Kinaumagahan sinundo ako muli ni Chester pero dahil mamaya pang-10 am ang pasok namin ay nagulat ako dahil 7 am ay nakikipagkita na sya sa akin.
Hinintay ko munang umalis sina Mommy and Daddy bago ako lumabas ng village namin.
Sa totoo lang nakokonsensya ako pero alam ko wala naman akong ginagawang masama.
Natanaw ko na agad ang chevy nya sa di kalayuan. Kumatok pa ako dahil hindi nya namalayan na dumating na ako.
"Good morning." ngumiti ako sa kanya.
"Good morning too. Nagbreakfast ka na? Kain tayo?"
Tumango lang ako kasi alam ko naman na magbreakfast kami.
Tumigil kami sa isang coffee shop at nag-order sya ng pasta at mango shake para sa akin. Sya naman ay coffee at lasagna.
Habang nakain ay patingin-tingin sa akin si Chester.
"May sasabihin ka?" di na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.
"Hhmmm, napili akong gumanap sa play."
"Wow! Congrats! Celebration pala natin ito." sobrang proud ako sa kanya as always naman.
Gwapo na, mabait pa, matalino at talented pa.
"Audition ka." tumingin sya sa akin.
"Ha? Nahihiya ako eh pati ayoko hindi naman ako marunong umarte." totoo naman na mahiyain talaga ako.
"Gusto ko kasi ikaw ang maging partner ko. Please." hinawakan nya yung kamay ko.
"Suportahan na lang kita. Di ko kasi talaga kaya yung pag-arte eh." sagot ko at humawak din ako sa kamay nya. Bale magka-holding hands kami ngayon.
"Okey, basta manonood ka ng play ko ha? Gusto ko nandoon ka."
"Oo naman, I'll support you. Gusto mo gumawa pa ako ng banner eh." tawa ko sa kanya.
Mahiyain din kasi si Chester pero dahil nga sa sobrang talented nito ay lagi itong stunning sa ibang mga lalaki.
"Kain na ulit tayo." ngiti ni Chester sa akin na hindi binibitawan ang kamay ko.
Nagkatinginan kami ng makarinig kami ng tawanan at pareho kami napalingon ng makita si Claudia kasama ang mga kaibigan nito.
Agad akong napabawi ng kamay kay Chester nagtataka man sya ay pilit kong ngumiti kina Claudia na nakatingin sa amin.
"Look who's here. Hi Chester and Jen. Date?" tanong ni Claudia na alam kong curious sa status namin. Alam ko din na crush nya si Chester simula pa ng debut ko.
"Hindi. Hinihintay ko lang namin sina Louise." agad akong tumingin sa cellphone ko at tinext nga sila at nagkunwari na tumatawag sila.
"Excuse lang." tumayo ako at lumabas ng coffee shop.
Umupo naman si Claudia sa inupuan ko.
"Nag-audition ako kahapon. Sa Friday daw lalabas mga result. Hopefully maging partner tayo." panimula ni Claudia.
"Madami yata nag-audition eh. Di pa rin tayo sure. Excuse lang Claudia, nagtetext na kasi si Ram." tumayo na si Chester at sinundan si Jen sa labas.
"Nasaan ka?" tanong agad ni Chester ng sagutin ko tawag nya.
"Wag kang aalis dyan, papunta na ako."
Nakita ako ni Chester sa may parking lot malapit sa kanyang sasakyan. Agad nya akong hinila papasok sa kanyang sasakyan at dahil tinted ito hindi makikita ng kahit na sino ang sakay nito kaya alam kong safe kami sa mga mata nila Claudia.
"Why did you left?" nagtatakang tanong ni Chester sa akin.
"Tumawag kasi si Louise nasa school na daw sila."
"Hhmmm okay." mukhang di convincing ang reason ko.
"Nagseselos ako." all of a sudden nabanggit ko kay Chester.
Agad napahinto si Chester buti na lang at nasa side lang kami ng kalsada.
"Anong sabi mo?" ulit ni Chester pero alam kong dinig nya ito.
"Ha?" di ako sure if narinig nya pero I keep on denying.
"Sabi mo nagseselos ka? Kanino? Kay Claudia?" takang tanong ni Chester.
Napatango na lang ako at napipi. Agad akong napalingon kay Chester na abot tainga ang ngiti.
"Ako din naman. Ayokong nakikita kang may kausap na lalaki. Ang gusto ko ako lang kasi ako, ikaw lang talaga." seryosong sabi nya sa akin at tumutok ulit sa pagdrive.
Tahimik kami pareho at walang kibuan habang papuntang school. Kinikilig ako. Indirect na pag-amin na ba iyon? Alam ko nanliligaw sya sa akin pero di ko alam na ganun pala epekto nito sa akin.
Bago kami bumaba ay hinila ako ni Chester at niyakap ng mahigpit.
"Huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga alam mong sa'yo lang ako." and he kiss my forehead.
Waaahhhh! Maiihi na ako sa kilig. Yung dating crush ko na tinatanaw ko lang ngayon sya na nag-coconfess ng feelings nya sa akin.
Napatango lang ako at ngumiti nang maghiwalay kami.
"Kaya mag-audition ka na. Ikaw din, marami kang kaagaw. Hahaha" biro ni Chester sa akin.
"Subukan lang nila. Hihilahin ko mga buhok nila." pagtataray ko kunwari.
Laking gulat ko ng hinalikan nya ako sa pisngi.
"Ang cute mo Love." di mawala ang tingin sa akin ni Chester habang ako ay pulang-pula.
"That's the spirit." akmang yayakap ulit si Chester sa akin ay umiwas na ako.
"Hooyyy! Nakakarami ka na ha?"
"Bakit? Ayaw mo?" tanong nya sa akin.
"Gusto." tanging nasagot ko at muli kaming nagyakap.
Umuna na akong bumaba ng sasakyan nya at tiningnan muna kung may mga matang nakaaligid sa amin dahil panigurado akong once na may makakita sa amin bukod sa mga kaibigan ko ay makakarating ito kay Mommy.
Napadaan ako sa may auditorium at kalat na ang balita na si Chester na ang gaganap na Florante sa darating na play para sa Foundation Day.
Oo, ang advance nila mag-Christmas pa lang pero nagpa-audition na sila for Foundation Day sa February.
Sa Christmas Break daw kasi sila mag-practice para pagdating ng February konti na lang at puro weekends lang kaya kailangan ma-finalize ang mga casts.
"Mag-audition na aba. Ikaw din, baka maagawan ka." comment ni Micole na nasa tabi ko na pala
"Di ko talaga porte pati nag-usap na kami ni Chester about dyan."
"Hhmmm, okay pero kasi naman parang artista yang jowa mo. Pinipilahan simula ng malaman na sya ang "Florante" sa play."
"Alam mo bakla. Hayaan mo na yang mga babaeng yan. So cheap lang kasi makapila ay di nila alam kasama natin ang prinsesa nya." maarteng sabi ni Awra.
"Truth! Di man lang kinabahan ang totoong "Laura". Tinuro pa ako ni Louise at nagtawanan kaming magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes