CHAPTER 62: EMERGENCY

50 11 1
                                    

WINTER'S POV

Kasalukuyan akong nasa garden ng hospital, nagpapahinga at habang nakaupo sa bench ay napatingin ako sa tumabi sa'kin

"Okay ka lang ba?" tanong ni Charles

"Ewan" Sagot ko at pinatong ko naman ang ulo ko sa balikat ni Charles

"Ay! Naalala mo nung nagkita tayo sa school nung foundation day?" tanong niya kaya umayos ako ng upo at tinignan siya

"Foundation day?" tanong ko at tumango naman siya

"Hmmm" ani niya

"Ahhhh! Oo" Sabi ko at naalala ang sinabi ni Summer tungkol sa gustong babae ni Charles na nasa building namin

"Ay! Charles" Sabi ko at tinignan naman niya ako

"Ano yun?" tanong niya

"Sino nga pala yung babaeng gusto mo?" tanong ko

"Bakit mo na itanong?" tanong niya

"Naalala ko kasi na sinabi sa'kin ni Summer na may gusto kang babae, at yung babae na yun ay nasa building namin. So, sino siya?" tanong ko

"Wag mo ng alamin" Sabi niya at napanguso naman ako

"Please...Sabihin mo na" Pagpilit ko

"Gusto mo ba talaga malaman?" tanong niya at tumango naman ako

Tumayo naman ito bago ako tignan "Halika, I'll introduce her to you" Sabi niya at inilahad ang kamay sa'kin kaya agad akong sumama sa kaniya

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang hilahin niya ako papasok sa loob ng hospital

"Nandito siya?" tanong ko at tumango naman siya

"Saan ba?" tanong ko dahil sa halos walang katapusang paglalakad

"Uy! Office ko to ah" Sabi ko at pumasok naman kami sa loob ng opisina ko at hinarap ako sa full body mirror ko dun

"Nasaan na?" tanong ko

"Tumingin ka sa salamin" Sabi niya kaya agad akong tumingin "Sinong nakikita mo?" tanong niya

"Ako" Sagot ko at nanlaki naman ang mga mata ko nang ma-gets ko

"Ako?!" tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa sarili ko

"Hmmm, Ikaw yung babaeng gusto ko na nasa building B" Sabi niya

"Winter...I like you" dagdag niya

"Charles..." ani ko at hahawakan na sana siya sa braso pero naudlot ng tumunog ang cellphone ko na agad ko namang sinagot

"Hello" Sabi ko sa kabilang linya

"We need you. Here sa building A. Now" Sabi ni Doc Grayson

"Charles let's go, may emergency ata" Sabi ko at agad naman kaming lumabas ni Charles sa opisina ko at pumunta na sa building A

Nang marating namin ang building ay nakakita ako ng maraming matipunong lalaki at isang duguang lalaki na nakaupo

"Anong nangyari?" tanong ko at pinuntahan ang duguang lalaki

"Wag mo kong hawakan" Sabi niya bago ako itulak palayo

"Excuse me?" tanong ko "pag hindi ka pa dinala sa operating room mamamatay ka" Sabi ko

"Ayokong babae ang mag-Opera sa'kin, bigyan niyo ako ng lalaking doktor" Sabi niya

"Do you see me as woman?" tanong ko

"Miss, Layo na lang po, at hanapan niyo siya ng lalaking doktor" Sabi ng lalaking mukhang kasama nito

"Miss. Makinig ka na lang kung ayaw mong masaktan" Sabi nito

"Paano kung lalaban ako pabalik?" tanong ko

"Wag mo na lang gawin yan" Sabi niya

"Bakit?" tanong ko bago ilapit ang mukha ko sa kaniya "Natatakot ka bang matalo ng babae, would that make you less for a man?"

"Ako ang may-ari ng hospital na to, kaya gagawin ko kung anong gusto kong gawin, ooperahan ang tao na gusto kong operahan" dagdag ko bago siya tignan mata sa mata

"Ngayon tumabi ka, at dadalhin namin siya sa operating room para operahan. Kasi kung hindi, ikaw mismo ang papatay sa lalaking to!" sigaw ko at napaigtad naman ito

"Ah!" daing nung boss nila kaya agad nila itong pinuntahan

"Get out of here!" Sabi ko sa kanila "Are you going to let him die!?" bulyaw ko sa kanila

"Fine, as you wish. Pero kung may nangyari sa kaniya-"

"Hindi mo kilala kung sino tong tinuturo-turo mo, kaya umayos ka" banta ko "Tandaan mo...doktor ako. Kaya ko siyang patayin at pagmukain na nakulangan na siya ng oras" dagdag ko at pinadala na ang boss nila sa mas advance na operating room dito sa building A

Nang makapagpalit na ako nang damit ay agad akong pumasok sa operating room kung saan shi-ni-shave na ni Charles ang bahagi na ooperahan

"Anong meron?" tanong ko kay Charles

"Merong shard glass sa ulo nito" Sabi niya at tumango naman ako

"Let's begin" Sabi ko at pumuwesto na bago sinimulan ang surgery

GRAYSON'S POV

"Anong nangyayari dito?" tanong ko nang makitang may nilalabas sila sa ambulansya

"I'm the new doctor" pagpapakilala sa'kin ng isang babae "Doctor Arabella"

"Mr. Oliveros" Sabi nito at napatango naman ako

"Anong nangyayari?" tanong ko ng ilabas na nila ang pasyente

"Stroke, I need an operating room Stat" Sabi nito at tumango naman ako

"Mas malapit tayo sa building A, kaso lang iisa na lang ang operating room, hindi nga lang siya masyadong advance....pero kumpleto naman ang gamit" Sabi ko

"Kailangan sa advance na natin siya ilagay" Sabi nito

"May gumagamit kasi ng advance operating room" Sagot ko

"Okay, never mind" sabi nito at naglakad na papasok sa building A

"Ang OA naman nun, baliw!" Sabi ko at tinulungan na ang ibang nurse sa pagpasok sa pasyente

WINTER'S POV

"Ikaw na ba ang magtatahi?" tanong ko kay Charles at tumango naman siya bago kami nagpalit ng puwesto

"Kayo nang bahala dito" Sabi ko at tumango naman sila

Nang makalabas na ako ay naghugas na ako ng kamay at sumalubong naman sa'kin si Oshea

"Pinapatawag ka ni Tito Ace" Sabi nito at tumango naman ako

Pumunta na muna ako sa opisina ko at nagpalit ng damit bago pumunta sa opisina ni Tito Ace. Pagpasok ko ay bumungad sa'kin ang miyembro kanina

"Hi Tito, bakit po?" bati ko

"Kayong lahat" maawtoridad na sabi nito dun sa mga lalaki

"Itong babaeng kinalaban niyo kanina, siya si Winter Kim Stavros" Sabi ni Tito Ace "Apo siya ni Florenz kim at anak ni Andreas Stavros" dagdag nito at napangisi naman ako nang makita ang gulat sa mukha ng mga lalaki

"Kumalaban kayo ng isang Prinsesa" ani ni Tito Ace at nagulat naman ako nang lumuhod silang lahat

"Sorry po" Sabi nilang lahat

"Okay lang, tumayo na kayo diyan. Mga mukha kayong tanga..." Sabi ko at tumayo naman na silang lahat

"Puwede niyo akong tanungin sa mga gusto niyong malaman-"

"May boyfriend ka na po?" tanong nung lalaki na kanina ay inutusan ako na maghanap ng lalaking doktor

"Wala, pero hindi kita papatulan" Sabi ko at natawa naman silang lahat

"As I was saying...puwede kayong magtanong sa mga gusto niyong malaman tungkol sa lagay ng BOSS niyo, hindi sa PERSONAL life ko" Paglinaw ko at lumabas na ng opisina ni Tito Ace

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon