Part 11

102 5 1
                                    

Maagang nagising si Jenica at dumiretso sa dining area para sana sabayan ang kanyang Mommy sa breakfast.

Ngunit pagdating nya ay wala na ito. She asked one of their kasambahay.

"Ate Nene, nasaan na po si Mommy?"-Jenica.

"Naku maagang umalis dahil may biglaang meeting daw, hindi ba nakapagpaalam sayo?"

"Baka nagpaalam po tapos di lang ako nagising. Check ko na lang phone ko if may message. Thanks ate. Kain tayo." alok ni Jenica kay ate Nene.

"Mamaya na lang hija sabayan ko na lang sila Nanay Perla at Kuya Andoy (driver nila Jenica). Pabalik na rin siguro yun. Sinabihan kasi na hahatid ka pa daw sa school eh."

"Ah, ganun po ba. Sige po. Salamat ate." nagsimula ng kumain si Jenica nang mapansin si Ate Nene na nasa gilid nya.

"Bakit po?"

"Wala naman. Aga mo lang kasi laging nagigising." nagtataka si Ate Nene dahil kadalasan ay 5:00 am ito nagising dahil 7:30 pa naman first subject nya at medyo malapit lang naman sya sa kanilang school.

"May inaayos lang po sa school ate." tipid na ngumiti si Jenica sa kasambahay.

Umalis na si Ate Nene pagkatapos ng konting pag-uusap nila. Totoong may aayusin sya sa school pero hindi school works kundi ang kanyang lovelife.

Need nya makausap ng kanyang mga kaibigan bago sila magdecide sa gagawin sa mecklace pero kung sya ang tatanungin ay gusto na nya itong isauli kay Chester.

Natandaan nya pa kagabi bago sya matulog ay nakareceive pa sya ng text galing kay Chester. Nangangamusta ito at sinabihan syang wag magpupuyat at matulog ng maaga.

Nakakakilig sana kung alam nyang kikilos ito na parang maayos na panliligaw pero parang bigla syang na turn-off dito dahil sa pangyayari. Hindi na din nya nagawang magreply sa binata bagkus ay natulog na lang sya.

Maaga syang dumating sa school at nagderecho sya sa tagpuan nilang magkakaibigan, sa isang garden kung saan din sila nag-usap ni Chester.

Naupo muna sya saglit. Sa kalaliman ng kanyang pag-iisip ay hindi nya napansin ang pagdating nila Ram at Louise.

Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa dahil hindi na nagshashare ng kung anu-ano about sa lovelife si Louise sa facebook account nito at napansin din nyang hindi na masyadong nalingon or interested si Ram sa ibang mga babae.

Mabuti pa ang kanyang mga kaibigan, natagpuan na ang isa't isa. Sya kaya, kailan?

"Hooyyy! Lalim ha?" siko ni Louise kay Jenica para mapansin sila ni Ram.

"May iniisip lang." kibit balikta ni Jenica.

"Ohhh sya, punta na muna ako sa klase ko at baka nandoon na mga groupmates ko. Text ka na lang mamaya Louise para makasabay ako sa lunch. Ikaw naman Jen, wag mong masyadong dibdibin at panigurado akong mahal ka din noon." kumindat pa si Ram sa kanya bago umalis.

"Loka talaga yun. Promise sis, di ako nagkukwento sa kanya." taas pa ang kanang kamay ni Louise na para bang nangangako kay Jenica.

"Hahaha baliw. Alam ko naman. Nagulat lang ako sa last sentence nya. Anyway, malapit na daw ang dalawa."-Jenica.

"About ba saan yan? Hindi ka naman magpapameeting ng ganitong kaaga kung wala lang diba?" curious na tanong ni Louise.

"Is it about Chester?"-Louise.

"Oo pero mamaya na natin pag-usapan kapag nandito na ng dalawa." sagot ni Jenica at muli na namang tumingin sa malayo.

Ilang sandali pa ay magkasunod na dumating sina Awra at Micole.

"Sorry bumili lang ng breakfast." tila hapong-hapo si Awra nang dumating ito.

"May kinausap lang akong kakilala." tipid naman ang ngiti ni Micole sa kanilang tatlo.

"About saan ba itong pameeting bakla?" panimula ni Awra.

"About sa necklace. Di ba nakausap ko sya kahapon na para sa akin daw talaga yung necklace. Syempre, natuwa ako at kinilig." panimula ni Jenica.

"Sabi ko na gusto ka rin non." singit ni Awra.

"Di ko alam kung gusto nga ako pero bigla syang may tinanong sa akin." Kinuha ni Jenica ang box sa loob ng kanyang box.

"Nagpropose na agad?" gulat na tanong naman ni Louise.

"Hindi pero parang ganun na nga." hindi malaman ni Jenica kung paano ieexplain ang lahat.

"Waaahhhh! Bakla! Haba ng hair mo." tili ni Awra.

"Sabi ko na. I knew it." tili naman ni Louise.

Si Micole ay tahimik lang na nakikinig sa usap nila.

"Pero kasi ito oh." kinuha ni Jenica ang note sa loob ng box na regalo ni Chester sa kanya.

"Ano'to?" nagtataka man ay inabot ni Awra ang papel at nakisingit na rin sina Micole at Louise.

"Ohhh my G! Bakit naman sya ganun?" naiiling na sabi ni Louise pagkabasa sa sulat.

"Baka naman di marunong manligaw?" sagot ni Awra.

"Pwde din."-Micole.

Sa tagal nilang magkakausap iyon lang ang tanging nasabi ni Micole sa nangyari.

"Pero bakla kasi diba laking US na sya kaya baka ganun na din mindset nya."-Awra.

"Anong laking US? Eh mas lamang pa rin yung laking Pilipinas nya no? 6 years lang yata sila doon." sabat naman ni Louise.

"Kahit na. Doon sya nagmature or doon say nagbinata kaya maybe naadopt nya yung ganung way ng panliligaw. Eh di ba may naging girlfriend sya sa US?" pilit pinag-iisap ni Awra nang conclusion ang mga pangyayari.

"Mabilis lang naman daw at pati yung girl naman daw nanligaw sabi ni Ram baka di rin seryoso kasi di nagtagal eh." kwento ni Louise base sa kwento sa kanya ni Ram.

"Tapos ikaw ang gustong seryosohin? Ayieee! Landiii beh. Dalaga ka na talaga." tili ni Awra.

"Bakit parang di ka masaya?" nagtatakang tanong ni Louise. Alam kasi ng dalaga na ultimate crush ni Jenica si Chester bata pa man sila.

"Masaya ako. Kinikilig pa nga ako. Pero hindi naman ako easy to get na papayag sa gusto nyang mangyari. Ang dating kasi sa akin ayaw nya maghirap? Dalagang Filipina pa rin naman ako na dapat suyuin. Kahit na ba na gusto ko sya, hindi naman basta ganun ang pagsagot na para bang binili ka lang nya." malungkot na sabi ni Jenica.

"Oo nga." lumapit si Louise kay Jenica at niyakap ang kaibigan.

"Anong balak mo?" tanong ni Awra na tila ba nagets ang pinopoint out ni Jenica sa pangyayari.

"Isosoli ko ito. Kung di rin naman nya kayang magpakalalaki sa panliligaw, I guess he doesn't deserve me to be his girlfriend."-Jenica

Inayos ni Jenica ang box at binalik na sa kanyang bag. Tumayo na silang magkakaibigan at nagpunta na sa kanilang classroom.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon