WINTER'S POV
Matapos ang shift ko para sa araw na to ay agad ko namang inayos ang mga gamit ko para makauwi na at nang buksan ko pintuan ay bumungad sakin si Autumn na nakatayo sa labas ng opisina ko.
Nang mapatingin ito sa gawi ko ay agad nitong tinago ang cellphone sa bulsa at nakangiti akong nilapitan. "Let's go?" tanong niya habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Di ka naman ata masyadong excited?" sarkastiko kong tanong.
"Syempre, ikaw ka-date ko eh" sabi niya bago dinala ang bag ko at naglakad na kami papunta sa parking lot ng hospital bago sumakay sa kotse niya.
"Good evening po" bati samin ng mga tauhan ni Tita Sally.
"Good evening" bati namin pabalik.
Nang makaupo na kami sa upuan namin ay agad kaming um-order ni Autumn. Nang dumating ay nagsimula na kaming kumain at syempre di nawala dun ang kuwentuhan at tawanan.
"Shit..." mahinang mura ko nang mapatingin ako sa dalawang kapapasok lang sa restaurant.
"Bakit?" tanong ni Autumn at tumingin na rin kung saan ako nakatingin.
"Shit, seryoso pala talaga si gago" natatawa niyang sabi.
"Hi" masayang bati sa'kin ni Ara nang makita niya ako at nakangiti ko naman siyang hinarap.
"Hey..." bati ni Enzo kay Autumn bago napatingin sa'kin.
"Hey..." bati ni Autumn pabalik bago hawakan ang kamay ko.
"Ahmmm, punta na kami sa lamesa namin" sabi nito at tumango naman si Autumn bago namin sila pinagmasdan na maglakad papunta sa lamesa nila.
"Shit..." sabay na sabi namin ni Autumn nang harapin namin ang isa't-isa. "Nakalabas na pala yan?" tanong ko kay Autumn bago inuman ang wine ko.
"Actually last week pa" sagot ni Autumn bago isubo ang pagkain na nasa tinidor nito.
"Talaga!? Ba't di ko alam" di makapaniwalang sabi ko.
"Dessert?" tanong niya bago inuman ang sariling wine.
"Yes please" sagot ko habang nakangiti.
"Anong gusto mo?" tanong niya ng makuha ang menu for dessert.
"Hmm, Ikaw ano bang gusto mo for dessert?" tanong ko at nagtaka nang matawa ito.
"Akala ko ang sagot mo, ikaw. May karugtong pa pala yun" natatawa nitong sabi na ikinailing ko na lang din bago muling inuman ang wine ko.
"Ano ngang gusto mo?" tanong ko bago tingnan ang phone ko nang mag-vibrate ito.
Ano bang gusto ng lalaking to sa'kin?
Agad kong pinindot ang pulang button nang makitang tumawag na naman si Titus.
Ini-off ko ang phone ko at tinago sa bag bago ituon ang buong atensyon ko kay Autumn. "Hmmm, ikaw" diretsang sagot niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Tarantado" singhal ko bago mahinang pinalo ang braso niya.
"Ang ibig kong sabihin ay ikaw...yung nagluto ng dessert, meaning yung dessert na gawa mo" sagot niya habang nakangisi.
"How about...you make the dessert this time?" sabi ko at bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat.
"Gusto kong matikman yung dessert na kaya mong gawin, sabi mo kanina you've been practicing"
"Sige" sagot nito na ikinangiti ko. "Mamaya sa condo, gawan kita"
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito. "Wala ka bang balak na pauwin ako sa bahay namin?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
Chasing Winter
Genç Kurgu[READ CHASING AUTUMN FIRST, THIS IS THE BOOK 2] Sixteen years had past in their lives and there is no denying the changes that have taken place in their looks, posture and status in life. Obviously, the same goes for their relationships. Can Autumn...