Gaya ng mga nangyari ng nakaraan. Consistent pa rin si Chester na sunduin sa classroom si Jenica upang ihatid sa bahay pero sadyang matigas si Jenica at ang dami nyang alibies para lang hindi nya makasama si Chester.
"Jen, pwede ba kitang ihatid pauwi?" nag-aalinlangan na tanong ni Chester ng maabutan nya ang dalaga sa classroom nito.
Nagmamadali pang lumabas si Chester ng kanilang room masundo lang ang dalaga sa last class nito.
Gaya ng dati, alam naman ni Chester na tatanggi ang dalaga pero sinusubukan nya pa rin at baka sakaling magbago ang isip nito pero sadya yatang mahirap na itong i-please pero hindi sya susuko, mapapunta lang sa kanya ang babaeng tinatangi.
Ito na naman si Chester, sobrang kulit. Ilang beses ng tinataboy lapit pa rin ng lapit. Sa loob yata ng isang araw ay nakaka-ilang text sa kanya ito upang iupdate sya, kamustahin sya or hindi kaya tatanungin sya kung kumain na sya.
Nakakakilig sana pero pinipigilan nya ang sarili upang sana maturuan ng lesson ang binata na hindi lahat ng babae ay gaya ng mga naiisip nito na easy to get.
"May lakad kami ni Best. Diba best?" pinandilatan nya ng mga mata si Micole.
Walang nagawa si Micole kundi tumango na lamang at sabayan si Jenica palabas ng classroom.
"Sorry Chester, ayaw nya talaga eh." tanging nasabi ni Micole bago tuluyang lumabas ng classroom at sundan si Jenica.
Naiwan si Chester sa kanyang kinatatayuan at muli na naman syang nireject ng dalaga.
"Nakakainis na talaga sya. Hindi ba makahalata na ayoko nga ng ganitong set up." maktol ni Jenica ng naglalakad sila ni Micole patungong parking area kung saan naghihintay ang kanilang driver.
"Hindi ka ba naaawa sa tao?" out of nowhere na tanong ni Micole.
"Sya ba naawa sa akin? Ang simple lang namang manligaw eh bakit hindi nya nagawa ng maayos?" madamdaming sagot ni Jenica sa tanong ni Micole.
"Baka naman kasi hindi talaga marunong or baka naman natatakot i-reject mo at maunahan ng iba?"-Micole.
"Whatever the reason best, hindi pa rin tama na i-blackmail nya ako just to get me." naiirita na si Jenica sa pinopoint out ni Micole.
Yeah! She understands her bestfriend pero alam ba nito ang nararamdaman nya?
"Okey, I'm sorry." hinging paumanhin ni Micole at hindi na muling nagsalita pa hanggang makarating sila ng Subdivision nila.
Mabilis lumipas ang mga araw gaya ng set up nila pilit pa rin si Chester na ihatid si Jenica pero deadma pa rin ang dalaga.
Araw ng Sabado, the most awaited day of Jenica. Excited ang dalaga kaya naman nagising sya ng maaga.
Nagmamadali syang nag-ayos bago tuluyang bumaba sa living room area kung saan alam nyang nandoon na ang kanyang Daddy at nagkakape.
Pagdating sa may hagdan ay napatigil sya dahil naring nyang nag-uusap ang parents nya.
"Hon, gusto mo bukas na lang tayo mamasyal since every Sunday naman tayong nalabas mag-anak." saad ni Mommy Jessica na hinihilot-hilot pa ang ulo ng asawa.
"Hindi pwede Hon. Nakapangako ako sa anak natin. It will serve as a gift to her." sagot ng Daddy Franc nya na nakapikit pa siguro nga dahil sa sobrang sakit ng ulo nito.
Tuluyan ng bumaba si Jenica at nagpakita sa mga magulang.
"Good morning Mommy and Daddy." bumeso ang dalaga sa kanyang mga magulang.
"How's my very beautiful daughter?" niyakap pa ni Daddy Franc ang kanyang unica hija.
"I'm fine Daddy. I miss you Daddy." yumakap din ang dalaga sa ama.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomantizmHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes