Napamulat ako ng mga mata ng tumunog ang cellphone ko. Message alert from Mommy and Daddy mga bilin lang para sa amin 1 day and 1 night summer vacation.
Napatingin muli ako sa van sa unahan namin. Nakita ko na lumiko sila sa isang gasoline station na may mga fast food at kung anu-ano pang makakain.
Nakita ko na bumaba ang ilan siguro ay para kumain ng breakfast at ang iba naman ay para mag-cr.
Nakita kong nagmulat ng mata ang bestfriend ko pero di pa rin ako kinakausap. Mamaya ko na kakausapin ang isang ito dahil sabi nga magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Nagising din si Kuya Kyle. Nasa may Pampanga na kami. Mabilis din ang biyahe. Pagtingin ko ay mag-6 am na pala. 4 hours pa daw para marating ang beach kung saan kami naka-book. Mukhang si Kuya Kyle naman na ang magdrive ngayon. Kaya na naman daw nya basta kakain muna sya.
"Kain muna tayo Kuya."
Lumabas kami kasunod ni Micole na tahimik pa rin sa tabi ko.
"Sorry." tangi kong nasabi.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi ko alam pinanggagalingan mo. Alam kong mahal mo rin sya pero sana lumaban ka rin. Sana makita nyang nilalaban mo rin. Kasi kahit gaano ka kamahal ng tao kapag nakikita nyang binabalewala mo sya sa kabila ng mga efforts nya sa'yo baka mapagod din sya at maubos. Makikita mo na lang na masaya na sya sa piling ng iba."
Napatingin ako sa gawi nila Chester na ngayon ay kasama ni Claudia. Agad akong nag-iwas at tiningnan si Micole na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Hindi mo maintindihan eh."
"Paano ko maiintindihan? Wala ka namang sinasabi. Sana kausapin mo man lang si Chester kahit huwag mo ng sabihin sa akin mga reasons mo kahit kay Chester na lang. Nakakaawa na yung tao na parang tanga na naghihintay sa reply mo, sa tawag mo, sa sulyap mo, sa ngiti mo. Parang naniniwala na akong pinaglaruan mo lang feelings nya kahit sabihin na hindi maganda ang simula pero alam mong ever since sincere sya sa'yo. Napakaduwag mo." naluluha na ang mga mata ni Micole. Gusto nyang matauhan ang kanyang bestfriend para maging maayos na ang lahat.
"Okay." huminga ako ng malalim. Nagsimula akong magkwento kay Micole habang si Kuya Kyle ay umorder na para sa aming apat na nasa sasakyan.
"Sa tingin mo ba madali sa akin maniwala? Sa tingin mo ba dapat akong magtiwala sa kanya? Ginawa na nya sa akin yung ganung way ng panliligaw kaya magagawa nya sa iba. Paano mapupunta yung bracelet kay Claudia? Ang lakas nyang gawin yun matapos kausapin ang mga parents ko na sincere sya sa akin? Hindi lang ako ang nasaktan at nagmukhang tanga dito pati na sina Mommy at Daddy. Akala mo ba hindi ko hiniling na sana normal kami ni Chester at malayang napapagsigawan sa lahat kung gaano namin kamahal ang isa't isa pero paano namin gagawin kung bawat hakbang namin bawat may maaayos na mga bagay sa paligid namin ay madarating na naman. I love him best. I love him so much pero paano ko pa mailalaban ito kung alam kong sa huli na masasaktan din namin ang lahat?" hindi ko na napigil ang pagluha ko sa sobrang sakit.
Ito sana yung time na sasagutin ko si Chester pero nasira lang ng dahil sa bracelet na iyon.
Niyakap ako ni Micole. Ngayon, ramdam ko na may nakakaunawa na sa akin. Sana lang matapos na ang lahat. Malinawan na ang lahat, na ginawa ko ang lahat ng ito, lahat ng pag-iwas para di na masaktan pa ang iba. Kahit ako na lang. Kahit gano kasakit. Makita ko lang na maayos ang lahat kaya kong i-sacrifice kahit na ang ikakasaya ko.
Sa sasakyan na kami kumain. Di na rin natulog si Mang Bert pero kumain sya ng binili namin sa isang sikat na fast food chain. Si Micole ay nakasandal sa akin na tila ba sinasabing nandyan lang sya sa tabi ko palagi.
Ako? Nakatitig sa kawalan. Lumilipad ang isip ko. Kanina pa nag-beep ang cellphone ko pero hindi ko yun pinapansin. I even deactivated my social media accounts dahil baka may makita na naman akong makakasakit sa akin. Mas mabuti ng umiwas para hindi na masaktan pa.
Maliwanag na ng sapitin namin ang Zambales. Ilang minuto na lang ay nasa beach na kami. Medyo mahina na ang signal kaya tumawag na ako kina Mommy at Daddy na nakarating na kami at baka madelay lahat ng messages dahil nga mahina ang signal sa lugar na iyon.
Pagdating namin ay agad kami tinulungan ni Mang Bert buhatin ang mga gamit namin. Isinama ko na rin si Mang Bert sa solo room ni Kuya Kyle. Hindi naman suplado si Kuya Kyle at okay lang naman daw sa kanya kahit na nga hiyang-hiya na si Mang Bert dahil parang nagbakasyon na rin sya.
Habang nakapila ang lahat ay hawak ko ang aking hand bag dahil si Kuya Kyle na naghila ng akin luggage bag.
As usual, head turner ang Kuya ko kahit na mukhang suplado dahil isa itong introvert. Buti nasasakyan ng bestfriend nya mga pakulo nito sa buhay pero alam ko naman na kinagigiliwan din ito ng mga tao dahil once na makaclose mo na ay talaga namang very maalaga at mabuting tao ang pinsan ko.
Sa kabilang pila naman ay natanaw ko ang grupo nila Claudia at syempre hila-hila nya si Chester. Very sweet ang dalaga kay Chester ngunit mukha namang walang pakialam si Chester dito na nakatanaw lang sa dagat.
Natapos na ang registration namin at kanya-kanya na kaming puntahan sa mga designated rooms namin. Excited ako sa mangyayari dahil alam kong makakapagrelax talaga ako dito although nandito din sina Chester pero di ko na kailangang isipin sila. Sobrang laki nitong beach area para makasalubong at guluhin ko sila.
Nakatulog ako dahil sa pagod na rin sa biyahe. Hindi ko na naramdaman ng pagpasok nila Micole at Louise sa room namin. Yes, roommates kami. Sina Chester, Awra at Ram naman sa kabilang area ng resort.
Pinaghiwalay pa ang mga boys and girls para na rin maiwasan ang mga dapat mangyari lalo na may mga teachers and faculty members pa rin kaming mga kasama.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes