Part 24

108 2 0
                                    

I guess back to normal na ang lahat. Pumapasok na rin si Micole at alam na rin ng barkada kaya ito ramdam ko na nagawa sila ng paraan para maging okey kaming dalawa.

Yes aaminin ko, I do miss my bestfriend. I really miss her na kahit sobrang sakit nang nangyari ay papatawarin ko pa rin sya. I understand her kung bakit nya ginawa yun at ramdam ko naman ang sincerity sa paghingi nya ng tawad at paghingi nya ng tulong kina Awra para magkabati kami at ngayon we're all back to each others arms.

"Best, ano na? Nagpaalam ka na ba kay Tita?"

Vacant period namin at naisipan kasi namin magplano kung saan pupunta during Sem-break. We decided to go to Enchanted Kingdom since bata pa kami the last time we went there at with families pa during our fieldtrips. Ngayon naman ay with friends kaya mas exciting.

Pumayag si Mommy pero dapat makauwi kami before 11 pm at kay Manong kami sasakay.

"Yes, pumayag si Mommy!"

Halos magtatalon kaming lahat kasi decision na lang ni Mommy ang hinihintay namin.

Sa lahat ng parents namin si Mommy lang ang medyo mahigpit pero siguro dahil na rin sa solong anak ako kaya naiintindihan ko naman sya.

"So, sa weekend kami pupunta sa inyo?" tanong ni Awra habang nagbabasa ng "Fifty Shades of Gray" na book.

"Ano ba yang binabasa mo?" tanong ni Louise.

"Naku! Wag kang magbabasa nito. Masama ito. Hahahaha" biro ni Awra kay Louise.

Nagtawanan silang magkakaibigan nang lumapit si Ram.

"I guess kasama si Jen kaya masaya ang lahat?" nakangiting bati ni Ram sa mga girls.

"Oo naman pero need namin magpunta kina sa Sunday para ipagpaalam sya ng maayos."

"Ram, sabay ka na sa amin. Hahatid at susunduin kami ni Manong." Invite ko kay Ram dahil alam ko na hindi ito papayagan ng Parents nya na magdrive unless isa sa amin ang sasabay sa kanya pero mukhang si Louise ay walang planong sabayan ang binata dahil baka tulugan lang daw nya ito.

"Naku girls! Sabay kami ni Chester sa Friday. Kawawa naman kapag walang kasama."

"Eh paano naman si Louise?"

Siniko ko si Awra. Ang tabil talaga ng dila ng baklang to.

"Natatakot yang sumabay sa akin. Hahahaha di ko naman ibubunggo yung sasakyan lalo na at sya kasama ko."

"Talande!!!" sigaw ni Awra at nagtilian kami sa kilig.

"Sana all!" di ko mapigilan ang sigaw ko.

"Oh? Akala ko kayo na ni Chester?"

Nagtataka siguro si Ram dahil noong mga nakaraang mga araw ay kasama ko si Chester pero dahil nga sa nangyari ay mukhang malabo na itong magkatotoo.

"Nagpaturo lang ako sa isang subject. Math kasi so medyo mahirap."

Palusot ko pero sana effective. Agad akong tumingin sa iba naming mga kaibigan upang magpasaklolo.

"Ah? Oo, ang hirap kasi ng isa naming subject. Buti sa inyo madali kasi mga soon to be Engineers kayo."

Sana lumusot. Nakuha agad ni Micole ang gusto kong mangyari. Bestfriend ko talaga sya.

"Akala ko pa naman pero bagay kayong dalawa. Boto ako doon. Bestfriend ko yun eh. Mabait yun tapos gwapo tapos matalino."

Pagbubuild up ni Ram kay Chester. Aminado akong totoo lahat ng mga yun pero wala eh. Characteristics matter.

"Baka naman kasi iba gusto ng bestfriend mo. Baka ako talaga ang gusto. Hahahaha"

Maaasahan talaga si Awra sa mga ganitong sitwasyon. Mukhang madidivert na sa ibang usapan ito dahil ayokong malaman ni Ram ang totoong nangyari dahil malaking gulo ito pagnagkataon.

"Awra, tigilan mo nga si Chester. Para kang ewan eh. Walang talo-talo. Hahahaha"

Ayan na nagbibiruan na ang dalawa. Konting push pa Awra. Matatapos din ang topic nyo about Chester.

"Awww! Ang sakit naman non friend. Oh sya! Ilakad mo ako sa other friends mo na varsity."

Nagtawanan kami dahil sa malanding sagot ni Awra kay Ram with matching pagtaas ng kilay pa ito.

"Awra, tumigil ka nga. I mean friend kita at ayaw lang kitang makitang masasaktan baka masapak ko pa sila kapag nangyari yun."

"Aawww! Sweet naman this baby boy."

Again nagtawanan na naman kami pero kidding aside ganun talaga attitude ni Ram, siya ang tumatayong tagapagtanggol kung sino man sa amin ang nasasaktan.

Kaya nga takot akong malaman nya ang tungkol sa amin ni Chester dahil baka magkagulo pa silang dahil kahit na mag-bestfriend sila ay never syang kumampi sa mali.

"So, sa Sunday Ram?" pag-iiba ko na ng usapan namin.

"Oo naman, pwede ko bang isama si Chester?"

"Aaahhh hhmmm i..kaw bahala."

Nauutal kong sagot kahit ayokong makita ang lalaking yun ay wala akong magagawa dahil mag-kaibigan ang dalawa.

Doon natapos ang usapan naming magkakaibigan para sa pagpapaalam nila kay Mommy at Daddy sa Sunday.

------------Sunday------------

"Jen, fix the dining table at baka mamaya mo biglang dumating mga kaibigan mo."

Ganyan si Mommy kapag darating mga kaibigan ko. Kapag di sya magluluto ay mag-oorder sya para makain namin.

Family na talaga turing nila sa mga kaibigan ko that's why ganun na lang din akong mahalin ng mga kaibigan ko.

"Mommy naman. Sanay na yung mga yun dito. Kaya na nila ng pagkuha ng mga spoon and forks." katwiran ko kay Mommy.

"Haaay naku! Kahit na! Bisita mo pa rin sila at gusto kong maayos na ang lahat pagdating nila."

Nagkibit balikat ako at tuluyan ng sumunod sa utos ni Mommy.

Ilang sandali pa ay biglang dumating sina Awra, Micole at Louise. Tumingin pa ako sa labas na tila ba may hinahanap.

"Hindi na raw makakasama si Ram. May laro kasi sila pero ang alam ko nakausap na daw sya ni Tita kagabi. Tinawagan nya at nagpromise na babantayan ka sa Friday baka daw kasi magtanan ka. Hahahaha" biro ni Louise sa akin.

Napasimangot naman ako pero agad ding tumawa.

"Baliw ka talaga! Hahaha tara na nga sa loob."

"Kunwari pa eh. Si Chester naman talaga hinahanap kaya lumingon sa labas." bulong sa akin ni Micole habang sinasabayan ako pagpasok ng bahay namin.

Tipid na lang akong ngumiti at sumunod sa kanila upang makausap si Mommy.

Naging maayos ang usapan naming lahat kasama si Daddy. Panay ang tawanan at kulitan ng mga kaibigan ko.

Siguro gusto rin talaga ng Parents nang maraming anak but unfortunately ay hindi natupad dahil sa seven na miscarriage nya nung nagbubuntis pa lamang sya ay ako lang ang naka-survive kaya ganoon na lang din ang pag-aalaga nila at pagprotekta sa akin which is okey lang sa akin.

Sobrang saya ko ng Sunday na iyon dahil makakasama ako sa gala naming magkakaibigan. Maaga akong nakatulog sa sobrang excitement para sa darating na Friday.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon