CHAPTER 92: DATE

30 8 0
                                    

AUTUMN'S POV

Naalimpungatan naman ako nang makarinig ng pagtahol bago yakapin si Winter pero napatayo din nang muling makarinig nang pagtahol, tinignan ko naman Kim na nasa sahig at muli naman siyang tumahol.

Napatingin na din ako kay Winter bago napangiti nang makita na mahimbing pa rin itong natutulog.

"Shhhh magigising si mommy mo" mahinang sabi ko kay Kim bago ayusin ang pagkakakumot kay Winter at lumabas ng kuwarto.

"Gutom ka na ba?" mahinang tanong ko kay Kim at mahina naman siyang tumahol bilang sagot.

Habang nilalagyan ng pagkain ang mga lalagyan nila ay napatingin naman ako sa orasan at nakita na 3:45 pa lang ng umaga. "Eat well" ani ko sa kanila bago muling dumiretso sa kama at tabihan si Winter.

Natawa naman ako sa isip ko ng tumayo pala ako ng wala man lang kung anong balot sa katawan.

ang tapang mo masyado Autumn!

Napatingin naman ako sa may side table ko nang tumunog ang telephono dun. "Hello?"

"Ano kayang mararamdaman ni Winter pag nalaman niyang ikaw ang nakapatay kay Annalise?" bungad sa kabilang linya na ikinaupo ko nang ayos.

"Dad" ani ko at narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Nope" sagot nito na ikinakunot ng noo ko. "Siguro pandidirihan ka niya ulit, lalo pa't alam pala ng pamilya mo ang nangyari" muli itong natawa bago ibaba ang tawag.

Kunot-noo at takot akong napatingin sa telepono na hawak ko bago ito ilagay dun sa lalagyan.

Napatingin naman ako kay Winter nang maglikot ito. "Hmmm" aniya bago humarap sakin at yakapin ako bago tinanday ang paa sa paa ko.

Napangiti na lang ako sa ginawa niya bago hinalikan ang noo niya at niyakap siya pabalik. "I'm going to protect you..." bulong ko habang hinahaplos ang buhok nito.

Maingat kong inabot ang telepono at tinawagan ang private investigator ko na i-trace ang tao na tumawag sa'kin kanina at nang matapos ay mahigpit kong niyakap si Winter para makatulog.

WINTER'S POV

Nagising naman ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko at nang tuluyan ko nang mabukas ang mga mata ko ay tsaka ko tinignan ang alarm clock ni Autumn sa side table;

"Morning self..." mahinang bati ko sa sarili bago maingat na tinanggal ang kamay ni Autumn na nasa ibabaw ng kanang dibdib ko bago siya nilingon.

Maingat kong hinawakan ang pisngi niya at bahagyang inayos ang buhok niya. "Good morning" sabi niya bago unti-unting dinilat ang mga mata na nagpangiti sa'kin.

"Good morning" sabi ko pabalik bago niya pinaglapat ang mga labi namin.

"Now that's how you greet good morning" sabi niya at ngumiti na lang ako nang yakapin niya ako at ilapit ang katawan ko sa kaniya.

"Ah!" sigaw ko nang paliguan nito ng halik ang buong mukha at leeg ko na ikinatawa ko dahil sa kiliti na dulot nito.

"Magluluto na ako ng breakfast" sabi niya bago halikan ang labi ko at tumayo na.

"Naiihi ako" sabi ko at nang maisuot na niya ang short niya ay nagulat naman ako ng bigla niya akong pangkuin at dalhin sa banyo at alalayan akong umupo sa inidoro.

"Ah! Ang hapdi!" sigaw ko at pinalo ang hita ni Autumn nang lumabas na ang inihi.

"Sorry...sorry" aniya bago lumuhod at halikan ang noo ko.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon