CHAPTER 81: FIGHTING

21 9 0
                                    

AUTUMN'S POV

"Winter..." nag-aalala kong ani sa bulto nito "Tara sa loob" sabi ko at magkayakap pa rin ang mga katawan namin nang pumasok kami sa loob ng opisina niya

Pinaupo ko siya sa sofa at kinuha ang tubigan niya bago iyon lagyan ng tubig galing sa water dispenser

"Hindi ko sinasadya yon. I did everything I can do sadyang-" niyakap ko naman siyang muli at patuloy pa rin siya sa pag-iyak

"Ginawa ko lahat I swear" sabi niya at hinagod ko naman ang likod nito

"Here" ani ko at inalalayan siya sa pag-inom ng tubig

"Ano bang nangyari?" tanong ko bago hawakan ang nanginginig nitong mga kamay

"I had a fail surgery" sagot niya at sumandal sa sofa at pinunasan ang luha "Ginawa ko lahat ng makakaya ko"

"Aminado ako na nataranta ako habang binubuhay siya—pero I swear ginawa ko lahat para buhayin siya pero...pero" hindi na nito natuloy ang sasabihin at humagulgol na lang sa iyak

"I'm sorry...I'm sorry" aniya ng paulit-ulit

"Winter..." napalingon naman ako dahil dun at nakita si Doc Grayson "Here..." aniya at inabutan ako ng ice packed

"Sinampal siya kanina, comfort her. Inaayos na namin yung tungkol sa pamilya ng pasyente" sabi nito at tinanggap ko naman yung ice packed

"Comfort her" sabi nito bago lumabas sa opisina ni Winter

"Every things gonna be fine" pag-assure ko kay Winter at umiling naman ito

"Everything is not fine! Napatay ko yung pasyente ko! Anong okay dun?!" bulyaw ni Winter sa'kin

"Doktor din ako Winter" sagot ko "I know how it feels na parang kasalanan mo pagnamatay yung pasyente mo...."

"Pero Winter hindi tayo perpektong tao, ibig sabihin hindi ka din perpektong doktor" dagdag ko

"Did you warn them about the possibility that patient may loss his/her life during the surgery?" tanong ko at tumango naman siya

"Yes...Of course I always do that. Pero sa pasyente na yun late siya naipasok dito sa hospital kaya late na bigyan ng aksyon yung AVM niya" sagot niya

"Then you did nothing wrong. Kasalanan na yun ng pamilya ng pasyente mo kasi alam pala nila na mangyayari yun pero hindi sila naghanda sa posibilidad na maaaring mapatay yung pasyente"

"Pero umasa sila sa'kin" naluluha nitong sabi kaya pinunasan ko ang luha niya

"Lahat naman ata ng tao umaasa sa doktor eh. Aasa sila tas pagnamatay sisihin din yung mga doktor"

"Pero bakit ba nila tayo sinisisi? Where doctors where not God-"

"You should never give up on a patient Autumn" Sabi niya

"Pero paano kung yung pasyente mo na mismo yung sumusuko?" tanong ko at natigilan naman siya, animo'y tuluyang nag-sink-in yung mga sinasabi ko sa kaniya

"You're right, you should never give up on a patient pero wala kang magagawa kung pasyente mo na mismo yung sumusuko" dagdag ko "You did nothing wrong, Winter. You're still an amazing doctor and one or two mistake cannot stop you from being one"

"Third wish" aniya na ikinangiti ko

"Sure" ani ko bago higpitan ang pagkakahawak sa kamay nito

"Stay...please" sagot niya at napangiti ako bago punasan ang luha nito

"No need to say please" sabi ko at muli niya akong niyakap at nanatili na magkayakap ang mga katawan namin ng ilang oras

Maya-maya pa ay biglang pumasok si Thunder sa opisina ni Winter kasama yung driver nito. Sinenyasan ko sila nang manahimik dahil ang kanina na umiiyak na Winter ay mahimbing ng natutulog

Chasing WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon