Pagkatapos nilang mag-usap ni Ram ay naglalakad na ngayon si Jenica para sa susunod na subject nila. Napadaan sya sa isang garden at pumitas ng bulaklak.
Habang naglalakad ay pinipitas nya ang bawat petals nito.
"He loves me? He loves me not." paulit-ulit na sabi ni Jenica.
"He loves me not." napahinto ang dalaga dahil sa resulta ng kanyang ginagawa. Napasimangot sya at hindi namalayan na nasa tapat na pala sya ng kanilang classroom.
"Anyare doon?" turo ni Louise kay Jenica na nasa may pintuan.
"Paano tinuruan ko ng diskarte kanina. Ayun si bakla! Natorpe! Pagkaabot ng invitation, nagtatakbo." irap ni Awra.
"Mamaya na tayo mag-usap sa gc at ayan na si Ms. Salazar." turo ni Micole sa Professor nila na kakarating lang.
GC Name: Beshiessss! Pero walang 🐍
Awra: Jenica!!! Ano na? 😠
Jenica: Anong ano na?
Louise: Si Chester.
Jenica: wag na nating pag-usapan please. Gusto ko nang magpakain sa lupa. 🙈
Awra: Ang hina mo kasing dumiskarte eh.
Jenica: Wow ha? Nakakahiya naman kasi kababae kong tao.
Micole: May point naman kasi Awra kahit boto ako dyan kay Chester eh kung ayaw, wag pilitin.
Awra: Bahala nga kayo. Kapag yan nabingwit pa ng iba. Wag kang iiyak-iyak ha? Remember, umalis na yan tapos bumalik ulit so ibig sabihin may unfinished business pa.
Ram: Ooyyy! Nag-aaway ba kayo?
Louise: May girlfriend ba yang si Chester at napakailap?
Ram: Dati pa yun, highschool days pa nung nasa US sya tapos sabi nya break na sila bago pa sya bumalik dito.
Awra: Ayun naman pala. So may chance ang kaibigan natin?
Jenica: Bahala nga kayo. Ayaw nga ng tao eh.
Louise: ang arte mo! Iinvite lang para maging escort, hindi naman papakasal agad.
Ram: Oh? Ano bang sabi?
Awra: waley! Paano hindi nagsalita ang maganda nating kaibigan.
Jenica: nakakahiya kasi. Hindi naman kami close eh.
Awra: Halaaa! Anong hindi? Eh ikaw nga unang nakausap nyan sa school diba? So gamitin mo yun para hindi sya makatanggi.
Jenica: Nahihiya nga kasi ako eh.
Awra: Mauunahan ka talaga ng ibang classmate natin or worst tatanda kang dalaga. Kawawa ka naman. Daig ng maganda ang malandi. Remember?
Nagseen na lang si Jenica at hindi na sya sumagot pa sa mga kuda ni Awra.
Ang hirap naman kasi. Oo, gusto nya maging escort si Chester sa debut nya pero paano nya gagawin yun?
Lumapit nga lang sya sa lalaki natatahimik na sya eh what more gawin nya pang-escort baka maestatwa na lang sya sa debut nya buong gabi.
Ang hindi alam ni Jenica ay nagpaplano ang mga kaibigan nya kung paano magpapa-oo si Chester sa suggestion nila.
Tumulong na rin si Ram bilang suporta kay Jenica since alam naman nya na ultimate crush ito ng kaibigan nya pero never nilang napag-usapan ni Chester ang feelings ni Jenica.
Naging very busy si Jenica sa pag-aayos ng kanyang debut pero naging madali naman ito dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Si Awra ang nag-lead sa kanila since ito naman ang pinakamaraming alam sa mga ganun bagay.
"Bakla! Gusto mo may cotillion sa debut mo?" tanong ni Awra habang nag-memeryenda sila sa bahay nila Jenica.
"Go ako dyan tey! Push!" sabat ni Louise.
"Ayoko! Wag na. Sobrang haba na nga nG program ng debut ko eh." todo tanggi na ni Jenica sa suggestion ni Awra.
"Ang korni mo talaga. Tita, yung anak nyo po oh? Sayang naman. Once in a lifetime lang ang debut eh. Kung ako nga lang magdedebut baka kabugin ko pa party mo." sumbong ni Awra sa mommy ni Jenica.
"Sige na anak. Sundin mo na kaibigan mo. Tama naman sya minsan lang yan. Noong panahon nga namin hindi uso ang mga ganyan eh." kwento ni Mommy Jessica.
"Ohh diba tita? Kaya go na! Para makasayaw mo ng matagal ang crush mo. Ayiieee." kurot nito kay Jenica.
"Anong crush? Ay bawal pa mag-boyfriend ang baby ko." sita ni Mommy Jessica.
"Hindi po Mommy, wala pa po akong crush." sagot agad ni Jen sa kanyang ina.
"Mabuti naman kung ganon. Wag ka munang mag-boyfriend at magtapos ka muna ng pag-aaral. Pati kayo para matuwa mga parents nyo." pangangaral ni Mommy Jessica.
Natahimik ang mga kaibigan ni Jenica at tinuloy na lang ang pagmemeryenda.
"Paano? Akyat muna ako sa kwarto. Jen, anak. Huwag mo ng pauwi mga kaibigan mo dito na kayo magsleep over para makapagbonding na rin kayo. Sabihan ko na lang sina Manang na i-ready ang guest room at anong request nyo na food?"-Mommy Jessica.
"Tita, wag ka na pong mag-abala. Okey na po kami sa pagkain dito."-Micole
"Hhhmmm eehhheeemm baby back ribs." kunwaring nauubong sabi ni Awra.
Siniko nila Micole at Louise si Awra. Natawa naman ang mommy ni Jenica sa sinabi ni Awra.
"Huwag na kayong mahiya para naman kayong iba. Sige, tawag kayo for delivery, here's the money. Order lang kayo ng gusto nyo." sabay abot ng cash kay Jenica.
"Ang ganda talaga ni Tita." sabi ni Awra sabay yakap sa mommy ni Jenica.
"Ikaw Awra ha? Masyado kang bolera."-Mommy Jessica.
"No tita, kaya nga manang-mana sa'yo si Jenica eh." niyakap ni Awra si Mommy Jessica.
"Nakuuu! Naglambing pa ang bunso ko." gumanti naman ng yakap si Mommy Jessica kay Awra.
"Kita mo na? Ako talaga yung nawawala mong kapatid eh." sabay turo ni Awra kay Jenica.
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa mukhang bet na bet ni Awra na maging kapamilya sya nila Jenica dahil magaganda ang lahi ng mga ito.
"Bukas na bukas din dadalhin ko na damit ko dito. Uuwi na ako dito Mama." biro ni Awra sa kanilang lahat.
Muli ay nagtawanan silang lahat. Maaga nilang natapos ang program for the debut and yung iba pang mga kailangan like yung cakes, gown, suppliers ng flowers and caterings.
Sa totoo lang, okey lang kay Jenica ang simpleng debut pero mapilit ang Parents nya kaya no choice sya at sabi nga nila minsan lang naman daw ito kaya pinagbigyan na rin nya ang hiling ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes