Ang sarap sana sa feeling na ihatid ni Chester. Iyong sabay kayo pag-uwi tapos sya pa ang magdadala ng gamit mo. Sobrang gentleman pa man din nya at sobrang romantic sana pero wala eh sinayang nya yung opportunity at kung hindi lang sya naging ganon, pwde sana. Pwdeng-pwde.
Nasa kanyang kwarto na naman si Jenica at nag-iisip kung saan na naman nya hahanapin ang necklace na yun. Minsan napapaisip sya na baka may nang-trip lang sa kanya pero hindi eh tanda nya at kita ng mga kaibigan nya na nilagay nya muli sa box ang necklace tapos nilagay nya sa kanyang bag. Buong maghapon naman nya itong dala except lang nung kumain sila sa canteen pero binantayan naman ito ni Micole.
Hindi kaya si Micole? Pero imposible kasi na kukunin yun ni Micole for what? Naiinis nga rin ito kay Chester sa paraan ng pagpapasagot sa kanya.
Nasa ganun sya ng level nang pag-iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Chester.
Tinatamad sya na kuhanin ang cellphone nya hindi gaya ng mga nakakaraan na halos mahulog sya sa higaan nya para lang makita kung nagtext ba ang binata kahit magtanong lang ito about sa lesson pero kabaliktaran na ngayon.
Convo...
"Hi, still awake?"-Chester.
"Patulog na ako. Anong kailangan mo?"-Jenica.
"Sunduin sana kita bukas sabay tayong kumain."-Chester.
"Late pa pasok ko bukas pati hahatid naman ako ng driver ko."-Jenica.
"Lunch kaya?"-Chester.
Pigil na pigil ang inis ni Jenica. Ayaw man nya maging bastos kay Chester pero hindi nya talaga mapigilan.
"Hindi ako maglulunch bukas. Diet ako."-Jenica.
"Dinner? Baka pwde na."-Chester.
Nakakabwiset! Napakakulit talaga nito. Sinabi nang ayaw ko eh. Hindi makahalata.
"May dinner kasi kami ni Mommy bukas."-Jenica.
"Ah, ganun ba? Pwde kayang hintayin na lang kita pag-uwi? Sabay na tayo. Hatid kita."-Chester.
Napahilamos ng mukha si Jenica sa sobrang inis kay Chester. Pigil na pigil na ang pagkainis nya at baka masupalpal na nya ang binata. Manhid ba talaga ito?
"Alam mo Chester, wala akong time sa mga paganyan mo eh. Kung gusto mo iba na lang sunduin mo, ihatid mo at ayain kumain, okey? Okey na? Hindi mo ba maintindihan na AYOKO!!! HINDI KA MAKAINTINDI?" hindi na napigilan ng dalaga ang pagkabadtrip nya sa binata at sinend na nya ang mga gusto nyang sabihin dito.
Sana talaga tumigil na ito dahil pagod na pagod sya sa mga nangyayari. Bakit talaga hindi ito makaramdam?
"Okey. Ingat kayo ni Tita bukas. Text mo na lang ako kapag may kailangan ka. Kung pwde sana iupdate mo din ako para hindi ako nag-aalala."-Chester.
Aba talaga naman! Hindi kinakabahan sa mga pinagsasabi nya. Ewan ko sa'yo Chester. Bwiset na bwiset na ako sa'yo. Tigilan mo na ako!!!
Sa sobrang inis nya ay napahagulgol na lang sya at dumapa sa kanyang kama.
Hopeless case na talaga ito until may naisip syang paraan. Magpapabili sya sa Daddy ng same necklace na regalo sa kanya.
She dialled her Daddy's number. Ilang ring pa lang ay sumagot na ito.
Convo...
"Hello Dad?"-Jenica
"Yes sweetie?"-Daddy Franc
"Uuwi ka ba this weekend?"-Jenica.
"Yes sweetie. Is there a problem? Bakit gising ka pa? You should sleep."-Daddy Franc.
"Can't sleep Daddy. Can we go out on weekend?"-Jenica.
"Why hija? Oo naman, family day yun at we need to bond talaga. Miss ko na kayo ng Mommy mo."-Daddy Franc.
"We miss you too Daddy. Dad, did you remember na wala ka pang gift for me?"-Jenica.
Sinabi na nya sa Daddy nya na kahit wala na itong gift sa kanya since sobrang gastos na nito sa kanyang party pero she badly needs it kaya papatusin na nya. Sana lang hindi magulat ang Daddy nya sa hihingiin nyang regalo.
"Ohh? May naisip ka na ba? Kaya ka ba hindi makatulog?"-Daddy Franc.
Alam agad ng Daddy nya kung may problema ang anak. Hindi kasi ito basta-basta tatawag unless sobrang importante.
"Meron na Dad pero pwde sa Saturday na lang po?"-Jenica
"Oh sya! Matulog ka na at maaga pa pasok mo bukas. Goodnight sweetie. I love you."-Daddy Franc.
"Thanks Daddy. I love you too and Ingat ka dyan."-Jenica.
Nag-end na si Jenica ng call ng mapangiti sya. Naisip nya na may kapalit na ang necklace. Ang problema na lang nya ay kung papayag ang Daddy nya na ito ang maging regalo since alam nito na hindi sya masyadong mahilig sa jewelries lalo pa't marami na syang ganon sa kanyang jewelry box.
Sana meron pang katulad non sa kanilang store. Dasal ni Jenica hanggang sa makatulog na sya.
"Hi girls!" masiglang bati ni Jenica pagpasok kinabukasan.
"Mukhang masaya tayo ngayon ah?"-Awra.
"Syempre naman." todo ngiti ni Jenica sa mga kaibigan.
"Anong meron? Care to share?" tugon ni Louise.
"Next time na lang baka majinx." ngiti ni Jenica at napatingin sa gawi ni Micole na nakikinood lang sa kanila.
"Hulaan ko? Sinundo ka ni Chester?"-Louise.
"Bakit naman ako papasundo sa kanya?"-Jenica.
"Kunwari ka pa! Gusto mo din naman."-Louise.
"Dati yun nung wala pa ang necklace."-Jenica
"Kunsabagay pero sayang talaga kayo eh. Haaayyy."-Louise.
Nalulungkot din si Jenica sa mga nangyayari pero wala syang magawa.
"Alam ko na! Nahanap mo na ang necklace? Congrats bakla!" hula ni Awra at nag-appear pa ang dalawa ni Louise at nagtitili.
"Hhhmmm aahheem uhh uhh" tila nasamid si Micole.
"Best, okey ka lang? Kanina ka pa walang kibo ah?" concern na tanong ni Jenica kay Micole.
"Okey lang best. Baka napagod lang ako kahapon, nag-ayos ako ng gamit eh." dahilan ni Micole.
"Sure ka ha?"-Jenica.
Tipid naman na ngumiti si Micole kay Jenica na parang sinasabing ayos lang sya.
"Mabalik tayo sa topic? Ano nga?"-Awra.
"Basta! Update ko naman kayo." ngiting tagumpay na si Jenica na parang sigurado na maibabalik na nya ang necklace kay Chester.
Matatapos na ang lahat. Magiging normal na din ng lahat at hindi na sya guguluhin pa ni Chester. Tila nalungkot sya sa huli nyang naisip. Mawawalan na rin sila ng chance ni Chester.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomantizmHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes