Ang aga kong nagising kinabukasan. Pinaayos ko kay Manong Bert yung bike ko. Pinakondisyon ko na rin para sa mamayang ride namin ni Kuya Kyle. It's now or never na talaga ito.
"Saan ka na?" tanong ko kay Kuya Kyle nung tumawag ako sa kanya.
"Malapit na. Ready ka na ba?" balik tanong nya sa akin.
"Oo kahit hindi. Kinakabahan ako Kuya paano kung itulak na nya ako palayo?"
Baka napagod na rin kasi sya sa akin dahil sa tuwing nagseselos ako iniiwasan ko sya kahit okay kami basta kapag sinumpong ako. Wala na.
"Ayun lang pero feeling ko hindi yan basta samahan mo na lang ng dasal."
"Oh sya sige ingat ka."
Tinawagan ko din ang isa pang kasabwat na si Ram. Sinabi ko ang plano ko. Tuwang-tuwa ang loko. Finally daw at naging matapang na ako for both of us ni Chester.
"Hello! Oh? Nagdrive ako ng bike, okay? Oo na. Pumayag naman sya. Hirap pilitin kapag broken hearted. Ikaw kasi eh. Mga plano mo talaga. Sinabi ng huwag gagawa ng ikakasira nyo eh."
"Daming sermon? Oo na, mali na ako. Kaya nga ito na eh. Ako na susuyo. Sige na, text mo na lang ako at susunod ako."
Tinawagan ko si Kuya Kyle upang magbantay sa akin sa malayo. Syempre susunod akong magbike kina Ram at Chester mag-isa at baka kung mapaano pa ako. Pati nagpaalam ako kay Mommy na kasama si Kuya Kyle para payagan akong lumabas ng subdivision namin.
Chester's POV
Nagulat ako ng biglang mag-aya si Ram mag-bike. We do it usually pero mula sa puyat kagabi gawa ng Ball sya pa nag-aya? Knowing na may pagkatamad sya kapag galing puyat.
Alas kwatro ng hapon ang sabi nyang oras mag-aalas singko na wala pa rin sya. Tamad talaga nya.
Maya-maya pa nakarinig na ako ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Sinalubong ako ni Ram na parang nakapang-bahay lang.
"Akala ko ba bike? Eh parang inutusan ka lang ni Tita bumili tapos napadaan ka lang."
"Aayyy daming sinasabi? Ginagawa ko ito para maka-move on ka na."
"Utot mo blue! Makaka-move on din ako just give me sometime."
"Utot mo din blue! Move on mo mukha mo. Eh mga nililike at share mo nga puro hugot. Di pa nga nakaka-24 hours sila ng masaktan ka."
"Di na nga ako sasama. Dami mong sermon."
Nahiga ulit ako kahit na complete gear na ako.
"Para kang ewan! Ano? Tara na kasi!" pagpipilit sa akin ni Ram.
"Paano kasi alam mo sobrang hurt yung tao tapos dadagdagan mo pa!"
Tumayo na ako at nauna pang lumabas ng room ko. Agad akong nagpunta sa garage namin para kunin ang bike ko. Kinondisyon ko na ito kagabi pa lang pagkatapos namin mag-usap ni Ram.
"Alam mo di naman halatang ayaw mo noh? Sobrang full gear bro! Hahahaha"
"Malay ko ba kung sa malayo tayo pupunta."
"Bro, medyo bawasan mo ng konti at baka mailang sya."
"Sya? Sinong sya?" nagtataka kong tanong kasi alam ko talaga may padyak kami ngayon.
"Sabi ko sila, yung mga makakasalubong natin. Sobrang outfit mo tapos ako pambahay lang? Palit ka ng medyo okay-okay." suggestion ni Ram sa akin.
Ano pa ba magagawa ko kundi sumunod sa kaibigan kong nambulabog sa katahimikan ko. Sarap-sarap ng pag-iisip ko na magkakabalikan kami ni Jen tapos guguluhin lang nito.
Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na kami ng subdivision namin. Daming nagbibike dahil hindi na masyadong mainit. Di pa naman sobrang lubog ang araw kahit na alas singko na.
Dumiretso kami sa may burol na pipupuntahan ng mga bikers. Maganda kasi doon halos tanaw ang City. Sobrang ganda ng tanawin ay naisip ko na kung maging maayos kami ni Jen ay dadalhin ko sya dito sa gabi dahil panigurado akong maganda ang city dahil sa mga ilaw sa bawat building.
"Bro, gusto mo ng buko juice? Bibili lang ako bigla akong nauhaw ako eh." sabi ni Ram na di ko namalayang tumabi na sa akin kasi nauna ako sa kanya.
"No, thanks bro. Sige bili ka na muna."
"Hoy! Huwag kang tatalon dyan ha? Bibili lang ako saglit." remind sa akin ni Ram na ikinatawa ko.
Kapag kaya tumalon ako dito, mamahalin na kaya ako ni Jen? Napalingon ako ng may marinig akong nagsalita sa tabi ko.
"woohhh! Taas pala nito. Napagod ako. Tsk!"
"Jen?" gulat kong tanong sa kanya.
"Hi!" bati ni Jen sa akin.
Jen's POV
Sobrang hingal ko pero pinilit ko umayat sa may burol para sa lovelife ko. Sumunod sa akin si Kuya Kyle na nagcheer pa sa pag-ahon ko papuntang burol.
Nang matanaw ko sina Ram at Chester bigla akong kinabahan at parang gusto ko ng mag-back out.
Napahinto ako at literal na babalik na. Hindi ko kayang harapin sya. Naduduwag ako kasi alam kong nasaktan ko sya ng sobra.
"Oooyyy! Saan ka pupunta?" hinarangan ako ng magaling kong pinsan.
"Ahh, huwag ko na kayang ituloy?" nagdadalawang isip na talaga ako.
"Tumigil ka nga. Huwag kang duwag okay? Pati bakit ka magbaback out eh ikaw naman itong nanakit? Kayong mga babae gusto nyo kayo lang sinusuyo eh. Di porket mahal kayo eh aabuso na kayo. Ang love two way yan. Kung kasalanan mo mag-sorry ka, hindi kabawasan yan ng pagkatao mo."
Again, para na naman akong sinampal ng katotohanan ng pinsan ko. Napaisip na naman ako kahit masakit ang sinabi nya sa akin.
"Tumuloy ka. Mag-usap kayo ng maayos. Kung wala na talaga eh di wala. Kung di ka mahal eh di hindi ka mahal pero atleast may ginawa ka bago matapos ang lahat ng ito."
Nakita ko na naiiyak ang pinsan ko. Naluluha si Kuya Kyle, alam ko may pinagdadaanan sya ngayon kaya naman parang relate na relate sya sa mga nangyayari sa akin.
Ngumiti ako kay Kuya Kyle at lumapit. Niyakap ko sya habang akay sa kabilang kamay ang bike ko.
"Thank you Kuya. Promise! Babawi ako sa'yo." hinaplos ko kamay nya kasi alam ko nahihirapan din sya ngayon.
"Go!" he smiled at me.
"Thank you Kuya." I smiled at him tapos tumalikod ako at tumuloy sa pag-akyat.
Nagkasalubong pa kami ni Ram. He tapped my shoulder.
"Ikaw ng bahala ha? Sana maging okay na kayo. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko." he smiled at me tapos tumalikod na sya.
Napayuko ako. Deserve ko ba si Chester? Parang ang swerte ko kung mamahalin nya talaga ako kaya tinuloy ko paglapit sa lalaking sinisigaw ng puso ko.
"Hooy! Lalim ng iniisip mo ah?" nakuha pang magcomment ni Chester sa akin parang di ko sya nasaktan kagabi. Ngumiti pa sya sa akin ayun nga lang di umabot sa kanyang mga mata.
"May naisip lang ako." I smiled back.
"Oh I see. Ahh Jen..."
"Yes?!" nagulat ako ng bigla ulit syang magsalita. Hinintay ko mga sasabihin nya.
"Una na ako pauwi." pagpapaalam nya sa akin at unti-unti na syang tumalikod
Bakit ang sakit? Ang tagal ko narealize na baka masayang ang pagkakataon ko kaya bago pa sya tuluyang makalayo ay hinabol ko sya muntik pa ako masubsob dahil pababa na nga pala ang tinatahak ko.
"Chester!" sigaw ko. Nilakasan ko talaga kasi kapag di ko ginawa yun ay baka di nya ako marinig at tuluyan na syang mawala sa akin.
Lumingon sya nang marinig nya ako. Agad syang tumigil at tila ba naghihintay. Sinamantala ko iyon para makalapit sa kanya buti na lang at medyo di matao sa bandang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomantikHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes