Everything went well. Naging maayos ang lahat. Magkakasama kami na naglulunch and even pag-uwi.
Hindi rin nagtatanong mga kaibigan ko sa status namin ni Chester dahil sure ako na ramdam na nila na nagkaayos kami sa Enchanted Kingdom mismo.
"Bakla, may play daw para sa darating na Linggo ng Wika."
Napatingala ako kay Awra dahil sa sinabi nya.
"Nag-audition ka na?" tanong sa akin ni Micole pero nakatingin naman sa kanyang libro na binabasa.
"Ha? Bakit ako?" clueless din ako bakit ako pinag-aaudition ng mga ito.
"Hala! Di ba ulit kayo okay ni Chester?" nagulat ang lahat sa tanong ni Louise sa akin.
"Ha? Wait nga lang. First, hindi ako nag-audition dahil alam nyong di ko yan porte. Second, okay naman kami ni Chester. Ano bang meron?" nagtataka na rin ako sa mga pinagsasabi nila.
Huli naming usap ni Chester kanina lang kasi halos araw-araw nya akong hatid-sundo tapos magkatext pa. Hindi naman ako nagcocomplain instead kinikilig pa nga ako.
"Oh myyy! The gf hindi alam ang nangyayari sa bf." nag-cross arm pa si Awra.
"Kayo! Masyadong issue." pagtatanggol ni Micole.
"Ganito kasi yan. Balita namin si Chester daw ang gaganap na Florante sa play. Nag-offer yata si Mr. Rodriguez kung papayag si Chester." Micole added.
"Aahhh, okay. Nabanggit nya kahapon pero hindi pa naman daw sya na-oo."
"Ah, akala ko LQ ulit kayo eh kakaayos nyo lang. Anyway, mag-audition ka na sis. Alam mo na yung jowa mo habulin. Tall, dark and handsome ba naman baka iba maging partner sa play." mahabang litanya ni Awra.
"Confident naman ako na hindi nya ako ipagpapalit." pagyayabang ko sa kanila sabay tawa.
"Ayan! Ayan ang gusto ko sa'yo. Lumalaban na. Winner yun tey." pag-aarte pa ni Awra kaya naman kami nagtawanan kami sa inasta nya.
Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko medyo na-praning ako ng konti. Knowing Chester sobrang head turner at gentleman nya para hindi magustuhan nang magiging partner nya.
"Stop Jen! You must be crazy." wala sa sariling nabanggit ko.
"Who's crazy?"
Biglang bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses nya. Ang boses ni Chester.
"Wala." patay-malisya kong sagot.
"Ano nga yun? Dali na. Sabihin mo na." pagpipilit nya sa akin at balak pa akong kilitiin pero umiwas ako.
"Ay! Mukhang meron."
"Anong sabi mo?" pagtataray ko sa kanya. Nagulat din ako sa pagtataray ko pero mukhang huli na ang lahat para bawiin ito.
Naiinis kasi ako sa nalaman ko kanina. Unang-una ayokong mag-audition hindi dahil sa hindi ako magaling umarte pero alam kong mga member lang ng Theatro ang mapipili dahil magagaling na talaga sila.
"Let's go." aya nya sa akin.
Hindi na rin umimik si Chester sa akin. Naging tahimik kami hanggang sa makalabas ng gate ng school. Nagulat ako ng bigla syang bumaba ng hindi man lang nagpapaalam.
Sinundan ko ng tingin kung saan sya papunta. Pumasok sya sa may convenient store at ilang minuto lang ay bigla itong lumabas na may dala-dala.
Binuksan nya ang driver seat at naupo sa tabi ko. Inabot nya sa akin ang dala nya. Clueless man ako ay kinuha ko pa rin iyon kahit na nagtataka ako.
"Hindi ko alam kung anong gamit mong pad. Gusto mo ba mag-stop over muna tayo sa malapit na fastfood chain para makapagpalit ka?" malumanay na pagsasalita nya sa akin habang nag-seseat belt sya.
At that very moment, gusto kong maiyak. Gusto kong maiyak kasi bakit ganun sya? Inaway ko na lahat concern pa rin sya sa akin.
Napangiti ako ng silipin ko ang laman ng paper bag na bigay nya. Three brands ng napkin nga tapos may separate na paper bag na may cadbury chocolate.
Biglang nalusaw yung inis ko kanina. Gusto ko syang yakapin kaya lang nahihiya ako. Hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga kami.
We don't hold hands. We don't kiss.
Basta ang alam ko mahalaga kami sa isa't isa ngayon at ayos na sa akin yun dahil bawal pa rin naman akong mag-boyfriend at alam kong alam nya yun.
Kahit hinahatid at sundo nya ako, hindi ko syang magawang maipakita kina Mommy at Daddy kaya ang set-up namin ay lalampas sya ng konti sa village namin at doon ako bababa para maglakad naman papasok papunta sa bahay namin.
"Sorry, medyo nainis lang ako kanina." paghingi ko ng tawad sa kanya habang nakayuko ako.
"Okay lang kasalanan ko rin naman. Dapat alam ko limitation ko. Sorry hindi na mauulit."
"Hindi na ba tayo dadaan sa fast food chain? Baka gutom ka rin?"
Nakakainis! Bakit ang bait at concern pa rin nya. Lalo akong ma-fafall dito eh.
"Huwag na pero ikaw gusto mo bang kumain? Baka nagugutom ka na."
"Busog pa naman ako. Ikaw inaalala ko baka may gusto kang kainin."
"Okay na ako. Ayos lang ako." tipid akong ngumiti sa kanya.
"Thank you pala dito. Paano mo nga pala nalaman?" dugtong ko pa kahit nahihiya ako sa pwedeng maging topic namin.
Ang awkward! Hahaha ako pa talaga nagtanong ha? Jenica! Ano bang nangyayari sayo?
"Girls problem. PMS. Mas malakas pa nga ng toyo nyo kapag meron kayo eh." he smirked.
"Yabang mo! Once a month lang naman pati di naman dahil doon kaya ako nainis."
"Eh dahil saan? Sa akin ba?" tinigil ni Chester ang kotse malayo sa may village namin.
Mukhang gusto nya talagang mag-usap kami dahil nag-park sya sa medyo may tagong lugar kung saan hindi masyadong kita sa high-way.
"May reason ba?"
"Wala nga akong maalala eh kaya naisip ko na baka meron ka kaya ka nagkakaganyan. Kung ano man yang naiisip mo, pwede mong sabihin sa akin. Ayoko ng nagkakaganito tayo ng walang dahilan."
Chester held my hands at dinala nya sa mga labi nya. Ilang libong boltahe ng kuryente na naman ang dinala nito sa akin. Iba ang epekto ng isang Chester sa akin.
Napatango na lang ako at tinitigan ang ginagawa nya. Matapos ng halik sa likod ng palad ko ay agad nya itong binitawan.
Bumaba sya at umikot sa kabilang pintuan upang ako ay pagbuksan.
"Kung ano man yan. Willing akong makinig, okay? Gusto man kita ihatid sa inyo kaya lang baka di na ako makauwi nga buhay. Hahaha"
Napatawa din ako sa sinabi nya at nahampas ko sya sa braso.
"Ayan mas bagay sayo."
Pareho kaming napangiti sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes