundation Day and isa kasi sa mga inaabangan nga ay ang yearly "Play" ng mga students kaya ganito na lang ang paghahanda nila.

Nag-announce na pumunta na sa open filed ang mga students. Kayang-kaya mag-accommodate ng open field namin dahil sa sobrang lawak nito. Lahat ng students ay nakapila na.

Natanaw ko si Chester na kinakausap ng isang Student Council Staff para pumunta sa unahan for the announcement.

Nag-start na ang flag ceremony at maya-maya lang ay nagsigawan na ang mga students ng makita si Chester sa may stage sa unahan.

Tanaw ko ang aking prince charming mula sa aking puwesto at nakatingin din sya sa akin.

Ngumiti ako at nag-thumbs up para lumakas ang loob nya. Alam ko kinakabahan din kasi sya dahil first time nya mag-lead sa isang play.

"Good morning students." simula ng isang faculty member na syang tatayong emcee para sa mini-program na ito.

"Today is the day that we will introduce to you the official casts of our play and some announcement regarding Christmas Ball and our upcoming Foundation Day. I know it's too soon but as we all know that one of the highlights of our school programs is our Foundation Day. Hindi lang school natin ang magpaparticipate or aattend dito kundi ibang school din which is alam kong inaabangan na rin nila."

"The other day nagpaaudition tayo for our play. So for today, I will announce the cast of "Florante at Laura" na magsisimula ng mag-rehearse sa weekend."

Sinimulan ng tawagin ang mga cast. Lahat ay kabado at excited kung sino ba ang gaganap sa kaabang-abang na play.

Ako man ay kabado din para kay Chester. Sana naman ay ka-close nya din ang makasama nya para very easy na lang sa kanila ang practice nila.

"For our Florante, may we call on Mr. Chester Dy of Engineering Department."

Sigawan ang mga tao sa field lalo na ang babae. Ang iba ay kinikilig at nagtitilian dahil ang gwapo naman talaga ni Chester.

Lahat ay nag-aasam na maging partner nya sa play kaya naman halos lahat ng babae ay panay ang dasal para sa announcement.

"Sobrang support naman ang bigay nyo sa ating Florante at ngayon naman may we call on a young lady from Accountancy Department to be our "Laura". Nag-pause for a while ang emcee at nagkatinginan ang mga babae.

May nagbulungan pa at palingon-lingon kung sino ba ang gaganap na Laura para sa play.

"Bakla! Nag-audition ka?" manghang tanong ni Awra sa akin.

Umiling ako peeo may kutob na ako kung sino ang napili.

"Eh sa atin galing. Wag mong sabihin na si..."

Hindi na nagawang ituloy ni Louise ang sasabihin ng banggitin ng emce ang pangalan ni Claudia Bernal.

"Ohhh Emmm Gggg!" napanganga si Awra pagbanggit ng name ni Claudia.

"That girl!" inis na sabi ni Louise.

"Ayaw ka tigilan talaga nyan eh." inis na sabi ni Awra.

"Wag mo na lang pansinin besh." umakbay pa si Micole sa akin to comfort me.

Ako naman ay ayos lang pero medyo kabado ako kay Claudia dahil obvious naman na she's doing it para mapalapit kay Chester at ngayon nga ay magkakasama pa sila sa play. Medyo matagal din na rehearsal yun at for sure almost everyday silang magkakasama.

Claudia went to the stage na nakataas noo at super smile as if she won the title for Ms. Universe. Hindi maitago ang kanyang ngiti na final makakasama nya si Chester sa araw-araw dahil sa practice.

Kinawit pa ni Claudia ang kanyang kamay sa braso ni Chester at agad naghiyawan ang mga nakakita.

"Girl! Sobrang bagay nila."

"Oh my God! Nakakainggit si Claudia."

"Kainis! Hindi ako napili."

"For sure magiging sila kasi lahat daw ng naging magpartner sa play nagkakatuluyan eh."

"Huwag mong pakinggan mga sinasaabi nila." nilayo ako nila Micole sa open field and nagpunta kami sa tambayan namin para i-comfort ako.

"Duh! Di naman marunong umarte yun. Bakit natanggap yun?" inis na sabi ni Louise na parang affected sya masyado.

"Truth! Malakas kasi sa drama club. Pabebe eh." dagdag ni Awra.

"Okay ka lang besh?"

Napatingin naman sila sa magiging reaction ko. Ngumiti ako pero di abot sa tainga kaya for sure alam nila na di ako okay.

"Okay lang yun. Play lang naman yun. Sa akin pa rin sya uuwi." pagkumbinsi ko sa mga kaibigan ko or sa sarili ko.

Si Claudia kilala sa pagiging campus crush. Walang lalaki ang di na-fall sa kanya kasi maganda naman talaga ito.

May tiwala din naman ako kay Chester lalo na't napag-usapan na namin ito pero iba pa rin yung kaba na dulot nito parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.

"Fighting girl! Sagutin mo na kasi para matigil sila sa pagpapantasya kay Chester."

"Hindi naman kasi sya nagtatanong eh." sagot ko.

"Bakit pwede na ba daw sabi ni Tita?" taas kilay na tanong ni Awra.

Isa pa yun. Hindi naman sa problema pero ayoko ding masira tiwala ni Mommy sa akin pero kaya ko naman pagsabayin ang pagkakaroon ng boyfriend at ang studies ko.

"Sabihin mo na kasi kay Tita para maging legal na. Consistent dean's lister ka naman kaya for sure papayag sila ati inspiration naman kasi yun." may point si Louise sa sinabi nya.

"Bahala na." balak ko na rin naman na magsabi kina Mommy at Daddy kapag binanggit na ulit ni Chester ang tungkol sa panliligaw nya para hindi na rin kami nagtatago sa parents ko.

Kailangan kong pag-isipan ng mabuti para hindi mapasama si Chester sa parents ko at the same time na okay din ang pag-aaral ko.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon