"May sasabihin ka?" agad nyang bungad ng makalapit ako.
Para naman tuloy akong napipi at napako sa kinakatayuan ko.
Nang mga ilang minuto na tahimik lang kami at umihip ng hangin ay bigla syang nagsalita.
"Nandyan yata si Kyle sa baba parang natanaw ko eh hinihintay ka yata. Una na ako ha? Ingat kayo."
Tumalikod ulit sya at naiinis na talaga ako. Hindi ako makapagsalita. Huminga ako ng ubod lalim dahil kailangan ko ng oxygen pampalakas ng loob.
"Chester sandali lang! I know I've hurt you alot. I know naging immature ako. I know naging duwag ako pagdating sa ating dalawa but believe me nasaktan lang din ako kaya ginawa ko yun. I'm sorry. I'm really sorry pero mahal kita. Mahal talaga kita kahit naging duwag ka sa pag-amin ng true feelings mo kahit nakakainis ang way ng panliligaw mo. Kahit napakatorpe mo. Kahit di ka makapunta sa amin dahil sa takot mo kay Mommy. Kahit wala kang ginagawa para maayos yun. At higit sa lahat kahit na sobrang selos ko sa mga lumalapit sa'yo. Ikaw pa rin eh."
Bumuhos na yung luha ko sa sobrang inis sa kanya at sa sarili ko. Hindi ko maisip na nasabi ko yun sa kanya buti na lang at walang tao sa part na yun ng burol.
Nakatingin lang ako sa likod nya. Di sya gumagalaw at nang mapansin ko na kumikilos na sya ay natakot ako. Mukhang tutuloy sya sa pagbaba dahil muli nya inayo ang bike nya na medyo napahilig ng konti.
Wala na tapos na pala talaga sa amin yun. Ang tanga ko kasi. Bakit ginawa ko yung pagselosin sya at bakit ko pa ginawa ito? Nakakapagsisi. Tuluyan ko ng binitawan ang bike ko na medyo dumalas ng konti dahil sa pababang area na ito. Napaupo na lang ako sapo ang mukha ko sa sobrang awa sa sarili ko.
Hagulgol lang ako. Bahala na kung may makakita sa akin. Ang importante mailabas ko lahat ng sakit at inis ko sa sarili ko.
"Tumayo ka nga dyan. Para kang bata."
Napatingala ako sa nagsalita sa tapat ko. Nakita ko si Chester na abot tainga ng ngiti. Ngiting panalo ang loko.
"Anong nakakatawa?" inis kong sabi at pinagpagpag ng konti ang puwetan ko na feeling ko sumayad sa lupa at nagsimula na akong ayusin ang bike ko ng hawakan nya ako.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na. Nasabi ko na naman lahat." sabi ko ng di tumitingin sa kanya.
"Para ka talagang ewan. Toyo mo rin eh. Di mo hihintayin ang sagot ko?"
"Hindi naman ako nagtatanong para maghintay ng sagot." naiinis talaga ako at mas lalo akong nainis kasi natawa sya.
Parang tuwang-tuwa sya ng umiyak ako. Parang tuwang-tuwa sya sa itsura ko ngayon. Bwiset na lalaking ito. Bakit ito pa nagustuhan ko eh.
"Tumigil ka nga. Halika nga dito."
Nagulat ako ng yakapin nya ako. Nabitawan na namin ang mga bike namin.
"Mahal kita okay? Mahal na mahal din kita. Sa totoo lang di talaga ako marunong manligaw kahit pa nung nasa US pa kami. Yung ex ko doon biglaan lang yun. Walang usap-usap na kami na. But I'm triying love. Swear to God. Sinusubukan ko lahat para maipakita kung gano kita kamahal. I even unfollow lahat ng girls kahit di mo pinagseselosan just to prove na ikaw lang ang gusto ko. Kita mo naman siguro ang social media ko na sayo lang ako nakafollow at sa mga kaibigan lang talaga natin aside from my family. I even change my relationship status and post it publicly para malaman nilang in a relationship na ako pero wala eh. Gwapo talaga ako kaya habulin." tumawa sya ng konti kaya hinampas ko sya habang yakap pa rin nya ako.
"At doon sa sinabi mong duwag ako? No Love, I'm not. Sige ikukwento ko sa'yo kung gaano kalakas ang loob ko na magpunta sa inyo kasi ayokong sinusundo lang kita sa labas ng subdivision na para bang nagtatago. I even talked to your Mom and Dad. I distanced myself nang konti sa'yo after namin mag-talk coz they want to finish your study first and I promised to them na di ko sisirain yun. Kaya remember sa EK? Sobrang free natin? Ayun yung time na feeling ko nakalaya ako kasi nakapagpaalam na ako sa kanila the day before that. Mahal kita kaya kahit na sinong babae ang lumapit sa akin. Kahit itanong mo pa sa buong cast ng Florante at Laura, never mo kaming makikita na magkadikit ni Claudia except kapag need na para sa scene. Ganon kita kamahal. Hindi ko sinasabi sa'yo ito para ipamukha ang efforts ko pero I just want you to understand na gumagawa din ako ng way kaya sana maniwala ka Love. Huwag mong isipin na di kita mahal kasi wala kang nakikitang effort from me. Kailangan nating magtiwala sa isa't isa Love kahit na di mo ako nakikita pero I'm doing my best para maparamdam lahat ng pagmamahal ko sa'yo." ramdam ko yung mga luha ko na nag-uunahan sa pagbagsak.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes