Kinabukasan ramdam ko pa rin ang mga nangyari kahapon. Kung paano nasira ang pagkakaibigan namin ni Micole sa ganung paraan.
Sana pala hindi ko na lang pinagdasal na mangyari ang lahat ng ito. Hindi sana magkaibigan pa rin kaming dalawa.
Sana pala noong una pa lang hindi ko na tinanggap yung bracelet at binalik ko na lang ito. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
"Kasalanan ko. Kasalanan ko." Paulit-ulit kong sigaw sa aking isipan.
Biglang nagtext si Chester, simula pa paggising ko I ignored his text messages. Masyado akong nasaktan sa way nang pagpapakita nya ng pagmamahal sa akin.
Hindi sa ganung paraan ko gustong magmahal. Ayoko ng gumagamit at nanloloko ng mga tao para lang sa sarili kong intensyon.
Pumasok ako sa school ng pugto ang mga mata ko. Wala ang bestfriend ko. Balita ko hindi sya pumasok dahil may sakit nga daw.
"Excuses." bulong ko sa isip ko.
Hindi ako nagkukuwento kina Awra at Louise dahil ayokong magalit sila kay Micole. Kaibigan at bestfriend ko pa rin sya.
Panay ang kulit sa akin ng dalawa nang nasa canteen na kami.
"Hooyy bakla! Ano bang nangyayari?" sita sa akin ni Awra nang wala akong imik.
"Alam mo nakakainis ka. Alam ko connected ito kay Chester." singit naman ni Louise na busy sa kakatext.
"Wala nga at please don't tell to Ram ha?" natatakot ako na baka magsuntukan ang dalawa. Kilala ko si Ram, simula childhood days namin sya ang tumatayong kuya ko since solong anak lang ako at ganun din sya sa lahat sa aming magkakaibigan. Ayaw na ayaw nyang makikita kaming nasasaktan.
"Sabihin mo na kasi, sige ka sasabihin ko na sa kanya."
"Anong sasabihin? May problema ba kayo girls?" napaangat ako ng tingin sa kadarating lang na si Ram at kasama si Chester.
Mukhang hindi ko sya maiiwasan dahil bestfriend nga pala ito ni Ram.
"aahhh siii Micole. Oo, tama si Micole may sakit daw." buti na lang nakakuha ako ng alibi.
"Bakit nga palaging ganun yun? Nadalaw nyo na ba?" tanong ni Ram na umuupo sa tabi ni Louise at si Chester naman sa tabi ko dahil ito na lang ang bakanteng upuan.
"Nadalaw ko na sya kahapon." maagap kong sagot.
"Bakit di mo sinabi sa akin para nasamahan kita?" nakatuon ang attention ng lahat sa akin nang magtanong si Chester.
"Mabilis lang naman ako at nagmamadali lang din ako."
Natapos ang lunchbreak na hindi kami nag-uusap ni Chester. Sobra akong naiinis sa kanya. How come na parang wala lang sa kanya ang lahat?
Last subject for today, inaayos ko na mga gamit ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Can we talk?" bungad nang tumawag sa akin walang iba kundi si Chester.
"For what?!" hindi ko na napigilin ang emosyon ko sa sobrang inis sa mga nangyayari.
"Papunta na ako dyan and please listen to my explanations."
Ramdam ko ang pagsusumamo nya na makinig ako sa kanya.
"Okey." tanging sagot ko. Gusto ko rin naman marinig ang kanyang side kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Nagpaalam ako kina Louise at Awra at dumeretso sa isang cafeteria na malapit sa school.
Pagdating ko doon ay nakita ko si Chester na mukhang malalim din ang iniisip.
Mula sa malayo ay gusto kong tumakbo palapit sa kanya. Yakapin at halikan sya na parang isang tunay na girlfriend sa naghihintay nyang boyfriend dahil medyo natagalan sya.
Pinaling ko ang aking ulo para mabura yung mga naiisip ko. Lumapit ako kay Chester na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"I'm sorry." ayun agad ng bungad nya sa akin paglapit ko.
Tumayo sya para paghila ako ng upuan at tska tinuloy ang kanyang sasabihin.
"I'm sorry kung nadamay pa si Micole dito. I planned all of these Jen. Hindi ko kasi alam kung paano ka ligawan. I mean, alam ko bawal ka pang ligawan. I'm scared that I might lose you if hindi ko gagawin ito sa mabilisang paraan."
May lungkot ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
"Ang sakit lang kasi bakit need mong gawin yun? Gamitin ang bestfriend ko. Ang paikutin ako?"
Naiiyak na ako. Konti na lang papatak na ito pero pinilit kong pigilan dahil ayokong makita nya na nasasaktan ako nang dahil sa kanya.
"I'm sorry. Alam ko I don't deserve your forgiveness dahil sa panloloko ko sa'yo but believe me, mahal kita. I love you Jen. Hindi ko lang alam talaga kung paano yung tamang way dahil bawal pa at dahil kakakita pa lang ulit natin. Pero bata pa lang tayo ikaw na talaga eh. Akala ko nga nawala nung umalis kami pero pagbalik ko, wala eh. Ikaw at ikaw pa rin talaga."
Nakita ko pagtulo nang mga luha sa kanyang mga mata.
"I'm sorry for all the pain that I've cause you. Kahit wag mo na akong patawarin pero si Micole? Sobrang mahal ka ng bestfriend mo. Sana mapatawad mo sya kasi ako naman talaga ang may plano lahat ng ito. About sa bracelet, nasa akin na ito. Hayaan mo hindi na kita guguluhin pa. I'm sorry ulit."
Buti na lang at nasa pinakadulo kami at walang masyadong tao doon para makakita at makarinig ng aming pinag-uusapan.
Wala akong imik. Nakatingin lang ako sa kanya na pilit inaabot ang aking mga kamay subalit iniwas ko ito. Sobrang sakit. My first heartbreak.
Tumayo na si Chester nang hindi ako nagsasalita. He offered me na ihatid ako bilang gentleman at kahit for the last time daw but I refused it.
Tuluyan na akong iniwan ni Chester. Ramdam ko ang sakit sa part nya. Hindi nya alam kung paano iexpress ang pagmamahal na meron sya. Maybe siguro ganun sa US na minsan babae ang nanliligaw dahil sa culture na rin nila siguto doon.
Naiwan ako sa lugar na iyon at doon bumuhos lahat ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.
I lost my bestfriend and I lost my first love.
Pigil ang hikbi ko at pinunasan ang mga luha ko at tahimik ko na ring nilasan ang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes