Part 35

105 3 0
                                    

Lumabas na ang program for the upcoming Foundation Day. It is a 3 day event sa school kaya naman ahead pa sa dates na iyon ay nag-exam na naman kami.

Di na ako tinetext ni Chester dahil siguro sa tinatamad din ako sa mga reply ko sa kanya. Mabuti nga yun at hindi kami nag-uusap dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Wala man lang explanation sa nakita ko kunsabagay di ko naman tinatanong sa kanya about doon para mag-explain sya.

"Best! Lalim ng iniisip ah?" siniko ako ni Micole na di ko namalayan na nasa tabi ko na pala.

"Ready ka na para sa ball?" tanong nya agad sa akin.

"Wala pa akong masusuot, ikaw ba?" balik tanong ko.

"Gusto mo hanap tayo mamaya after class?"

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Micole. Sobrang tinatamad lang ako buong maghapon.

"Nakita nyo ba si Jen?" tanong ni Chester sa mga kaibigan ko.

"Alam ko nasa mall sila eh." sagot ni Louise na siniko ni Awra. Nagulat naman si Louise dahil sa banggit kung nasaan ako.

"Huwag mo na sundan kasi naghahanap sila ng damit ngayon para sa ball." salo ni Awra.

"Oo nga pala, malapit na ang ball. Guys, pwede ba humingi ng favor?"

"Oo naman basta para sa inyo ni Jen."

Binaggit ni Chester ang plano nya para mainvite si Jen for the upcoming ball. Kinilig ang dalawa dahil sa idea na yun and hopefully maging successful lalo na ngayon na di nag-uusap ang dalawa.

"Nasaan na kayo?" bungad agad ni Awra ng sagutin ko ang phone.

"Nasa mall pa. Bakit?" I answered while looking for a ball gown sa isang sikat na boutique sa metro.

"Okay. Ingat kayo. Gusto nyo sumama ako ara makahanap ka ng magandang gown?" alok ni Awra sa akin.

Why not? After all, magagaling talaga sa mga ganito event ang katulad ni Awra.

Ilang ikot pa at nagutom kami ni Micole. Nagpunta kami sa isang coffee shop at doon na hinintay si Awra.

"Awra!" tawag namin ni Micole sa kaibigan namin na papasok sa coffee shop.

"Ano? Nakahanap na ba kayo ng damit?" tanong agad nya pagkaupo pa lang.

Nag-offer muna ako ng food sa kanya saka nagsimulang magkwento. Actually may nagustuhan akong isang lilac gown na tube kaya lang feeling ko sobrang bongga nito.

After naming kumain ay bumalik kami sa shop at agad pinakita kay Awra ang nagustuhan kong damit.

"Yes ma'am? Kukunin nyo na po ba?" tanong ng sales lady na nag-assist sa amin kanina.

"Hhhmmm? What you think Awra?" nag-aalangan kasi ako kung kukunin ko pero two weeks na lang kasi before the Ball at wala na akong time para magpatahi pa.

"Sukat mo nga ulit." binigay sa akin ang damit ng sales lady at agad kong kinuha at nagpunta ng fitting room.

Paglabas ko ay napa-wow si Awra sa kanyang nakita.

"Ganda mo bakla! Kaya lalong naiinlove sa'yo si Chester eh."

"Don't say bad words." comment ni Micole.

"Luh! Parang di nya tinulungan dati si Chester oh?"

"Dati yun. Pati huwag na natin pag-usapan yun." sagot ko at pumasok ulit sa loob ng fitting room.

Naiinis pa rin talaga ako kay Chester. Ang tagal naming walang communication. Hindi man lang nagtatanong kung kamusta na ba ako or what. Lagi na lang play ang nasa isip. At di man lang nagawang iexplain ang nakita ko sa IG.

Paglabas ko nandoon pa rin si Awra na medyo tahimik at mukhang may iniisip.

"Sinong partner mo sa Ball?" Awra asked me.

"Si Mommy daw bahala." hindi ko binanggit na pinsan ko ang kapartner ko. Gusto ko kasing malaman kung magseselos si Chester at sana naman may gawin na sya that time. Hindi yung hintay na lang ako ng hintay sa kanya.

"Hhhmmm I see. Nood tayong play ha? Mukhang maganda daw eh."

"Bahala na."

"Ngayon mo patunayan na wala na lang sa'yo si Chester." Hamon ni Awra sa akin.

Medyo nasamid ako dahil sa totoo lang ayaw ko talagang manood dahil aaminin ko sobrang nagseselos ako sa kanilang dalawa na sana nag-audition pa rin ako para makapartner sya sa play.

Tumango ako kay Awra at tahimik na nagbayad sa counter.

Buti na lang at may okay pa na boutique na pwedeng mabilhan ng mga ready to wear na Ball gown. Balak ko pa nga mag-rent na lang but knowing Mommy hindi yun papayag.

Kung nalaman nga lang non ng mas maaga for sure nagpatahi pa yun at ayaw nya ipagamit yung debut gowns ko kasi nasuot ko na daw yun. Tsk! Minsan iba din itong si Mommy eh.

Pag-uwi ko nakita ko na may missed calls si Chester. Hindi ko na rin sinasagot mga text nya na puro "Good morning" at "Kumain ka na?". Aaminin ko I missed him. I miss his presence.

"Hi anak! Nakabili ka na ba ng damit? You're Mom is very excited for you. Dalaga na talaga ang baby ko." Daddy hugged and kissed my head.

"Yes Daddy. Baby pa rin naman ako eh." I hugged him even tighter.

"Baka the following day may umakyat na ng ligaw ha? Sabihan mo agad si Daddy para makapag-leave ako sa work."

I chuckled. Si Daddy talaga ang best Dad for me. Sobrang light lang lagi kahit alam kong hindi pa rin sya papayag na ligawan ako.

"Paano may manliligaw Dad eh may bantay ako sa Ball." sumbong ko kay Daddy.

"Sino? Si Kuya Kyle mo?"

"Yes Daddy."

"Ikaw! Parang di mo kilala kuya mo eh kakampi yun sa'yo kahit kaapelyido nya Mommy mo."

I chuckled once again. Sabi na nga ba at super supportive ni Daddy.

"Basta dapat sa bahay ka nililigawan ha? Ayoko sa kalsada."

Bigla na naman akong nasamid. Lately lagi na lang akong ganito. Dahil ba sa sakto lahat ng mga sinasabi nila sa akin?

"Yes Dad and ipapakilala ko po sya sa inyo." kahit di ko alam kung mangyayari pa ba sa amin yun ni Chester.

"Good girl. Sya pahinga ka na at para ikaw ang Queen of the night sa Valentine's Ball nyo. Goodnight my baby." again Daddy kissed me and hugged me very tight.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon