GC Name: Beshiessss! Pero walang 🐍
Micole: Jenica!!!
Ram: Aga mo naman mambulabog. Wala pa namang pasok.
Micole: Wala kang pake! Ay meron pala. Wait lang. We need Jenica here.
Louis: baka tulog pa sis. Spill the tea.
Micole: Remember Chester Montefalco? Classmate natin sya sa ibang subject. Yung bestfriend ni Ram.
Ram: Oh? Anong problema mo doon? Pati paano mo nalaman eh hindi pa naglalabas ng list ang University natin?
Micole: I have my source. Ultimate crush kasi ni Jen si Chester since Elementary. Eh kaya lang nakakabuwisit yang kaibigan mo. Deadma ang beshie namin. Bakla ba yun?
Ram: Oopphhss! Foul! Hindi bakla yun baka hindi lang talaga bet si Jenica.
Awra: Baka ako ang bet. Hehehehe sino ba yan? Gwapo ba?
Louis: Baka, knowing Jen eh napakapihikan nyan sa lalaki eh.
Awra: Awit! Check natin sa pasukan.
Jennica: kick nyo kaya ako sa group! Grabeee! Parang wala ako dito ah kung pag-usapan nyo ako. @Micole uso ang pm beshie. @Awra gwapo talaga yun. Elementary pa lang tayo crush ko na yun. @Ram quiet ka lang sa kanya please. @Louis alam ko susuportahan mo ako sa kanya.
"Kinabahan ako ng mabasa ko laman ng gc namin. Si Chester Montefalco, my long time crush? Ay hindi pala. Mahal ko na yata." pagbabalik tanaw ni Jenica sa nakaraan nya.
Flashback...
"Besh! Si Chester oohh?" turo sa akin ni Micole ng makita namin si Chester na naglalakad sa tapat ng bahay namin.
Yes, nasa isang subdivision lang kami and yet hindi nya pa rin ako napapansin kahit magkasalubong man kami.
One time, sa paglilibot namin sa subdivision namin we met Louise and Ram. Sobrang cool ng dalawang ito and sobrang fun to be with. We hang out sa bahay lagi nila Louise and dahil sa mga bagay na pinagkakasunduan namin ay naging barkada namin sila.
Dito ko din nalaman na si Ram pala ay bestfriend ni Chester but never pa namin sya nakasama sa pagtambay sa bahay nila Louise dahil isa pala syang introvert.
Sobrang shy type nya pero as per Ram kapag naman nakausap mo daw ito ay sobrang nakakatuwa at marami silang things in common ng lalaki.
Akala ko nga magiging way na iyon para maging close din kami ni Chester pero ayaw siguro ng tadhana. After graduation namin ng Elementary, I've heard na aalis sya papuntang US at doon na ito mag-aaral kaya naman laking panghihinayang ko dahil sa nangyari.
Pero higit sa lungkot na dala ng pag-alis nya after graduation ay mas may isasakit pa pala ito nang malaman kong may girlfriend na sya sa US.
Sobrang lungkot ko nang araw na iyon buti laging nndyan ang mga friends ko to comfort me. Sina Micole and Louise ang naging mga clowns ko sa mga days na lugmok ako.
"Alam mo besh, marami pa naman dyan pati ang bata pa natin para magseryoso sa mga ganyan bagay. Crush pa lang yan ha?"-Louise
"Eh kasi naman, akala ko magkakaroon ng chance eh. Akalain mong bestfriend sya ni Ram tapos friend natin si Ram. Oh diba? Nandun na eh."-Jenica
"Kapag hindi ka pinili, ibig sabihin may ibang tao pa para sa'yo"-Micole
"Malay mo since College na tayo eh mas marami ka pang ma-meet. Baka ma-meet mo na rin ang "the one" mo doon."-Louise
End of Flashback...
Magkikita na ulit sila ni Chester. Magkikita na ulit sila ng lalaking matagal na nyang itinago sa kanyang puso.
"Kamusta na kaya sya after so many years? Sana maging close na kami this time. Sana mapansin na nya ako this time."-Jenica
At the University...
"Beshies, dali na. 1st day pa lang late na tayo."-Jenica
"Excited kasi yan."-Awra
"Di naman alam ko kilala nga sya nung tao."-Louise
"Awww! Sakit nyo magsalita ah? Real talk talaga?"-Jenica
"Hindi naman. Ginigising ka lang namin. Grabeee na kasi ang pangarap mo. Ilang years na nga ulit nakakaraan? Di pa rin makamoved on teh?"-Micole
"Ewan ko sa inyo. Parang mga tanga eh."-Jenica
Nauna nang lumakad si Jenica sa kanilang room ng accidentally syang mabangga ng isang lalaki.
Nahulog lahat ng dala ni Jenica at agad naman syang tinulungan ng nakabanggang lalaki.
"Miss, are you okey?" pag-aalala ng lalaki kay Jenica.
"Aahhh ehhh. Yes, I'm okey. Thank you." agad naman syang tumayo and balak na nyang tumalikod ng magsalita ulit ang nakabangga sa kanya.
"Is this the Humanity Class?"
"Yes, bakit? Dito ka rin ba?" nauutal na tanong ni Jenica sa kaharap.
"Yes, so I guess classmate din tayo. By the way, I'm Chester Montefalco." inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga.
"Jenica. Jenica Reyes." iniabot naman niya ang kamay ng binata.
"Nice name. And you also look familiar? Parang nakita na kita before but I don't remember kung saan." napakamot ng ulo si Chester, pilit na inaalala ang nakaraan.
"Baka kamukha ko lang. Anyway, nice meeting you and pasok na tayo baka dumating na yung Professor." nauna na si Jenica dahil sa sobrang pagkataranta.
Hindi na dapat maalala ni Chester ang nakaraan. Yung mga kalokohan nya. Yung pagsisigaw nya sa court kapag naglalaro at nakakashoot ng bola si Chester dahil nanonood sya ng basketball sa village nila. Nakakahiya. Dalaga na sya para gawin ulit ang mga bagay na iyon.
Nakaupo na ang lahat. Magkakatabi ang magbebeshies na sina Jenica, Louise, Micole at Awra habang nasa likod nila si Chester.
Dumating ang kanilang Professor at ang unang pinagawa nito ay ang magpakilala ang kanyang class sa isa't isa.
When it's Chester turn, agad nag-tilian ang mga girls dahil new face ito although yung iba ay kilala na sya dahil nga dati naman syang nag-aral sa Pilipinas.
"Hey guys! I'm Chester Montefalco. I am a transferee from UCLA. Actually dito ako nag-aral sa Pinas during may Pre-school and Elementary days so I guess some of you ay kilala pa rin ako. I hope may maging friends ako sa inyo kahit medyo shy type kind of person ako. By the way, thanks to Jenica for helping me kanina. Muntik na kasi akong maligaw." Chester smiled at Jenica.
Habang paupo si Chester sa kanyang upuan ay di mapigil ng mga kaibigan ni Jenica na tuksuhin sya.
"Buong maghapon na naman na tuksuhan ito okey sana kung may progress agad eh. Eh tinulungan ko lang yung tao." Jenica explained everything to her beshies.
"Progress na yun teh? Kinakausap ka na. Diba dati deadma ka lang? Bakla toohh? Ayaw pa?" sabi ni Awra na nakataas ang kilay.
Natapos ang maghapon na puro pagpapakilala at fill out ng forms ang ginawa nila. Hindi na muli nagkrus ang landas nila Chester and Jenica.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes