Foundation Day...
"Akala ko manonood yan?" nakita ko na tinuro ako ni Awra.
Tinutukoy nya yung play. Ang schedule kasi is; 1st day is yung mga performances each Department, depende sa theme ng Foundation Day namin which is about Lahing Filipino kaya ang sasayawin ng Department namin ay Ati-Atihan at sa gabi naman ay ang Coronation Night ng magiging Mr. And Ms. LDM.
For the second day, ito yung mga games sa umaga and yung play na Florante at Laura sa gabi. And for the Third Day, puro booth lang sa umaga at sa gabi naman ang Foundation Night.
"Medyo masama pakiramdam ko." reason out ko sa kanila.
"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ni Micole at dinama pa ang noo at leeg ko kung mainit ba ako.
"Oo" palusot ko at nakita kong naging busy na sa pag-cecellphone sina Awra at Louise.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula ng maglakad papuntang open field kung saan mag-iipon lahat ng students.
Mula sa kinakatayuan ko, nakikita ko si Chester na pasulyap-sulyap sa akin. Nahuhuli ko syang nakatingin sa akin pero bigla din iiwas pagkatapos.
Hindi ko sya maintindihan sa totoo lang or baka sarili ko ang di ko maintindihan. Parang na-ghost ko sya sa mga time na yun dahil sa hindi ko pagkausap sa kanya pero kasalanan naman nya yun. Hindi man lang sya nagpaliwanag sa akin.
Nawala ang pag-iisip ko ng makita ang message ni Kuya Kyle. Ready na daw sya para sa Ball. Natawa ako kasi binili pa daw sya ni Mama ng Tuxedo.
Napaangat naman ako ng tingin dahil para akong mukhang baliw na nagpipigil ng tawa. Agad akong napatingin kung saan nandoon si Chester pero nakita ko syang nakakunot ang noo at umiwas ng tingin. Hanggang sa matapos ng mga nagsasalita para sa program ay hindi na nya ako nilingon pa. Bahala sya. Arte nya.
Naupo kami sa mga bench sa gilid ng open field para makanood. Nag-start na ang mga performances at talaga namang ang gagaling nilang lahat. Biglang lumapit si Ram at nagtataka naman ako na hindi nito kasama si Chester.
"Gusto nyo ng food? Baka nagugutom kayo?" tanong ni Ram sa amin.
"Sige please." sabi ni Micole.
At nag-type na si Ram ng mga order namin at ready na sa pagpunta sa canteen.
"Ikaw Jen? Ano daw gusto mo?" nang-aasar na sabi ni Ram sa akin.
"Kahit ano na lang." sagot ko para matigil sila sa pang-aasar. Alam ko naman na pinapatanong ito ni Chester.
"Okay. Samahan mo ako Louise at Awra baka di ko mabitbit lahat eh."
Nagtataka man ako dahil sinama pa nila si Awra ay di ko na pinansin. Nagfocus na lang ako sa panonood.
Halos mga kalahating oras sila bago nakabalik dahil ang haba ng pila sa canteen.
Kinilig ako ng makita ko ang comfort food ko na dala ni Ram.
"Ayan tayo eh. Basta may pagkain nagniningning ang mga mata mo." tukoy sa akin ni Ram.
"Hahaha di naman nataba." asar ni Awra.
"Syempre need to maintain may figure." sabi ko naman.
Nagsimula na kaming kumain ng mapansin ko na nag-uusap sina Awra, Louise at Ram sa side.
Di ko na inintindi pa at nagfocus ulit ako sa panonood ng performances.
"Manonood ba kayo mamayang gabi?" tanong ni Awra.
"Bahala na." tamad kong sagot dahil baka di ako payagan ni Mommy at mapupuyat ako.
"Puro games lang naman bukas kaya pwede tayong magpuyat." sabi naman ni Louise.
"Message ko na lang kayo." tumayo na ako mula sa bench at nagsimula ng maglakad.
Nakita ko ang mga cast ng Florante at Laura sa isang room kung saan siguro sila nagmemeeting. Nakita ko na nakahilig ang ulo ni Claudia sa balikat ni Chester. Nag-iwas ako ng tingin at mukhang sasama yata ang pakiramdam ko nito. Kanina lang ako tinitingnan tapos nawala lang ako iba naman ang kalandian. Ang galing.
Napansin siguro nila Awra ang nangyari sa akin at napalingon sila sa tiningnan ko.
"Text mo nga dali." siko ni Louise kay Ram.
"Ang tanga ng kaibigan mo. Wala pa man nagpapahuli na agad. Paano sya sasagutin eh ganyan pinaggagagawa nya." comment ni Awra.
Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nawalan na ako ng gana buong maghapon at sumabay pa ang pagkakaroon ko ng araw na iyon.
Natapos ang buong maghapon na program. Hindi ko na naintindihan kung sino ang nanalo. Napag-desisyunan na rin naming umuwi para makapagpahinga para mamayang panonood sa play.
Wala akong imik buong biyahe kasama mga kaibigan ko. Hindi na rin sila nagsalita pa. Nakareceive ako ng message from Chester na manood daw ako. Hindi ko na inintindi yun sa sobrang tindi ng selos ko, mas ramdam ko ang sakit ng puso ko kesa puson ko.
Nagpaalam na ako sa kanila. Alam kong ramdam nila ang selos ko pero di ko pinahalata. Pumasok ako sa loob ng bahay at derecho sa aking kwarto.
Dumapa ako at nagsimulang maglandas ang mga luha ko. Awang-awa na ako sa sarili ko. Ginagawa na akong tanga ni Chester. Mahal daw ako pero kapag nakatalikod ako iba ang mahal. Ang galing talaga.
Napaangat ako ng tingin sa pinto ng marinig ko na may kumakatok. Pinahid ko muna ang luha ko at binuksan ang pinto. Mukha ni Mommy ang nasilayan ko at agad nagtaka kung bakit ganun ng itsura ko.
"What happened?" agad nya pinunasan ang luha kong di ko napigilan dahil sa ngayon pakiramdam ko ay kailangan ko nang masasandalan.
"Sakit ng puson ko My." reason out ko. Totoo naman pero mas masakit pa rin puso ko.
"Puson ba or puso?" tanong ni Mommy.
Binalewala ko yun dahil baka kapag nag-open up ako kay Mommy ay ma-badshot naman si Chester sa kanya. Haaayy Chester! Kapakanan mo pa rin naiisip ko.
"Uminom ka ng gamot pero wag mong sanayin ang sarili mo ha? Dito lang si mommy kapag handa ka na magkwento. Umpisa pa lang yan anak. Marami ka pang pagdadaanan pero lagi mong tandaan na dito lang kami ni Daddy mo. We won't judge you. Mahal ka namin at gusto ka namin proteksyunan. I love you anak." Mommy hugged me very tight at dahil doon ay unti-unti akong nakahinga. Unti-unti nawala ang bigat na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes