Part 20

99 2 0
                                    

"Anong nakakatawa?" pagtataray ko. Napahiya ba naman ako. Akala ko din kasi hahalikan ako. "good morning kiss" man lang ba?

"Ang cute mo kasi eh. Mali pala ang ganda mo kasi. Kasing ganda mo yung araw na ito." sabay kindat nya sa akin at muli na namang nagwala ang mga paru-paro sa aking tiyan.

Ganito pala epekto nya sa akin ubod ng lakas. Nakakadala parang lalo akong nahuhulog.

Agad akong tumingin sa bintana para hindi nya makita na namumula na ako.

Bigla namang kumulo ang tiyan ko. Agad ko tinakip ang aking bag para bang mapapatigil nito ang pagtunog niyon.

"Tamang-tama pala. I bought you breakfast. Sorry sa fast food ko lang binili, wala pa kasing open na mga restaurant."

"Okey lang. Kumain naman ako sa bahay." pero taksil talaga yung mga alaga ko at muli na namang kumulo ang aking tiyan.

Napangiti akong pilit kay Chester na ngayon ay napalingon muli sa akin.

"Huwag ka nang mahiya parang di naman kita girlfriend nyan."

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang init ng mga pisngi ko at parang ayokong lumingon sa kanya dahil panigurado akong pulang-pula na ako ngayon.

"Oh? Bakit tahimik ka na dyan? Huwag ka munang kiligin. Umpisa pa lang yan."

Aba ang loko. Ayaw pang tumigil. Alam mo yung feeling na mahangin ang dating pero nakakakilig. Bakit ng bata pa kami hindi naman sya ganyan. Ganun ba nagagawa ng US sa kanya?

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nag-frown face lang ako.

Tinigil nya sandali yung sasakyan at agad inabot sa likod ang pagkain na na-take out nya sa isang sikat na fastfood chain.

"Sorry, di ko kasi alam kung anong gusto mong kainin kaya ito lang nabili ko. Kain ka na. Breakfast is the most important meal of the day at ayoko kitang nakikitang nagugutom."

Inabot nya sa akin ang pagkain. Burger and fries lang yun pero niready pa nya. Binaba nya ang wrapper ng burger hanggang makarating sa mga kamay ko. Inayos nya rin sa lap ko yung tissue para hindi madumihan ang damit ko.

Napapatulala na lang ako sa pag-aalaga nya sa akin. Nakakahulog ng puso.

I shook my head para madivert ang mga iniisip ko. Nagsimula na rin akong kumain habang sya ay nakafocus sa pagdrive.

Buti na lang at hindi traffic at 10 minutes before time pa kami nakarating.

Nagpasalamat ako sa food na bigay nya at sa free ride and when I am about to leave. Chester grabbed my hand and kissed me in the forehead.

"Ingat ka and text me when you need anything. Goodluck sa class, Love."

At ngumiti sya ng buong tamis. Wala na! Ayan na naman yung nakakahulog nyang ngiti. Wala akong ibang masagot kaya tumango na lang ako at tuluyan ng lumabas ng kanyang sasakyan.

Kasabay ng mga hakbang ko ay ang malakas na pintig ng puso ko.

"Chester, bakit binabaliw mo ako?" sigaw ng utak ko.

Lunchtime! Finally, nagkaroon kami ng time magkakaibigan na magkachikahan. Paano ba naman lahat ng subjects kanina ay kung hindi may quiz, meron namang mga reportings and groupings.

"Tey, anyare kahapon?"

Kakaupo pa lang namin ayan agad ang bumungad na chika nila sa akin. Kasama ko ngayon sina Awra, Louise at si Micole na ngayon ay pumasok na pero tahimik pa rin.

Nakakapagtaka lang dahil dati sya itong unang-unang nagtatanong ng ganap ko since she's bestfriend.

Nagkwento ako ng buong pangyayari pero hindi ko sinabi sa kanila na pumayag na akong maging girlfriend ni Chester dahil for sure magagalit sila sa akin.

Nagdecide na kami mag-order ng biglang lumapit si Chester at pumagitna sa amin ni Micole.

"Para sa inyo."

Isang paper bag ang iniwan nya at may sticky note na nakalagay. Agad kong kinuha ang sticky note at tinago dahil baka makita ito nila Awra.

"Ano yan?" tanong ni Louise na hinila ang paper bag.

"Aayyy bongga! Para sayo tey?" agad na nilabas ni Awra ang laman ng paper bag.

"Para sa inyo so meron kami?" nagcheck si Louise ng paper bag at may nakitang note na galing siguro kay Ram.

Mga microwavables na may japanese food ang laman ng paper bag. Meron ding slice ng mango bravo cake.

"Aayy! Feeling ko nanliligaw talaga sa'yo." nagtaas ng kilay si Awra sa akin.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga side comments nilang dalawa.

"Sila na nga diba? Aaayy wait! So, kayo pa diba kasi wala pa rin ang bracelet? Ano nang usapan nyo?" tanong ni Louise na kumakain nh food na bigay naman sa kanya ni Ram.

Hindi naman ako naiinis sa dalawa kong kaibigan kasi alam kong concern lang din sila sa akin pero yung usapan namin ni Chester ay alam kong between us lang habang wala pa ang bracelet sa kanya.

"Go with the flow habang wala pa ang bracelet." tipid na sagot ko at kumuha na rin ng food na bigay ni Chester.

"Gaga ka ba? Eh di ikaw ang talo dyan." nakishare na rin sina Awra at Micole since good for 4 to 5 pax yata ang dala ni Chester na food.

"Bakit naman sya magiging talo eh mahal naman nya?"

"Basta kasi parang easy to get lang ganun." kibit-balikat ni Awra.

"Wow! Coming from you talaga ha?" natatawa si Louise sa sinasabi ni Awra which is alam kong may point pareho.

"Tey, alam nyo naman na si Jen ay dalagang Filipina yan mga tey. Kahit sobrang crush nya si guy never yang nagpakita ng motibo."

"Pero bakla! Pwde namang manligaw habang sila na diba?" tumingin pa sa akin si Louise parang nanghihingi ng kakampi.

"Ewan sa inyo. Naturingan kayong mga babae. Ang point ko lang kung gusto nya pala si Jen ay sana nanligaw sya ng maayos. Hindi yung may paganyan-ganyan pa syang way ngpagapasagot tapos manliligaw din pala sa huli. Sobrang labo nya. Di mo maintindihan kung torpe ba? Or trip lang? Or sadyang gusto ka nya. Pero tey, ingat din ha? Baka kapag nafall ka na eh biglang hindi ka saluhin. Ikaw rin."

Lahat ng sinabi ni Awra ay may point. Inisip ko yun buong afternoon class at buti na lang ay na-manage ko naman kahit minsan mukha akong lutang.

The Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon