CHAPTER 91: CELEBRATION

35 8 2
                                    

WINTER'S POV

Habang nasa biyahe kami pauwi ni Autumn ay hindi ko maiwasan ang mapatingin dito at mapaisip kung bakit ko kailangan mag-ingat dito.

"You okay?" tanong nito nang maihinto ang sasakyan dahil sa red light.

"Yeah" nakangiti kong sagot bago siya lapitan ng bahagya at halikan ang pisngi nito.

"Thank you" nakangiti nitong sabi bago idampi ang labi sa'kin tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Kinabukasan habang ginagawa ang rounds ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ni Ara kahapon, at nang marating ko ang reception area ay agad naman akong binati nina Oshea, Claire, at Ivory dahil sa success na surgery kahapon.

"Thank you" nakangiting sagot ko. "Congrats din sayo" sabi ko kay Claire na ikinangiti nito.

"May celebration ba mamaya Doc?" tanong ni Oshea na ikinakunot ng noo ko.

"Alam mo ikaw, late ka na ngang umuwi kagabi tas gusto mo pa celebration?" sabi ko na ikinayuko nito. "patay ka talaga kay Mommy Lola, Oshea" at napakamot naman si Oshea sa batok nang matawa si Claire at Ivory.

"Bakit hindi?" napalingon naman ako at napangiti nang nakita si Doc Grayson.

"Hi Doc Abi" napatingin na din ako sa likod ni Doc grayson at nakita si Doc Abi.

"Hi, anong meron?" tanong nito at umakbay sa'kin. "Congrats pala" masayang sabi niya sa'kin at ngumiti naman ako lalo.

"Thank you" sabi ko at inakbayan na rin siya.

"Magandang idea ang celebration ah, nuh Charles?" tinignan ko naman ang kadadating lang na si Charles na direktang nakatingin sa'kin...I think?

"Hmm, maganda" sagot nito habang nakatingin pa din sa gawi namin.

"Sino, si Winter o si Abi?" tanong ni Doc Grayson at bahagya naman kaming natawa ni Doc Abi nang manlaki ang mga mata ni Charles.

"Hoy!" sigaw ni Charles kay Doc Grayson sabay duro.

"Kasal na ako, tumigil ka na nga" pagsaway ni Doc Abi bago pinalo si Doc Grayson sa tiyan.

"Kung hindi ko lang kayo kilala, aakalain kong mag-asawa kayo" sabi ni Oshea na ikinatawa ko.

"Marami naman taong ganiyan. For example yung nabaliw na babae kay Abi-" natigil naman si Doc Grayson nang hampasin siya ni Doc Abi.

"Tumigil na sabi eh" sabi nito habang nakangiti.

"Sige, mag celebrate tayo mamaya" sabi ko at bakas naman sa mga mukha nila ang saya. "Pero dinner lang yun tsaka kunting alak, may shift pa kayo eh" dagdag ko at tumango na lang sila.

Nang balutin na ng dilim ang kalangitan ay tsaka kami lumabas para mag-dinner. Ako, si Doc Grayson, Ara, Charles, Oshea, Ivory, Claire, Autumn, Justice at Thunder. Nandito kami ngayon sa resturant ni Tita Sally dahil ito lang din naman ang mas malapit na restaurant sa hospital.

"Hi" bati ko kay Ara ng marating niya ang table namin.

"Hello" bati niya pabalik bago umupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang order namin at nagsimula naman na kaming kumain;

"Ayaw!" sabay na sigaw namin ni Justice.

Tinignan ko naman siya at nakita na lalagyan ni Oshea ng gulay ang plato niya same naman kay Autumn sa plato ko.

"Don't put that disgusting stuff on my plate" sabay ulit na sabi namin. "Eww" sabay na sabi namin ng ilagay nila ng tuluyan ang gulay sa mga plato namin.

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon