CHAPTER 49: SEBASTIAN VELEZ

21 7 0
                                    

AUTUMN'S POV

Nagising naman ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha at ng kapain ko ang katabi ko ay napabalikwas ako ng bangon dahil sa bakante ito

"Morning..." napatingin naman ako sa may pintuan dahil dun at bumungad sa'kin si Winter na nakapalibot pa din ang kumot sa katawan at may hawak-hawak na tasa sa kamay

"Morning..." ani ko

"Wala kang ginawa?" tanong niya

"huh?" ani ko "ang ibig kong sabihin wala ka bang ginawa sa'kin habang lasing ako?" paglinaw niya sa tanong niya

"Wala, you're drunk-"

"bakit nung lasing ako wala kang ginawang masama? pero nung nasa tamang pag-iisip ko at wala sa impluwensya ng alak...bakit dun ka gumawa ng masama?" tanong niya bago ininom kung ano mang laman nung tasa na hawak niya

Napayuko naman ako "I'm sorry-"

"yan lang ba talaga?" tanong niya sa'kin kaya muli siyang tinignan

"Oo, galit ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako handang bigyan ka ng dalawang pagkakataon" sabi niya kaya mas lalong napunta ang atensyon ko sa kaniya

"Alam kong kaya mong magbago dahil nagawa mo sa unang pagkakataon, nang nagkita ulit tayo..." panimula niya bago nilapag ang tasa sa may side table at tabihan ko

tinignan naman ako nito bago magsalita "Gawin mo ulit ngayon, pero this time...ego mo ang ayusin mo"

"Willing akong maghintay, Autumn" pagtapos niya at hindi ko naman maiwasan ang maiyak dahil sa hindi ako makapaniwala kung gaano ako kasuwerte sa babaeng naka-upo sa tabi ko

"Willing akong maghintay" pag-ulit niya bago hawakan ang kamay ko at ilapat iyon sa may pisngi niya

Pinunasan ko naman ang luha ko gamit ang isang kamay ko bago siya mahigpit na niyakap

"Gagawin ko lahat para sayo, Winter. promise babaguhin ko ang ego" sabi ko habang yakap-yakap siya "Magiging karapat-dapat din ako para sayo, Winter"

"Panghahawakan ko yang pangako na yan" sabi niya bago ibalik ang yakap ko

Nang maghiwalay ang mga katawan namin ay agad kong pinaglapat ang mga labi namin. isang simpleng halik lang nung una pero naging mapusok ito di kalaunan

Inihiga ko siya sa kama habang patuloy pa din ang paghahalikan namin at akmang tatanggalin ko na ang kumot na nakapalibot sa katawan niya ay bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko

"nasa labas mommy mo" sabi niya sa'kin habang nakangiti

Muli ko naman siyang hinalikan ng isang simpleng halik bago umalis sa ibabaw niya at pinasuot sa kaniya ang damit na suot ko ngayon

"Nakahubad ka ng harapin mo ang mommy ko?" tanong ko habang sinusuot niya ang damit ko

"nakakumot ako" pilosopong sagot niya bago kami magkahawak na lumabas sa kuwarto niya at harapin si mommy

WINTER'S POV

Nagising ako dahil sa may mabigat na nakadagan sa beywang ko kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko bago bahagyang nilingon kung sino ito

Si Autumn...

dahan-dahan kong inialis ang kamay niya sa beywang ko at akala ko magigising na siya dahil bigla itong gumalaw pero humarap lang pala ito sa may bintana kaya naman nakatayo na ako

Napansin ko naman na kumot lang ang bumabalot sa hubad kong katawan

may nangyari ba?

Napatingin naman ako kay Autumn na may saplot pa din kaya imposible naman siguro na may nangyari

Oo, tama. imposible na may nangyari dahil alam kong hindi niya ako iiwanan na nakahubad

Kahit na pass-out na ako sa kama niya ay alam kong dinadamitan pa din niya ako kahit damit lang

Paglabas ko ng kuwarto ko ay kumuha ako ng tubig at ininom ito pero napatigil ako sa pag-inom na may nag door bell

agad ko naman itong tinignan sa monitor kung sino ito at nakita na mommy ito ni Autumn, si Nyssa Velez

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto...at Oo habang nakakumot

Nang mabuksan ko ang pinto ay tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa

at akmang magsasalita na siya ay inunahan ko na siya "Ang dumi po ng utak niyo" natauhan naman siya dahil dun

tumabi naman ako para mapasok siya at agad naman siyang dumiretso sa sofa at ganun na rin ang ginawa ko

"ah hija-"

"tulog pa po si Autumn—and wala pong nangyari sa'min" sagot ko

"I'm here to tell you, kung gaano ka kamahal ng anak ko and kung bakit ganito na lang kasama ang asawa ko sa iyo" paglinaw niya kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko

"Nagsimula iyon kay tatiana" panimula niya "nagustuhan ng asawa ko si tatiana pero sa kasamaang palad si Kimon ang gusto niya, at nagparaya naman ang asawa ko dahil sa matalik niyang kaibigan si Kimon"

Magkaibigan sila?

"makalipas nun ay si Danica naman ang nagustuhan niya...Ang mommy mo" mas lalong nakuha niya ang atensyon ko

"Nagustuhan niya si Danica...I mean sino ba namang hindi" bahagya naman itong natawa pero bakas pa din dun ang sakit na nararamdaman niya "Mabait, matapang, maganda lahat-lahat na nasa kaniya"

"Pero pumasok si Andreas sa picture at dun na nagsimula ang gulo" napatingin naman ito sa'kin "nag-agawan sila at natalo ang asawa ko pero kahit na ganun ay tinanggap niya yun"

"natalo siya kasi nabuntis niya ako, at kasabay ng pagpapakasal ni Andreas at Danica ay ang pagsilang ko kay Forrest" napangiti naman ito ng mabanggit ang pangalan ng anak "Nagpakasal din kami di kalaunan"

"Then nalaman niya na ikinasal si Kimon sa iba, nagalit siya kasi pinaraya niya si tatiana pero ganun lang gagawin niya"

"He tried to comport tatiana, at dun niya nakilala si beatrice, mommy ni Annalise. they had an affair" naluha naman siya dahil dun "buntis ako kay Autumn nung mga panahon na yun"

"Masakit pero mas nasaktan ako nung muntikan ng malaglag si Autumn" ngumiti naman siya bago ako tignan "pinili pa rin naman niya kami at nabuo si Summer ilang buwan lang matapos kong maipanganak si Autumn kaya malapit lang ang edad nila"

"and no hindi niya anak si Annalise" paglinaw nito

"and then your dad cheated. He was furious nung nalaman niya iyon, He took his anger out on me. sinisisi niya ako dahil sa hindi siya ang pinili ni Danica, sinisisi niya ako dahil sa nabuntis ako kay Forrest...sinaktan din niya si Forrest"

"pinaso niya yung likod ni Forrest nung seven years old pa lang siya at nakita yun ni Autumn, three years old naman si Autumn nung nangyari yun. that's why ganun-ganun na lang kung protektahan ni Autumn ang kuya niya" napangiti naman siya

"And then nabuo ka, you came out looking exactly like her" nakangiti siya habang nakatingin sa'kin "pero nagagalit pa din siya sa idea na nabuo kahit na may kabit ang daddy mo"

"and nung nasagasaan ka ni Autumn dati...hindi ka niya niligtas dahil sa takot" hinawakan niya ang kamay ko "hindi siya takot makulong...natakot siya dahil sa nakita niya ang mommy mo na mamatay at sa pagkakataon naman na iyon ay ikaw naman"

"Winter...Mahal na mahal ng asawa ko ang mommy mo, sobra at higit pa sa'kin" muli namang tumulo ang luha niya dahil dun

"kaya nung nagmakaawa siya sa'kin na operahan ka, ginawa ko dahil anak ka ng babaeng mahal niya. Ginawa ko yun dahil mahal ko siya higit pa sa sarili ko" niyakap ko naman siya dahil tuluyan ng siyang humagulgul

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon