It feels like years, parang ang haba ng Christmas vacation. Gusto ko na hilahin ang mga araw para makabalik na kami sa Pilipinas. I miss my friends and also him although my communication naman kami pero iba pa rin talaga na nagkikita kayo personally.
It's Christmas Eve here in Paris. Kumain lang kami sa restaurant sa baba and after that we exchanged gifts nila Mommy and Daddy.
Nasa isa kaming five star hotel in Paris, the city of Love. Mula sa aking kwarto tanaw mo ang famous Eiffel Tower.
Philippines is seven hours ahead sa Paris, for sure gising na ang mga kaibigan ko or yung iba tulog pa dahil magkakausap pa kami kaninang umaga. Nauna na silang bumati sa akin at ngayon naman ang turn ko since my time interval.
Isa-isa akong nag-leave ng message at hinuli ko si Chester. Nakita kong na-seen nya agad ito at kumabog ang puso ko.
Nagulat pa ako ng nag-pop up ang video call request nya. Buti na lang nasa kwarto na ako at siguro ay natutulog na din sina Mommy or kundi man ay busy din sila sa kakausap sa mga relatives namin sa Pilipinas to greet them.
"Hi Love, Merry Christmas." his husky vocie filled my senses.
Sobrang miss ko na sya kahit hindi ako sure kung ganun din ba sya sa akin.
"Merry Christmas din. Kumusta?" bati ko sa kanya.
He flashed his makalalag panty nyang ngiti.
"Miss na kita."
He suddenly changed his expression from being lively to sadness. Real quick.
"Me too." tangi ko na lang nasagot.
"How's Paris?"
"Sobrang ganda dito. I must admit na isa ito sa mga babalikan kong lugar."
"With me?" he asked.
"Yes, with you." I smiled.
"I wish you were here." I sighed.
"Someday Love. Pupuntahan natin lahat ng mga lugar na gusto mong puntahan." He smiled.
Ayan na naman sya. Hindi tuloy ako makatingin ng derecho kahit na nasa cellphone sya. I feel the butterflies in my stomach.
"How's the play?" I suddenly asked.
"Great. Konti na lang Love. Sana nga ikaw na lang si Laura. Manood ka ha?"
Tumangon ako. Hindi na naman nya need sabihin yun dahil susuportahan ko naman talaga sya kahit doon man lang kasi nga wala ako sa tabi nya sa mga panahong nagrerehearse sya.
Napag-usapan na naman namin ito at he understand naman daw since kahit sya rin I need magbakasyon but still hindi nya nagawa.
Nag-catch up pa kami sa mga nangyari sa amin buong magdamag hanggang sa nagpaalam na sya dahil kailangan ko na daw matulog dahil madaling araw na.
Nakatulog ako nang may baong ngiti sa mga labi. Kahit malayo kami, I feel his love. I've decided ipapakilala ko na sya kina Mommy and Daddy after the play.
New Year's Eve
Naging busy ang lahat maging kami. Nandito kami mismo sa may Eiffel Tower to witness the countdown and the celebration here.
Sobrang saya ko. I posted pictures in my instagram and visit the stories of my friends. Derecho yun until napadpad ako sa IG story ni Claudia.
"New Year with you ❤" nakatalikod sya kasama ang isang lalaki. Hindi ako pwede magkamali dahil kilalang-kilala ko sya kahit nakatalikod pa.
Kasabay ng countdown ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kausap ko pa sya kanina and how come magkasama pala sila habang nagvivideo call kami? Alam ko wala akong karapatan pagbawalan sya kung sino man kasama nyan pero yung story na ganon at caption na ganon ay parang mali.
10... I continued watching Claudia's stories.
9... Bakit hindi nya sinabi sa akin?
8... Paano nangyari ito?
7... Puro nakatalikod ang mga pictures.
6... Parang stolen pictures na nakatalikod pero alam mong masaya sila.
5... May picture pa na parang hinahampas nya pa ang lalaki sa picture.
4... Dahil sa hampas na yun nag-side view si... Chester?
3... Sure ako na si Chester nga ang kasama ni Claudia sa pictures.
2... Unti-unting naglandas ang mga luha ko sa aking mga mata.
1... Happy New Year! Sigaw ng mga tao sa paligid ko.Napatingala ako hindi upang tingnan ang mga firework display sa langit kundi pigilan ang mga luha kong walang tigil sa pag-luha.
Ang ganda ng langit. Ang ganda ng mga ilaw. Ang ganda naman ng pa-New Year nya sa akin. Ang sakit!
Pagkatapos ng mga firework display ay ang pagkatuyo ng mga luha ko sa akin mga mata. Pigil ang luha ko pero ang bigat sa dibdib ay nandoon pa rin ng mag-aya na si Mommy bumalik sa hotel dahil may reservation ulit kami sa may restaurant na malapit doon.
Wala akong gana kahit na mukhang masasarap ang pagkain sa harapan ko. Alam kong napansin ako nila Mommy and Daddy kaya tinanong nila ako.
I lied. Sabi ko masakit ang ulo ko kahit hindi naman. Dahil doon ay nagmadali na kaming umalis at bumalik sa katabing hotel kung saan kami nag-stay.
Pinilit kong matulog dahil flight na namin mamayang after lunch. Nakapamili na rin kami ng pasalubong at halos nalibot na namin lahat ng tourist spots sa buong city.
Ang saya ng bakasyon na ito. Sobrang na-enjoy ko kundi lang sinira nya. Sinira nilang lahat.
Fourteen hours din kami sa eroplano. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa. Naglalaro pa rin sa isip ko ang mga pictures na yon.
Hindi na ako nagparamdam kahit sa group chat namin or kahit na sino sa kanila. Gusto ko munang mag-isip ayokong pangunahan ng selos or ano pa man kahit na sobrang sakit.
Hindi ako nagkwento kahit na kanino sa kanila kahit ang oras ng pagdating ko sa Pilipinas ay walang nakakaalam.
I turned off my phone paglapag ko ng Pilipinas. Derecho ako sa kwarto ko pagdating ng bahay. Nagkulong ako. Ayokong makarinig ng kahit ano. Gusto kong mapag-isa.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kaya ba sinabi nya na sana ako na lang si Laura dahil nahuhulog na sya kay Laura sa play?
I overthink. Ang daming naglalaro sa isip ko. Ayokong magpakita sa kahit na sino kahit sa mga kaibigan ko. I feel betrayed dahil sa mga picture. Wala man lang nagsabi? Impossibleng hindi nila nakita ang IG stories na yun dahil alam kong plano talaga itong ibulgar ni Claudia kaya alam kong hindi ito naka-hide sa kahit na sino sa amin ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes