WINTER'S POV
"Nag request daw po si Doc Ara kay Doc Grayson kung puwede daw po niya kayong palitan bilang assistant sa craniotomy surgery" sagot nito na ikinagulat at galit ko.
"Ano!?" singhal ko at nakita ko naman ang pag-igtad ni Ivory at Autumn.
Agad naman akong naglakad palayo sa kanilang dalawa para hanapin yung reklamadora nay un.
"Bitawan mo ko!" singhal ko habang nagpupumiglas sa pagkakayakap ni Autumn. "Bitawan mo ko! Autumn!" bulyaw ko at kahit pinagtitinginan na kami ng mga pasyente at iba pang nurse at doktor ay patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas.
"Autumn!" singhal ko bago ibaon ang kuko ko sa balat nito.
"Ah!" daing niya kaya nahinto ako sa pagpupumiglas at huminga nang malalim ng ilang beses bago siya tinignan.
"Masakit?" walang emosyong tanong ko habang hawak-hawak ang kamay niya na nakalmot ko dahil sa pagpupumiglas ko. "Tara sa office ko" sabi ko at sumunod naman siya sa'kin papunta sa opisina ko.
Nang makapasok kami ay agad ko siyang pinaupo sa sofa at kinuha ang first aid kit bago siya tabihan at gamutin yung kamay niya na nakalmot ko.
"Sorry..." ani ko habang patuloy pa rin sa paggamot ng sugat niya.
"Kalmado ka na ba?" tanong niya at umiling naman ako.
"Hindi pa ako kalmado pero kailangan kasi may operasyon pa akong gagawin mamaya, baka mapatay ko pa yun" sabi ko at narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Autumn.
"Galit ka pa din?" tanong niya at tumango naman ako bago hawakan ang palad niya nang ilapat niya ito sa pisngi ko.
"Pero pipilitin kong kumalma, baka kasi hindi naman totoo yung balita na yun" sabi ko bago siya tingnan.
"Pero paano kung totoo?" tanong ni Autumn.
"Papatayin ko yung reklamadora na yun" sagot ko bago tinabi first aid kit dun sa coffee table at sumandal sa sofa.
"Relax ka lang" sabi ni Autumn at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo ko kaya napatignin ako sa kaniya. "kung saka-sakali man na totoo yung balita..."
"Hahayaan kitang patayan siya, ako na bahala mag libing dun sa katawan" pagtapos niya at hindi ko naman maiwasan ang bahagyang matawa dahil sa sinabi niya.
"Thank you" sabi ko bago isandal ang ulo ko sa balikat niya at yakapin ang kanang braso nito.
"Always welcome" sagot niya at bago halikan ang noo ko.
"Palipasin mo na muna yang galit mo, malay mo hindi naman pala totoo" sabi niya at tumango na lang ako at mas nilapit pa ang katawan ko sa kaniya.
Makalipas ang ilang oras ay tapos na ang shift ko at dahil may pupuntahan si Thunder at busy si Kuya Liam ay si Autumn ang naghatid sa'kin pauwi sa bahay namin.
"Thank you" sabi ko kay Autumn ng tulungan niya akong bumbaba sa kotse.
"Winter-" nahinto naman si Mommy lola nang makita kaming dalawa ni Autumn at ang magkahawak naming kamay.
"It's not what it looks like!" agad kong sabi at binitawan ang kamay ni Autumn.
"Bakit? May sinabi ba ako?" nakangiti niyang tanong bago kami lapitan. "Nag dinner na ba kayong dalawa?" tanong nito at umiling naman kami ni Autumn bilang sagot.
"Dito na kayo mag dinner kung ganun" sabi nito.
"Dito po? Kasama siya" tanong ko habang nakaturo kay Autumn.
"Oo dito, bakit ayaw niyo b-" nahinto naman si Mommy si Lola sa pagsasalita at napalingon.
"Ma-" natigil si Tito Stephen sa paglalakad nang makita si Autumn.

BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Novela Juvenil[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...