Sobrang enjoy namin lalo na ako ang remaining time namin sa Enchanted Kingdom at nandito na kami sa second to the last ride ang Rio Grande Rapids kung saan nasa isang malaking salbabida lang kami at ihahampas ito sa malalaking alon paikot sa buong area.
Nakapila kami ng biglang magsalita si Chester.
"May dala ka bang extrang damit?"
"Yup, my another extra pa ako. Napag-usapan na namin ito nila Awra."
"Good! Akala ko kasi wala. Papasama sana ako sayo na bumili ng extra shirt, yung same tayo parang couple."
Nasamid ako bigla kahit wala naman akong iniinom or kinakain. Sobrang bilis talaga ng galawan ng lalaking ito.
Napatingin ako sa kanya at nag-smile sya sa akin.
I can't resist him talaga and hindi pa ba kami couple ng lagay na yun eh nahalikan na nga mya ako.
Tumango na lang ako sa kanya ng makita ko na parang maghihintay sya ng isasagot ko.
Isa-isa kaming sumakay at nang turn ko na ay bigla nya akong hinawakan sa kamay upang alalayan sa pagsakay.
"Sana all!" irap ni Awra sa akin.
Napabitaw naman ako kay Chester dahil pinagtitinginan na kami ng mga kaibigan ko.
Nagsimula ng umusad ang rides at bawat tilapon at bangga nito ay nababasa kami ng tubig. Panay ang sigaw naming lahat. Bahala na kung mawalan ng boses pero sobrang saya talaga nang araw na ito.
Ilang minuto pa ay natapos na ang ride. Agad nagpaalam si Chester sa mga kaibigan ko kung pwede akong isama dahil may bibilhin lang daw sya. Baka ito na ang tinutukoy nya na couple shirt.
Bumalik kami sa may Ghostbuster Adventure kung saan malapit ang mga souvenir stores.
Naunag pumasok si Chester para pagbuksan ako ng pinto. Ilang minuto syang nagpaikot-ikot habang ako naman ay tahimik lang na sumusunod sa kanya.
"Anong gusto mong kulay?" tanong nya sa akin pagtapat namin sa isang simpleng t-shirt na may nakalagay na "The Magic is here".
"Ano bang available? Ikaw?" balik tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang gusto ko kesa sa T-shirt na ito." banat ni Chester sabay tingin sa akin.
Ramdam ko pag-akyat ng dugo ko sa aking pisngi. Sobrang init ng pakiramdam ko at alam kong sobrang obvious ng pamumula ko dahil sa maputi ako.
Agad akong nagbuklat sa mga naka-fold na damit kunwari ay busy ako sa paghahanap ng ibang kulay.
"Ito, sukat mo tapos ito sa akin." inabot ni Chester sa akin ang isang black shirt na may design na gusto nya. Same nga kami ng damit. OMG! Couple shirt it is!
Tinago ko ang kilig ko at nagmamadali akong nagpunta sa fitting room. Pagpasok ko sa fitting room ay di ko na naitago ang kilig na nararamdaman ko.
"Waahhh! Couple shirt?" pigil ang kilig ko at napasandal pa ako sa wall ng fitting room para akong pusang di mapaihi sa sobrang kilig.
Laking gulat ko ng magkasya sa akin ang binili nyang t-shirt. Sobrang bagay sa akin dahil na rin siguro sa maputi ako kaya mas lumutang ito dahil color black ito.
Lumabas ako at nakita ko sya sa may kabilang area ng store na busy sa pagtingin-tingin. Suot na rin nya ang t-shirt. Di ko maalis sa isip ko ang kilig dahil nga pareho kami ng suot dalawa. Bahala na mamaya kung anong isipin ng mga kaibigan namin.
"Chester" tawag ko sa kanya ng di nya ako namamalayan na lumapit sa kanya.
Sandali nya akong tinitigan at agad naman syang napangiti ng makita nya ako.
"Bagay pala sa'yo. Bagay naman lahat sa'yo pati nga tayo bagay eh."
Napatingin ako saglit kay Chester at napatingin din sa may counter kung saan may babaeng tila ba kinilig din.
"Para kang baliw." saway ko sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo?" tanong nya sa akin.
Hinahamon talaga ako nitong lalaking ito eh. Palibhasa alam nyang gusto ko sya.
"Gusto." nahihiya kong sagot.
Muli syang napangiti sa akin.
"I love it when you're blushing, Love." agad nya akong inakbayan papalapit sa kanya at nagbayad na sya sa counter.
Hindi ko magawang kumawala sa pagkakaakbay nya pero ng matanaw namin ang aming mga kaibigan ay sya na mismong umiwas.
"Ayoko lang asarin ka nila at gusto pa rin naman kitang ligawan." Bulong ni Chester sa akin at lumapit kay Ram sabay akbay.
"Bilis mo brad. Hahahaha" biro ni Ram kay Chester ng mapansin nito na pareho sila ng damit.
"Baliw. Tara na kumain para pagbalik natin ay fireworks display na." saway ni Chester kay Ram.
Muling lumapit sa akin si Chester at bumulong.
"Sorry, di ko napigilan si Ram." paghingi ng tawad sa akin ni Chester.
Tumango lang ako at sumunod sa mga kaibigan ko na naunang lumabas ng Theme Park.
Kumain kami sa isang Korean Restaurant sa malapit lang sa Enchated Kingdom. Nagmadali na rin kami para makakuha ng magandang pwesto para sa firework display.
Tamang-tama ang dating namin dahil nagsisimula ng magkumpulan ang mga tao sa may gitna ng Theme Park. Kanya-kanya na kami ng puwesto pero magkakasama pa rin kami.
Katabi ko si Micole sa aking kanan, katabi naman nya si Awra. Sa kaliwa ko ay si Louise at sa likod naman namin ay sina Ram at Chester.
Nagsimula na ang firework displays at agad akong napatingala sa langit. Kasabay ng pagsabog ng parang mga bituin sa langit ay ang kabog ng aking dibdib.
Ramdam ko na nakapatong ang baba ni Chester sa aking ulo at umakbay din ito sa akin.
Umiwas ako ng bahagya dahil baka makahalata ang mga kaibigan namin kahit wala pa man kaming inaamin sa isa't isa.
Maya-maya pa ay may dumikit sa aking kanang pisngi at mahinang bumulong si Chester nang "I love you".
Kasabay nang muling pagliwanag ng langit ang kislap ng aking mga mata dahil sa aking narinig. Hindi ko magawang lingunin sya at dahil baka sa sobrang lapit ay magkadikit na naman ang aming mga labi.
Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamasayang araw ko. Hindi pa man klaro ang nararamdaman namin sa isa't isa ay pakiramdam ko na doon din mauuwi ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes