Part 17

102 3 0
                                    

Excited na si Jenica dahil today is the day na maibabalik na nya ang bracelet kay Chester.

Masayang malungkot pero wala na syang choice kasi mas naiipit sya sa sitwasyon nila.

Nagmamadali syang bumaba dahil need pa muna nilang magsimba pagkatapos ay tsaka na sila pupunta sa mall. Ganun lagi ang set up nila every Sunday to thank God first for all the blessings tapos family bonding after.

"Excited na ba ang baby ko?"

Si daddy agad ang una kong nakita pagbaba ko ng hagdan.

"Yes Dad. Good morning." I giggled habang lumalapit ako upang humalik kay Daddy.

"Where's Mom?"

"Ayan na sya. Nauna ka lang dahil siguro sa sobrang excitement mo. By the way anak, what's this buy, that your going to buy?"

Palabas na kami ngayon ng bahay. Exactly 5 am in the morning sobrang aga pa pero gusto naming makaabot sa mass at makaupo sa magandang puwesto.

"Dad, sorry I know medyo expensive ito pero sobrang gusto ko po sya. Pretty please."

Agad kong pinakita kay Daddy ang cellphone ko na may picture ng necklace na bigay ni Chester. Buti na lang pala napicturan ko ito.

"Hhmmm ang ganda naman pala. With the price, anything for my daughter bibilhin ko."

Nag-smile si Daddy at feeling ko he'll save me for this situation.

Si Mommy naman nakikinig lang sa side and naka-smile sa amin ni Daddy. Kaya mahal na mahal ko parents ko kasi they give me everything I need except ang payagan mag-boyfriend. Haaayyy.

"Shall we?"

Nag-aya na si Mommy na umalis na kami. Gamit namin yung car ni Mommy. Si Daddy sa driver's seat. Si mommy sa tabi ni Daddy at ako naman sa likod.

Sobrang saya ko lang at ganito ang buhay ko until nangyari ang naging sitwasyon namin ni Chester.

Dati sobrang pangarap ko ang mapansin nya. Oo, pinapansin nya ako dati pero playmates lang kami at bihira ko din sya makita since puro boys ang kasama nya while ako ay puro girls lang.

Tumagal ang admiration ko sa kanya hanggang sa lumalaki na kami and nung time na nakausap ko na medyo serious, ayun na pala ang last dahil magpapaalam na sya at pupuntang US.

After ilang years, he's back at bigla na lang nagulo ang mundo ko lalo na noong naging partner ko sya sa aking debut.

Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko noon. Sobrang lakas maka-fairytale ng mga pangyayari.

"Mukhang may mauupuan pa tayo at wala pa masyadong naka-park."

Inaayos ni Daddy ang pagpark ng aming car habang nakatingin ako sa labas ay may nakita akong familiar figure na papalabas sa kanyang car at maya-maya pa ay umikot ito sa kabilang car door para pagbuksan ito.

Nakita kong lumabas ang isang babae at nagtanggal ng kanyang shades. Ang ganda nya, nakakatulala at kung kumilos ay napaka-firm and proper.

All of sudden biglang napalingon ang babae sa may side nila at nag-smile ito sa kanya.

Hindi nya malaman ang gagawin kaya napa-smile na rin sya dito. Agad lumapit ang dalaga kay Chester at tila may binulong. Natawa ang binata at agad lumingon sa side nila agad naman syang nag-iba ng tingin.

Nag-aayos na sila upang pumasok sa church nang lumapit ang binata sa kanila.

Chester greeted my parents at ako na rin syempre.

"Good morning po Sir, Ma'am and Jen."

Ang gwapo ni Chester, wala sa itsura nito ang manggagago at parang ang sarap talaga nitong magmahal at mahalin.

"Good morning hijo. Ikaw diba yung partner ni Jen nung debut?"

"Yes po Sir."

Napangiti ng tipid ang binata dahil nahihiya siguro ito sa parents ni Jen.

"Huwag mo na akong i-Sir just call me Tito. See you sa loob ng church. Una na kami."

Ngumiti si Daddy and tap the shoulder of Chester while Mommy naman ay ngumiti rin kay Chester pero agad lumingon sa akin.

"Sumunod ka agad."

Bulong ni Mommy at sumabay na kay Daddy papasok ng church.

"Kamusta?" nahihiyang simula ni Chester kay Jen.

"Okey naman ako. Pasok na ako sa church ha?"

Bago pa ako makaalis ay may lumapit kay Chester isang sobrang gandang bata. I think 7 years old lang ito.

"Say hi to ate Jen."

Sabi ni Chester habang karga si Sola at nakatingin kay Jen.

Kung titingnan mo ay mukha silang family na sisimba ngayon.

"Hi ate, I'm Sola. Kuya Chester's baby girl." Sola giggled and wave her right hand to Jen.

Parang nalusaw naman ang inis nya pagkakita sa bata. Sino ba naman hindi matutuwa dahil sa sobrang pretty and adorable ng batang ito?

"Hello Baby."

Suddenly she's seeing her smile na sobrang ngiti dahil kay Sola.

"You must be ate Jen, yung nagdebut? Yung crush ni Kuya? Diba kuya?"

Agad namang napatingin ako kay Chester at napatulala. Ako? Crush din ni Chester? Hhmmm wait!!! Kailan pa?

Oo, crush ka nyan at gusto ka nga nya maging girlfriend diba? Remember the necklace?

Parang biglang natauhan si Jen. Hindi sya pwdeng kiligin dahil naiinis nga pala sya dito.

"Sshhh baby. Sorry Jen madaldal lang talaga itong kapatid ko."

Chester apologized to her. Anong meron?

"Una na kaming pumasok. Sorry talaga."

Bakit nagsosorry yun? Dahil ba nabuko sya na may crush din sya sa akin? Labo ng boys ah?

Sumunod na ako sa kanila pagpasok ng church. Nakita ko rin mga friends ko pero syempre I just wave my hand. Kailangan huwag kaming maingay dahil nakakahiya sa mga tao and sign of respect na rin kay Lord.

Nakita ko na nagpunta sa right side sina Chester at yung cute nyang kapatid. Ako naman ay sa left side, since medyo mas nasa unahan sila Chester ay tanaw ko ang pinag-gagagawa nya.

Nakita ko na kinuha nung girl kanina si Sola at inayos ng damit nito. Ang firm and proper nyang kumilos. Sobrang nakakaamaze sya.

Di ko namalayan na sa kanya na lang ako nakatingin at nagulat pa ako ng hawakan nya ang pisngi ni Chester at parang may pinahid sa labi nito.

Di ko alam ang nararamdaman ko sa araw na ito. Para akong napaso at may kung anong sumaksak sa puso ko. Agad akong nag-iba ng tingin.

Buti na lang at magsisimula na ang mass at nagfocus na lang ako kay God.


The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon